Chapter 12- Pikon

8K 364 14
                                    

Joanna

"Saan ka nakatira?" Tanong ni Raiden sa akin habang akapila kami palabas ng Araneta.
'Sa Mandaluyong."
"Sa loob o sa labas?" Biro nito saka tumawa. "Joke lang. Kain muna tayo. Nagutom ako."
"Lagi kang gutom."
"Tara na. Hindi naman ikaw ang magbabayad." Sagot nito.

Sinamahan ko si Raiden sa isang bar malapit sa Araneta. Maraming nakatambay na concert goers doon. Pagpasok namin, natingin sila mostly sa akin. Kasi naman, nakaputing t-shirt ako at saka alangan naman talaga na kasama ko si Raiden. Bukod sa ang tangkad niya sa akin, as in ang tandkad niya, mukha akong yaya niya.

"Order ka na."
Inabutan ako ng menu ni Raiden at nakibasa sa mga pagkain na meron.
"Raiden, sa Saturday, sasama ka sakin." I said while looking at the menu.
"Saan?"
"Baguio. CFC conference. Makinig ka lang doon." I replied.
"Ano gagawin ko doon?"
"Sinamahan kita ngayon, di ba?" Ganting tanong ko.
"Which is nag-enjoy ka naman."
I snorted. "Their songs are killing the mind of innocent." I murmured.

"Sige makipagtalo ka... Sa harap ng mga fans nila." Banta ni Raiden sa akin.
"I was one of their fans."
"See... may kademonyohan ka ding taglay." He said pointing his index finger at me. Grabe makademonyo ito.
"I said...was. Not anymore. Their music makes me feel... sad."
Tumawa si Raiden."Sa ingay nun, nalulungkot ka pa. Paano kung sad song, bigti ka na?"
"You are listening to the melody, I was listening to the lyrics. Their songs are full of insecurities, about hate, drugs... sex...killing your own self." Napabuntong hininga ako.

Tumawag ng waiter si Raiden at binigay namin ang order naming dalawa.
"So what's the story why you unfan yourself?"
"That story is for Saturday. Mauuna ako sa Baguio dahil kailangan naming ayusin ang venue. I am hoping you could come." I replied instead.
"Okay, you have my word." Sagot niya.
I beamed to him.
"But..." Dinuro na naman niya ako. Mannerism niya siguro ito."Pupunta tayo ng Sagada after."
"Hindi pa ako napupunta doon. Bakit tayo aakyat ng Sagada?"
"Dahil gusto ko lang." Sagot niya.
Naputol ang sasbaihin ko ng ilapag ng waiter ang pagkain namin.

Hindi ako nahiyang magsign of the cross at nagdasal. Pagmulat ng mata ko, nakamaang si Raiden sa akin at ang mga nakapaligid sa aming katabing table.
"Just because I watched that concert doesn't mean I am not a believer in God," I said to them.
"Eh bakit ka pala nanood ng concert? Epal ka lang, ganon?" Tanong ng isang babae.
"Sinama ko siya, bakit? Ano problema mo doon?" Tanong ni Raiden sa kanya.
"Ano ang kaepal-epal doon, Miss?"

"Huwag mo ng patulan. Kumain ka na lang. Gutom lang yan."
Inusog ko ng bahagya ang plato ni Raiden sa harapan niya.
"Nang-eespiya ka lang tapos ipopost mo kung sino ang mga nanood. Tapos pag-uusapan ninyo ng mga kapwa mo banal?" Hindi tumigil ang babae. Nagtawanan naman ang mga nakakarinig sa kanya.
Mukhang nabad trip si Raiden at ibinaba ang isusubo sanang fries.

"Ano ang issue mo?" Tanong ni Raiden sa kanya.
"Pumapatol sa babae. Ano ka, bakla?" Tanong ulit ng babae.
"Respect should be earned and not freely given. Sa inaasal mo, sa tingin mo hindi ka kapatol-patol? Hindi ba pwedeng igalang mo ang paniniwala niya dahil ginagalang niya ang pinapaniwalaan mo?"

Wow... hindi ba sinabi ko iyon sa kanya?

"May narinig ka bang sinabi niya bukod sa nagdasal siya? Pinagdasal niya ba na bumulagta tayong lahat? Hindi naman di ba? Ano inaarte-arte mo diyan? Huwag mo akong taasan ng drawing mong kilay."
Hindi ko alam kung paano pipigilan si Raiden.

"Pre, babae yang pinapatulan mo." Sabat ng isang lalaki sa kabilang mesa.
"Babae din naman ang kasama ko pero hindi ganyan umasta." Sagot ni Raiden sa kanila.
"Kaya tayo sinasabihan na masama eh, dahil hindi kayo marunong rumespeto ng paniniwala ng iba."

"Kumain ka na. Huwag mo silang pansinin." Baling ni raiden sa akin.
Ikaw kaya ang maraming napapansin. Sinabi ko na ngang huwag mong patulan.

Naubos ni Raiden sa apat na kagat ang burger na inorder. Hindi na ako nagsalita muna baka badtrip pa siya. Hindi ko na rin pinansin ang mga parinig ng mga tao sa paligid. Ramdam kong nanunuot ang tingin nila sa likod ko.

"Tagal mong kumain."
"Ngumunguya pa ako." Sagot ko sa kanya.
"Bilisan mo."
"May pagka pikon ka, ano?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Pinagtanggol na kita, iinisin mo pa ako." Mahinang sagot niya.
"Learn to choose your battle. Not every battle is worth fighting for." I replied back.

"She's basically humiliating you." Katwiran niya.
"Never correct conceited people; they will hate you for it. But if you correct the wise, they will respect you. Have you heard that?"
Tumango si Raiden. "Naririnig ko yan kay daddy."
"That's from Proverbs. It's from the bible." I murmured.

Napatingin sa akin si Raiden.
"I thought its old saying." Sabi niya.
"It's an old saying. It's from the Old Testament. Witten before the birth of Jesus Christ." I told him.
"There's no harm on being humble, Raiden. For dust you are and to dust, you will return."
He snorted.
"Bilisan mo ng kumain. Nilelecturan mo na naman ako." Sabi nito.
Naisipan ko siyang biruin. "Never correct conceited people..."
"Oo na. Conceited ako. Happy?" Sarcastic na tanong niya sa akin.
Natatwa akong pinagpatuloy ang pagkain.

Under the RainWhere stories live. Discover now