Chapter 14- Fallen Angel

8.1K 388 37
                                    

Joanna

"Para kang kabado, sis." Pansin sa akin ng kasamahan ko sa SFC. Nakaupo kami sa stage habang nag-aayos ang ibang team para sa backdrop.
Eh kasi parang mali yata na ininvite ko si Raiden for this CFC-SFC Conference. Kinakabahan ako eh.
"Pagod lang siguro." I replied.
"Pahinga ka na. Bukas pa naman ang Conference. Balita ko magsha-share ka." One of the National Council said to me. "Kinakabahan ka ba?"

"Lagi naman akong kinakabahan." I replied.
"Para kang bago nang bago. Ilang conference na ba ang napuntahan mo? Ngayon ka pa ba kakabahan kung kailan bihasa ka na?" Pagpapalakas ng loob nila sa akin.
Kasi nga ngayon lang ako mag-oopen ng nangyari sa akin.

"Dahil ba nandito ang ex mo?" Tanong ng isa sa mga sister ko sa SFC.
"Hindi. Patahimikin na natin yun. May asawa na siya." I replied. "Nagmoving up ceremony na sila. Tapos na yun. Nasa CFC na sila mga sis."

Nagring ang phone ko at automatic na napatingin ang mga kasama ko sa nagvivibrate na phone na lapag.
"Hello,"
"Nasa labas na ako." Sagot ni Raiden.
"Di ba ang bilin ko sabihan mo ako kapag nasa Pangasinan ka na?"
Tumayo ako at nagpaalam saglit sa mga kasama ko.
"Eh nakalimutan ko. Bilis na, ang dami nitong pinadala ni mommy. Tulungan mo ako."
"Eto na tumatakbo na palabas." I replied.
"Yung takbo mo parang normal na lakad ko lang." Sagot niya sabay tumawa.

Nakasandal sa kotse niya si Raiden na makita ko siya sa parking. Mukha itong dark angel sa suot na itim na jacket, itim na pants, itim na t-shirt at itim na rubber shoes. He move when he saw me and open his passenger door. Ang daming kahon sa loob.
"Padala ni mommy para daw tumangkad ka." Sabi niya.
"Hindi sasabihin ni Tita yun."
He chuckled and started to give me boxes after boxes.

"Ay wow, cupcakes. Thank you." Nakangiting wika ko.
"Kay mommy ka magthank you. Saan ba ilalagay? Amoy sugar na ang kotse ko." Reklamo niya.
"Sunod ka sa akin. Doon sa loob. Share natin sa iba."

Sumunod naman si Raiden sa akin. Dalawang box lang ang dinala ko. Tutal matangkad siya, sa kanya na ang walong box.
"Food, people," I said when I entered the venue.
"Hay, thank God." One of my SFC sister commented. Napahinto siya sa pagkuha ng box sa akin ng huminto si Raiden sa tabi ko.
"Oh wow." Bulong ng isang sisters in Christ ko.
Nanunukso siyang ngumiti sa akin at kinuha ang isang box ng cupcake.

Inabot ko sa mga kasama ko ang ibang box galing kay Raiden hanggang isang box na lang ang natira sa amin. Sumalampak ako sa stage gaya ng iba at nagsimulang kumain.
"Hindi ka naglunch, ano?" Tanong ni Raiden. Inalok ko siya pero umiling lang siya.
"Kumain naman kaya lang marami kasing gagawin. After naming magpractice tumulong pa akong mag-ayos ng venue." Nginuso ko ang stage na hindi pa tapos hanggang ngayon.

"Sis Jo, beke nemen gusto mong ipakilala ang kasama mo?" Tukso ng mga kasama ko sa Music Ministry.
"Sorry, I forgot my manners dahil sa gutom. Si Raiden nga pala, kaibigan ko. Raiden mga kasama ko sa Music Min." Inisa-isa ko ang pangalan nila at ipinakilala kay Raiden.
"Hello. Makikigulo lang ako sa inyo." Raiden said to them.
"Welcome ka, bro." Sagot ng isa sa gitarista namin.

"Jo," Tawag sakin ng isa sa mga kasama ko sabay nguso sa pintuan.
Paglingon ko nandoon si Jay. Papasok sa venue. Sinundan naman ni Raiden ng tingin ang tinitingnan namin. Nakikichismis.
"Hayaan nyo na kasi. Wala na yun." I said to them.
Wala naman na talaga. Nakamove on na siya, may asawa na. Nakamove on na ako.
"Sino yun?" Usisa ni Raiden.
"Wala. Chismoso ka."
"Aha, sino yun bonsai?" Mahinang tanong ni Raiden.
Lagay magsinungaling ako. "Ex," Maikling sagot ko.
"Ah totoo pala siya. Akala ko alamat." Tumatawang biro ni Raiden.

May nag-abot ng cupcake kay Jay na kasama namin dati sa SFC. Nag-usap sila ng kaunti at tinuro kami kay Jay. Lumapit siya sa amin. Dati naman namin siyang kasama. Hindi naman ibig sabihin noon ay ako ang ipinunta niya.
"Saan nyo nabili ito?" Tanong ni Jay paglapit sa amin.
"Sa Tagaytay, pre." Sagot ni Raiden. "Dala ko pa yan galing Tagaytay."
"Ah akala ko dito lang." Sabi ni Jay.
"Jay, si Raiden nga pala, kasama ni Jo. Raiden si Jay, dati naming kasama sa SFC. Eh naglevel up na, nasa Couples for Christ na siya." Pakilala ng mga kasama ko. Hindi naman ako nakibo. Baka may masabi pa ang asawa sa akin.

"Saang Chapter ka?" Tanong ni Jay kay Raiden.
"Hindi siya SFC," I replied on behalf of Raiden.
"Bodyguard lang pre." Nakangiting sagot ni Raiden.

"SFC, last practice. Tapos na ba kayong kumain?" Sigaw ng event organizer namin.
"Galaw-galaw na. Music Min."

"Upo ka muna doon. Last practice lang kami." Inabot ko kay Raiden ang box na may tatlo pang cupcake na laman.

Pumuwesto na kami ng mga kasama ko. Ang ilan ay nagpunta na sa mga instrument nila. Si Raiden umupo sa upuan sa tapat ng stage katabi ni Jay.

Ang kagandahan kapag YFC at SFC ang kasama mo, lively ang mga kanta. Pasintabi sa mga CFC pero promise, lively ang praise and worship songs namin.

One way, Jesus, You're the only one that I could live for
One way, Jesus, You're the only one that I could live for

And you know what I love about worshipping, I can sing and dance and praise God at the same time.

Raiden is smiling at me after that first song. He's smiling like an angel who has fallen.

Under the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon