Chapter 27- Baby Bunso

8.8K 386 26
                                    

Raiden

At hindi natapos ang pang-aasar sa akin ng araw na iyon. Inuwi pa ni Kenshin ang kalokohan ni Lego sa bahay. Mabuti na lang at sa bahay nila Star matutulog si Dominique at Joanna.

"Mommy, yung bunso mo may malalang sakit yata." Sigaw ni Kenshin pagpasok pa lang sa bahay. Napakamature, Ken! Nakasimangot akong pumasok ng bahay kasunod niya.
"Ano na naman ba yang sinisigaw-sigaw ninyo?" Sigaw ni mommy.
"Pssstt... huwag kayong magulo." Saway ni daddy sa amin. Nakaupo sila sa sala nila Ate Sakura at Kiro.
"Baka makunan ang mommy ninyo."

Nasamid si Ate sa kinakain niyang chips. Alam ko naman biro lang pero... kadiring isipin.
"I kennat," Sabi ni Ate habang hindi maipinta ang mukha namin ni Ken.
May lumipad na namang tsinelas at tinamaan si daddy sa ulo. Napakamot na lang ng ulo si daddy ng lumabas sa kusina si mommy na may dalang basket of bread. Naupo siya sa tabi ni Ate Sakura at nagsimulang kumain.
"Ano yang sinisigaw-sigaw mo, Kenshin? Mag-aasawa ka na lang at lahat, isip bata ka pa rin." Sita ni mommy sa kanya.

Bumalik ang ngisi naming magkapatid at umupo kami sa tabi ni daddy.
"Mag-aasawa na si Ken?" Nanlalaki ang mata ni Ate na nagtanong.
"Late ka yata sa chismis, Shadow?" Pang-aasar ko.
"Tanga, hindi pa ako nagpopropose." Sagot ni Kenshin.
"Ay mommy, sinasabihan ka ng tanga. Palibhasa CEO na siya oh." Sulsol ko. Naningkit ang mata ni mommy. Uh- oh, Agent Abby is in bad mood.
"Hindi si mommy." Natatakot na baling ni Kenshin sa akin.

"Ano ang sinasabi mong may sakit ang bunso ko?" Tanong ni mommy kay Kenshin.
"Ehhh, nagbabasa na ng bible ang bunso mo." Nakangising sagot ni Ken na ikinaikot ng mga mata ko.
Napanganga si Kiro at Ate sa narinig.
"Parang gusto kong magpainom sa mga amigo ko dahil sa balita na iyan." Biro ni daddy na ikinatawa ni Kenshin.
"Wew nemen, ibe telege kepeg inleb." Hirit ni Ate ng makarecover sa pagkabigla.

"Napaka-big deal sa inyo. Para kayong hindi eletista kung kumilos. Para kayong si Mang Tonyo." Napipikon na sagot ko sa kanila. "At hindi ako inlove ate. Tumigil ka."
"Ganern ba? Akala ko kasi inlove ka na kasi tinanggal mo ang ex ni Joanna sa kumpanya." Sagot ng dalahira kong kapatid.
Mapatingin si daddy sa akin. "Aba, seloso ka parang mommy mo."
May pagbabantang tumingin si mommy kay daddy. At si daddy naman ay ngumisi lang kay mommy. Kanino pa ba namin makukuha ang kalokohan namin ni Kenshin kung hindi sa kanya.


"Sakura, I need information sa kupal na karibal ni Raiden," Utos ni mommy sa shadow niya. Nagtatawa si Kiro, Kenshin at daddy.
"Hayaan mong manligaw ng sarili ang bunso mo, mommy." Tumatawang comment ni Ate.
"Napakaspoiled naman pala." Tukso ni Kiro sa akin.
"Sobrang normal ng family natin. Pangkaraniwan ang topic." Sarcastic na comment ni Kenshin.
"Hindi. Ako. Nangliligaw." Naiinis na sagot ko sa kanila.

"Hindi naman pala nanliligaw kaya okay lang na magkwento ako. May madre na kumausap kay Joanna sa Bicol." Simula ni Ate na ikinasingkit ng singkit kong mga mata.
"Talaga? Sa bagay, pangarap yata ni Joanna na magmadre." Sabat ni Kenshin.
Tapos sasali siya sa chore tapos kakanta siya ng Hallelujah. Yung kanta ni Bamboo para medyo astig. Sarcastic na sagot ng utak ko.
"Ayun na nga, so after yata ng service nila sa Mindanao, she will go to Pink Sister's Convent kung tama ang pagkakarinig ko ha. Pero kasi, alam mo naman ang signal sa Bicol..."

"Paano na si Raiden?" Tanong ni mommy.
"Yun ang malaking tanong, mommy. Paano na ang bunso mo?" Balik na tanong ni ate.
"Magpaturo ka sa daddy mo kung paano mangkidnap." Biro ni mommy sa akin na ikinatawa namin. Napakakengkoy ng pamilya ko, shit.

"Tapos na ba kayong pag-usapan ako?" Napipikon na tanong ko sa kanila.
"Nagtampo na si bunso." Tukso ni Kenshin.
"Yakapin mo na mommy. Baka umiyak." Pang-aasar ni Ate.
Tatawa-tawa si Kiro kaya binato ko ng unan.

On a serious note, talaga bang magmamadre ang isa na iyon? Eh ano naman ang pakialam ko kung magmadre sya?

"Nanlalaki ang butas ng ilong mo," Puna ni daddy sa akin.
"Iniisip na niya kung paano iatatakas si Joanna sa kumbento."
Nasa mood talaga si Ate na mang-asar.
"Tigilan nyo nga ang bunso ko," Saway ni mommy sa kanila.

"Hello bestie,"
Mabuti naman at may nakausap na iba si Ate Sakura. Hirap lang maging kapatid ng isang certified na chismosa.
"Ay, true? Kailan pa umalis ng bahay nila si JAY?" Tanong ni Ate sa kausap. Napabaling ako kay Ate Sakura na nagtago kunwari sa likod ng throw pillow pero saksakan ng lakas ng boses.
"Hindi kaya masprain ang leeg mo anak sa pagkakabaling mo?" Tukso ni daddy sa akin na ikinatawa ni Kenshin.

"Grabe naman. Iniwan ang asawa niya? Bakit daw? Saan siya nakatira ngayon?" Sunod-sunod na tanong ni Ate sa malamang na si Xykie na kausap.
"Ano? Putulan ko na? Tutal walang-hiya eh." Kunwari ay bulong ni mommy pero naririnig naman ng lahat.

"Ano? Tumatawag siya kay Joanna ngayon?" Palakas nang palakas ang boses ni Ate. Rinig na ng kapitbahay sa sobrang OA ng acting nya. Mapapa-WTF ka na lang.
"Record mo bakla, papakinggan ko later. Thanks bestie. Bantayan mo lang si Jay. Alam mo naman ang bunso namin..."
"Shut up," Sigaw ko kay Ate. Naiirita na ako. Tinamaan kayo ng magaling.
Natawa lang sila sa outburst ko.
"Ang cute mo, bunso." Comment ni mommy. May pakurot pa sa pisngi. Aray!!!

Under the RainWhere stories live. Discover now