Chapter 17- Tissue

7.5K 350 11
                                    

Raiden

Tumulo yata lahat ng sipon ng mga audience ni Joanna. Sobrang uncomfortable na mamigay ng tissue sa kaliwa, likod at harapan ko. Bakante pa ang kanan dahil pababa pa lang ng stage si Joanna.

Nakayuko siya ng dumaan sa tapat ko at umupo sa tabi ko. Kinuha agad ang purple niyang bag at naghalungkat. Nakatabing ang buhok niya sa mukha. Tinatago sa akin ang mga luha. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at ibinigay sa kanya.

Hey, don't judge, may panyo lagi ako sa bulsa. Hold habits siguro dahil lagi akong may sugat na kailangang itago kay mommy noong bata pa kami ni Ken.

"You are such a strong woman," I said to her. Because she is indeed.
Kinuha ni Joanna ang panyo at nagtakip ng mukha. Doon siya umiyak ng walang sound. Yung iyak na umuuga ang balikat. Taena, ano ang gagawin ko?
"Hoy, tama na. Baka akala pinapaiyak kita." Bulong ko sa kanya.
Huminga muna ng malalim si Joanna bago nagpunas ng mga luha. Pulang-pula ang ilong niya pagtanggal niya ng panyo.

"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya.
Tumango siya. Hindi ko alam ang kailangan kong sabihin. Kailangan ba may sabihin ako sa kanya?
"Joanna, wala bang masaya na sharing? Kailangan ba malungkot lahat?"
Natawa ng bahagya si Joanna sa tanong ko.
"Thank you sa panyo. Hindi ko alam kung saan napunta ang tissue ko."
"Pinamigay ko na. Ang dami kasing umiiyak kanina." I told her.

Pagkatapos mangaral ng mga tinatawag nilang Speaker about sa Devil na pilit sumisira sa pamilya, may nagshare na naman. So kada TALK pala may sharing of experience na magaganap. Again, bumaha ng luha sa mga nakapaligid sa akin. Wala na akong tissue na maiabot sa kanila.

Sa lahat ng mga narinig kong problema nila sa buhay. Mula sa pagkatanggal sa trabaho, pagkawala ng scholarship, mga sakit na wala ng lunas, mga pamilya na namatay, magulang na tumalikod sa responsibilidad, naisip ko lang, ano ang karapatan kong magreklamo sa maliit na bagay gaya ng traffic sa EDSA? Kung ang iba ay may ganito kalaking problema, ano ang karapatan kong magreklamo sa tuwing babatuhin ako ng tsinelas ni mommy? Eh si Joanna, wala ng nanay pero marunong pa rin magpasalamat.

Sunod-sunod na ang sharing at tahimik si Joanna na nakikinig sa tabi ko. Nang tinawag ang isang mag-asawa, bumulong si Joanna.
"Pakinggan mo ang kwento nila." Sabi niya sa akin.

Mukhang walang energy na umakyat sa stage ang mag-asawa. Ang kakaiba dito parang ang lalaki ang iiyak na lang bigla.

"Magandang tanghali po." Bati nila. Nagkakatingin pa ang mag-asawa kung sino ang magsasalita. In the end, ang lalaki ang nagpakilala sa kanila. Member daw sila ng CFC.
"Gusto ko pong simulan ang sharing ko sa picture na iyo." Sabi ng lalaki. Nagflash sa screen ang picture nilang mag-asawa noong kasal nila na may kasamang magulang.
"Sila po ang magulang ko. Kuha po iyan sa Singapore noong kasal namin noong January. Three days after, heto naman po sila." Nawala ang picture ng kasal nila at napalitan ng picture ng dalawang kabaong. Natahimik ang lahat.

"After our wedding, umuwi sila ng Pilipinas. Kasama ang ate ko at ang pamangkin ko. They got into an accident. Nakatulog ang driver ng inarkila nilang SUV. Sumalpok sa ten wheeler truck. Patay ang tatay ko on the spot. Si nanay nadala pa sa hospital at nag-agaw buhay. Nagkaroon ng trauma ang pamangkin ko at ilang tahi sa ulo. Ang ate ko naman nagkaroon ng concussion." Hindi na napigilan ng lalaki ang umiyak.

Pati si Joanna umiiyak na naman. Yung masaya namang story. Pambihira ang sakit sa dibdib eh.

"Tumawag ang Kuya ko ng madaling araw and I was praying n asana pera ang problema. Dahil napapalitan ang pera. Nang sagutin ko ang tawag ni Kuya, ang bungad niya sa akin: Umuwi kayo wala na si tatay. Naaksidente sila kanina." Inabot ng lalaki ang mic sa asawa at umiyak ito sa balikat ng asawa.

"Nakakuha kami ng flight ng araw na iyon at dumeretso kami ng hospital. Naabutan pa namin si nanay na nag-aagaw buhay. Pero sumunod na rin siya kay tatay pagkaraan ng ilang oras mula ng dumating kami. Angd apat sanang masayang occasion, ang dapat na masayang kasalan, nauwi sa tragedy. Hindi iisang beses namin sinisisi ang sarili namin. Kung hindi kami nagpakasal sa Singapore, hindi mangyayari iyon. Hindi sila uuwi ng madaling araw at aarkila ng sasakyan." Inabot ng babae ang mic sa asawa niya na medyo kalmado na.

"Napatanong din ako ng araw na iyon? Bakit kami? Hindi pa ba sapat ang service na ginagawa namin? Hindi sapat na nagsisimba kami? Na nasa community kami? Bakit kailangan kaming subukan? Ilang beses ko na ring pinag-isipan na umalis sa CFC. Where is God and why He didn't saved my parents?"

Si Joanna, humahagulgol na sa tabi ko. Mandatory pa na kabugin ko ang likod niya?
"Grabe ka naman. Tumahan ka na."
"Nakakaiyak." Sagot niya.

Nagkapasahan na ng tissue sa linya namin. Toilet tissue na ang pinasa. Hindi na kinaya ng facial tissue, yung pang pwet na ang ginamit nila. Basta tissue... ipasa nyo sa mga umiiyak.

"Then my questions were answered when we were cleaning my parents' room. We found a letter from my tatay to my nanay. It was written way before we were born. What catches my attention is his last statement: Ayaw kong mabuhay ng wala ka. Kaya siguro sila naaksidente dahil iyon lang ang way para lumisan sila ng magkasabay." Pagpapatuloy ng lalaki sa kwento niya.

By the time na tanghalian na, take note libre ang lunch, hindi na ako makakain dahil sa bigat ng mga kwento nila.
"Ayaw mo ng pagkain?" Tanong ni Joanna. Nakigulo ako sa kanilang table. Wala naman kasi akong kilala dito para humiwalay pa. Saka ang daming tao.
"Paano ako kakain? Ang daming problema na narinig ko kanina."
Nagtawanan ang mga kaibigan ni Joanna.
"Hindi naman sinabing lutasin mo iyon." Sagot niya.
"Pinapaalala lang sayo kung gaano ka kaswerte sa buhay. Kumain ka na, maraming batang nagugutom."

Tang-inang... paano ka pa kakain? 

Under the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon