Chapter 26- Tita Abby

10.3K 468 75
                                    

Joanna

Nagpababa ako sa may bandang Cavite at doon sumakay papunta sa Country Club. Medyo malayong lakarin mula sa gate papasok. Natakot pa nga ako sa guard at hinanapan ako ng ID. Tinanong kung sino ang kailangan ko. Sinabi ko lahat ng pangalan ng kaibigan ko sa kanya. Tumawag siya sa intercom at may kinausap. After ng ilang sandal, pinapasok na niya ako.

"Pwede kang makisakay sa mga dumadaan golf cart." Sabi ng guard sa akin.
"Salamat po." Magalang na sagot ko sa guard.

At dahil walang golf cart, nagsimula na akong maglakad. Nakakalimang minuto na ako sa paglalakad ko ng tumawag si Dominique.
"Beshpren, nasaan ka na?" Tanong niya.
"Naglalakad na papuntang Downtown." Sagot ko naman.
"Hala, bakit hindi ka nagpasundo sa gate? Malayo pa yan."
"Kaya ko namang maglakad." I replied.
"Eh kaso maikli ang hakbang mo." Narinig kong comment ni Lego.
"Susunduin na nga kita." Prisinta niya.
"Ay wag na. May padaang cart paparahin ko na lang." Nagtatakbo ako para habulin ang cart. Huminto naman agad ito ng makita akong hinahabol siya.

"Manong dadaan po ba kayo sa downtown?" Tanong ko.
"Ihahatid na kita sa drop off." Sabi niya sa akin.
"See you beshpren." Narinig ko pa si Dom bago patayin ang call.

Nasa downtown ang mga girls na nakatambay sa Starbucks plus Lego. Himala yata at hindi nakabuntot si Ken kay Dominique.
"Kung saan-saan ka napapadpad ah." Sabi ni Lego sa akin ng makaupo ako sa tabi ni Dominique.
"Ganoon talaga. Next week nga sa Mindanao kami naka-assign." Pagkukwento ko.
"Hindi ba magulo doon?" Nag-aalalang tanong ni Star.
"The more na kailangan naming magreach out sa mga tao doon." I replied to her.
"Ano gusto mo, order na ako for you. Baka akala pinapabayaan ka namin. Mapagalitan pa kami." Sabi ni Lego. Napakunot naman ang noo ko. Ano ang ibig sabihin noon?
"Kahit ano." I replied.
"Vanilla milkshake para may calcium." Seryosong sagot ni Michelle.
Itong mga ito... ako lagi. Parang si Dom hindi maliit.

"Excuse me..."
Napatingin kami sa babaeng nagsalita sa likod ko pagkaalis ni Lego.
"What do you, Ava?" Tanong ni Michelle. Teka, parang ito yung kaharutan ni Raiden noong birthday ko.
"Sino si Joanna sa inyo?" Tanong nito.
"Ako. Bakit?" Tanong ko sa kanya.
Tiningnan niya ako mula sa suot kong rubber shoes hanggang sa dry kong buhok.

"Hindi ka naman kagandahan," Sabi nito.
"Aba't. Tarantado ka." Comment ni Rose.
"Sino ba ang may sabing maganda ako?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Bakit lagi mong kasama si Raiden? Ano ang meron ka?" Nandidiring tanong nito.

"Manners. Meron siyang manners." Napabaling ulit kami sa nagsalita naman na kasama ni Lego. Si Tita Abby... Hala.
"Hello Tita." Bati ni Ava sa kanya.
"Huwag mo akong tinatawag na Tita, hindi kita pamangkin." Sagot ni Tita Abby sa kanya.
Napayuko kami ni Dominique.
"Nagtatanong lang sa kanila, Mrs. Fujihara." Ava answered.
"Hindi ko gusto ang tabas ng tanong mo. Gusto mo ako ang magtanong sayo ng tayong dalawa lang?" Tanong sa kanya ni Tita Abby.

Hindi itinago ni Michelle ang pagtawa.
"Sorry po Mrs. Fujihara." Hinging paumanhin ni Ava.
"Tatapatin kita. Ayaw ko sa iyo. Ngayon kung gusto mo ng tahimik na buhay, layuan mo si Raiden. Dahil hindi mo gugustuhing maging mother in law ako." Babala ni Tita Abby.
Napatingin ako kay Dominique na nakatingin din sa akin.

Umalis si Ava at naiwan kaming nakamaang. Pati ang mga katabing table namin natahimik rin.
"Tita, palamig ka muna. Masyado kang hot. Baka lalong mainlove si Tito Ayano." Inabutan ni Lego si Tita Abby ng isang frappe.
"Okay lang kayo?" Malumanay na tanong ni Tita Abby sa amin. Kailangan ko ba siyang tawaging Maam Abby? O Mrs. Fujihara?
"Okay lang po, Maam." Mahinang sagot ko.
Kinumpas niya ang kamay niya habang umiinom ng frappe. Hindi ko ginagalaw ang binili ni Lego for me.
"Tita lang." She answered.
"Hindi mo raw kasi siya pamangkin, Tita Abby." Biro ni Lego.
Natatawa si Star, Lego at Michelle. Pero kaming tatlo nila Rose, tahimik lang. Mukhang kinabahan pati si Rose.

"Kapag inaway ka ulit ni Ava, isumbong mo sa akin ha, Joanna." Bilin ni Tita Abby.
"Opo." Mahinang sagot ko. Nawala na ang boses ko. Kinuha ko ang frappe na binigay sa akin at saka uminom. Nauhaw ako bigla.
"Mauna na ako. Thank you dito Lego. Ingatan nyo yang dalawa."
Tinuro kaming dalawa ni Dominique ni Tita Abby kay Lego.
"Kaming bahala sa mga daughters in law mo." Sagot ni Lego. Nasamid ako at lumabas ang frappe sa ilong.

"Joanna, dahan-dahan baka masamid ka." Nakuha pang magbiro ni Lego bago at abutan ng tissue.
Maluha-luha akong pinupunasan ang ilong habang umuubo.
"Mapapahamak ako sa mga biro ninyo." Ang sabi ko sa kanila.
"Kaya ako napapagtripan ng girlfriend ni Raiden dahil sa mga biro nyo. Nakakahiya pa kay Tita Abby."
"Hindi naman girlfriend ni Raiden yun. Feeling girlfriend lang." Comment ni Star.

"Sino ang feelingera?" Narinig kong tanong ni Raiden.
Isa-isa silang nagsulputan. Kasama niya pala si Kenshin at ang overdrive. Hala, si Jaxx Rivero...
"May ganyan talaga akong charm. Nakakatulala talaga." Biro niya sa akin. Namula yata ako sa pagkapahiya.

"Si Ava, nanggugulo kanina." Sumbong ni Star.
"Ano ang ginawa ng putanginang yun?" Tanong ni Raiden.
"Bakit ba lagi kang nagmumura?" Saway ko sa kanya.
"Default language ko yun, bonsai." Sagot niya. "Ano ang ginawa?" Tanong niya ulit sa mga kaibigan ko.
"Sino si Joanna sa inyo? Hindi ka naman kagandahan. Ansabe..." Kwento ni Rose.
Tumingin si Raiden sa akin. "Maganda ka ba?" Tanong niya.
"Yun nga din ang tanong ko sa kanya. Sino ang nagsabing maganda ako?" Sagot ko kay Raiden.

"Bastos kang demunyu ka." Hinampas ni Michelle si Raiden sa balikat.
"Hindi dapat ganyan ang treatment sa babae." Pangaral ni Mitch sa kanya.
"Iba naman kasi ang pamantayan ng ganda ni Ava. Pang... shallow minded." Ang sabi ni Raiden na ikinatahimik ng buong table.
"Iba talaga ang power ng prayers. Dalas-dalasan kaya natin ang pray-over kay Raiden." Suggestion ni Lego na ikinatawa nila.
"Baka dahil sa bible yan na binigay ni mommy." Comment ni Star.

"Talaga, nagbabasa ka na ng bible?" Nakangiting tanong ko kay Raiden.
Nakatingin siya sa akin ng hindi ngumingiti.
"Nasa Book of Genesis pa lang ako." Sagot niya na ikinasinghap nilang lahat maliban sa akin.

God already started to answer my prayers for you, Raiden.

"Thanks God." I said smiling.

Under the RainWhere stories live. Discover now