Chapter 13- Cupcakes

7.8K 351 21
                                    

Raiden

"Saan ang lakad mo?"
Nakapamewang si mommy ng bumaba ako sa hagdanan para kumain bago ako umalis. Bitbit ko ang isang duffle bag.
"Sa Baguio."
"Bakit hindi ka nagpapaalam?"
"Mom, I'm an adult." Katwiran ko.
"Hindi dahil adult ka, hindi ka na magpapaalam."

Ang hirap... maging bunso. Ako na lang ang naiiwang anak sa kanila sa bahay, lagi pa akong pinapagalitan. Kulang na lang paghugasin ako ng mga pinggan.
"May lakad kami ni Joanna." I said.
"Okay." Biglang tumalikod si mommy at naglakad papunta sa kitchen.
"Kapag si Joanna ang kasama ko, okay sayo. Kapag ibang tao, nagwawala ka."
Bumalik sa dining area si mother at may dalang tablet. Hinagis niya sa harapan ko ang tab. Buti kung gumana pa ito. Kinuha ko ang tab at tiningnan ang nakabukas na app.

Wow... bored na naman siya. Nang-espiya na naman ng tao.
"Yang Ava na yan ay may balak kang pikutin." Bulyaw ni mommy.
I open the video and it was Ava talking to her dad... about me. They are talking on how they can catch me and Ava having sex and force me into marriage. Kinilabutan ako.
"Isang lapit pa ni Ava sayo, naku sinasabi ko sayo Raiden. Kating-kati na ang kamay ko na pagpractisan yang babae na iyan."

Natatawa akong binaba ang tablet.
"Akala ko ba retired ka na." Biro ko sa kanya. Old habits, hard to die. Parang si Tito Kyle, sobrang galing pa rin sa dark web. Si Tito Marcus naman, lahat alam nun. Pati chismis alam. At si Tito Ace ang tatay-tatayan ni mommy, hindi mapakali sa bahay ng walang monitor na binabantayan. They are still deadly as before. Nagtataka nga ako kay mommy bakit marunong ng magtimpi ngayon eh.
"Retired ka d'yan. Sabi lang yun ni Red." Sagot ni mommy at bumalik ulit sa kitchen.
"Hindi kayo nakikinig sa leader nyo."
Bumalik si mommy sa dining area dala na ang sangkalan at kitchen knife.

Nagtatadtad siya ng sibuyas ng hindi nakatingin sa hinihiwa at nakikipagkwentuahn sa akin.
"Si Marie nga hindi niya mapasunod eh." Natatawang sagot ni mommy.
"Mas lalo na yung kapatid ni Marie. Mabuti kung sumunod yun kay Red."
Kay Tita Sam lang sumusunod yun.

"Dalan mo si Joanna ng cupcake. Pumunta ka kay Bella, nagpatira na ako." Utos ni mommy.
Napahinto ako sa pagsubo ng pasta. "Alam mong aalis ako at si Joanna ang kasama ko, ano?" I stated.
"Hindi. Kakatawag ko lang kay Bella para mag-order ng cupcake. Hindi ka nga nagpapaalam, di ba?" Sagot ni mommy.
"Ang bait mo doon. Dahil ba sa pinaiyak mo?"
"Hindi ko pinaiyak yun ah." Tanggi ni mommy.
"Ilang box ang inorder mo?"
"Kasya na ba ang sampong box?" Nag-aalangang tanong ni mommy.
Natawa ako. Yung tawang mababato ako ng tsinelas kung hindi pa ako titigil.
"Mommy, saan ilalagay ni Joanna ang sampong box ng cupcake? Kaliit na tao nun baka maximum of 2 cupcakes lang kayang kainin nun."
"Lagay siya langa ng kumain. Eh di ipamigay niya sa mga kasama niya. Ikaw yang iniisip mo pangsarili lagi. Huwag kang madamot."

Hala, ako na naman ang mali. Makaalis na nga.
"Aalis na ako."
"Ingat ka. Yung cupcakes daanan mo." Bilin ni mommy.
"Okay mother. Magtadtad ka na lang ng sibuyas d'yan. Very productive yan." Biro ko sa kanya. Nagmamadali akong isinarado ang pintuan baka batuhin ako ng kitchen knife. Asintado pa naman si mommy.

Naabutan ko si Tita Bella sa shop niya na nag-aayos na ng order ni mommy.
"Bayad na ba Tita Bella?" Tanong ko sa kanya after I kissed her on her cheek.
"Syempre naman hindi pa." Tumatawang sagot niya. "Ikaw daw ang magbabayad sabi ni mommy mo."
Inabot ni Tita ang mga boxes of cupcakes sa isang tauhan niya at pinalagay na sa kotse kong dala. Binigay ko naman sa kanya ang card ko.

"Saan ba makakarating ang mga cupcakes ko?" She asked.
"Baguio."
"Taga doon ba ang nililigawan mo?" Usisa ni Tita Bella.
Chismis is life.
"Hindi ko pa siya sinasagot Tita. Medyo strict ang mommy ko." Biro ko na ikinatawa ni Tita Bella.
"Strict ba? Wala pa bang napupusuan sa mga girlfriends mo?"
"Laging it's a NO FOR ME ang sagot niya." Pakikisakay ko sa biro ni Tita Bella.
"Ganoon talaga. Bunso ka eh." Nakangiting inabot sa akin ni Tita Bella ang credit card ko.
"Ingat ka sa pagmamaneho mo, sayang ang kagwapuhan kung magagalusan." Paalala ni Tita.

Nasa likod na ng kotse ang mga cupcakes ng lumabas ako sa shop. Nakaseat belt pa ang mga ito sa backseat. Habang nasa daan tinawagan ko si Joanna. Tagal din bago niya sagutin ang tawag ko.
"Hello,"
Ewan ko pero parang nakahinga ako ng maluwag ng sagutin nya ang phone.
"Bonsai, nasa Baguio ka na?"
"Raiden." Parang disappointed siya na ako ang tumawag.
"Oo nasa Baguio na kami. Nag-aayos ng kami sa Camp John Hay."
"Ah, okay. Daan ako d'yan bago ako magcheck in sa hotel. May pinapaabot sayo si mommy." I said.
"Sweet naman ni Tita. Let me know kapag nasa Pangasinan ka na. Are you taking Marcos or Kennon Road?"
"Kahit ano. Message mo kung saan kayo sa Camp John Hay." I said to her.
"Sure. Ingat ka sa pagmamaneho mo. Huwag kang magmabilis, baka mahuli ka sa expressway." Paalala niya.

"Jo, okay ka na ba? Pwede na tayong magpractice ulit?" Tanong ng kasamahan niya.
"Sige sunod ako." She replied.
"Paano, mauna na muna ako. Ingat Raiden. I'll pray for your safety." At nawala na siya sa kabilang line.

I'll pray for your safety.

Lagi ba siyang ganoon? Ang weird talaga.

Under the RainWhere stories live. Discover now