Chapter 25- Tampogi

8.4K 396 29
                                    

Raiden

Satisfied na satisfied si Tita Yumi pagkatapos nila magdasal.
"I am glad you are starting your journey of faith, Raiden." Nakangiting wika ni Tita Yumi.
Ako naman, hahaha na lang. Nakaplaster ang smile sa mukha ko. Baka umiyak si Tita kapag sinabi kong nagjojoke lang si Lego.

"Gusto kong ako ang magbibigay sayo ng sarili mong bible." Sabi niya.
Huwaaaattt?
"I will give you my Lolo Betina's bible. Sandali kukuhanin ko." Masayang umalis si Tita Yumi.
"Special ka pa, yung kay Lola Betina pa ang ibibigay sayo." Comment ni Star.
"Ito kasi, tarantado ka." Binato ko ng chips si Lego na tawa nang tawa.

"Okay lang yan Raiden. Naiintindihan namin na lahat gagawin mo para sa minamahal." Sulsol pa ni Brix.
"Isa ka pa. Nagmamagandang loob lang ako." Katwiran ko.
"Nagsimula din ako sa nagmamagandang loob na tulungan si Lego dati." Sabat ni Rose.
"Sige ipsychologist mu pa ang demunyu na iyan." Sabi ni Michelle. Ginaya pa ang punto ni Mommy Dionisia na ikinatawa nila.

"Heto na, Raiden." Nakangiting lumabas si Tita Yumi na may dalang bible.
Inabot niya ito sa akin at alanganin kong kinuha.
"Dahan-dahan baka lumiyab." Biro ni Lego. Nagtawanan na naman sila.
"Ingatan mo yan. Isa iyan sa ibinigay ni Lola sa akin noong panahong kailangan ko ng guidance." Sabi ni Tita Yumi.
Napalunok ako. Parang ang bigat ng libro na hawak ko. "Thank you po, Tita."
"You're welcome. Iwan ko na kayo. Maraming chips sa loob, kuha lang kayo ha." Bilin niya at saka kami iniwan.

Dumating sila Dom at Kenshin saktong kapapasok pa lang ni Tita Yumi. Napatigil sila sa pagpanik sa porch ng makita ang bible na hawak ko.
"Taena, late kayo sa pray-over." Bungad agad ni Lego.
"Is that... Bible?" Hindi makapaniwalang tanong ni Dominique.
"Sige, libre lait. Binigay ni Tita Yumi ito. Lagay tanggihan ko."
"Dre, iba talaga kapag inlove ano?" Tukso ni Dominique. Nakiupo sila sa amin at kumpleto na naman kami.
"Ewan ko sayo, cornybells." I mumbled.

"Tungkol saan ba ang meeting?" Tanong ni Rose.
"Para sa Hillsong United na concert," Brix replied.
Napabuntong hininga na lang ako. Hindi naman kayo kasali eh.
"Sino ang sasama? Sa MOA Concert Ground ang venue." Tanong ni Brix sa amin.
"Open field?" Nag-aalalang tanong ni Kenshin
Tumango si Brix at Blaze.
"Gusto kong manood. Sama ako." Ecited na excited si Dominique.
"Head count na tayo. Sasama daw sila Jaxx, anim daw sila." Nagbilang na si Blaze kung sino ang sasama.

Pagkatapos masettle ng bilang namin, tumawag sila ni Brix para magpareserve ng VIP tickets.

"Surprisa ba ito para kay Joanna?" Tanong ni Rose sa akin.
"First date nga yata nila dapat eh." Sagot ni Star sa kanya.
"Nagdate na sila sa Sagada. Nasaan na ang keychain ko?" Baling ni Dom sa akin.
"Owwww... Nagdate sa Sagada..." Tukso ni Kenshin.
"Ayyiiee, talandi." Tukso ni Michelle.

"Tumigil nga kayo. Tutal sasama na kayo sa concert, kayo na lang sumama kay bonsai." Naiinis na sagot ko sa kanila.
"May endearment sila." Tukso ni Star.
"Kawawa si Joanna, walang partner sa concert." Sulsol ni Lego.
Oo nga naman.
"Saka I heard na inaaya siya ni Jay sa concert ng Hillsong." Nagtakip pa ng bibig si Dominique para sa effect. "Kunwari hindi nyo sa akin narinig yan."

Speaking of Joanna, tumatawag ang babae sa phone ko. Napatingin silang lahat sa nagriring kong cellphone.
"Hello," I answered.
"Hello Raiden. Pwede ba nating ipost pone ang lakad natin sa Saturday?" Tanong niya.
"At bakit?"
"Kasi nagyayaya ang mga brothers and sisters ko sa SFC para sa concert ng Hillsong. May isa pa daw silang extrang ticket."

Napakunot ang noo kong tumingin kay Dominique.
"Sabihin mo sa mga brothers and sisters mo na huwag kunsintihin si Jay. May lakad ang buong tropa sa Saturday, Joanna." Naiinis na sagot ko sa kanya.
"Eh kasi pangarap kong makapanood ng concert nila. Saka hindi lang naman si Jay ang kasama namin. Marami kami." Katwiran nito.
"Eh di kasama mo pa rin." Napataas ng kaunti ang boses ko.
"Please, Raiden."

"Tangina naman bonsai. Surprise sana ito eh. Dahil makulit ka, sasabihin ko kung saan sana tayo pupunta. Manonood sana tayo ng concert ng Hillsong. Kung gusto mo sa kanila sumama, bahala ka." Pinatayan ko siya ng phone. Arrrgghhh putangina, nakakabwisit.

Maya-maya tumatawag na naman sila. Hindi ko sinagot hanggang maging miscall.
"Ay grabe ka, dapat sinasagot mo ang tawag sayo. Paano kung emergency?" Pangaral ni Dominique.
Naiinis ako eh.

Nagring ulit ang phone ko at tumatawag na naman si Joanna. Pinanlakihan ako ng mata ni Dominique kaya napilitan akong sagutin ang call.
"Ano?" Naiinis pa ring tanong ko kay Joanna.
"Talaga? Manonood tayo?" Excited na tanong niya. "Promise yan ah?"
Para akong... alam mo yun... nagswitch ang mood bigla.
"Oo nga. Sasama ka ba?" Mahinahon na tanong ko.
"Syempre naman. Excited na ako. Gusto ko ng umuwi."Sabi niya.
"Gusto mong sunduin kita?" Wala sa loob na tanong ko.
"Tampogi pa kunwari si Raiden, ampucha." Biro ni Dominique at naririnig ko silang nagtatawanan.

"Ayun, kusang nangiti." Comment ni Rose habang tumatawa ang ilan.
Naitikom ko tuloy ang bibig ko ng wala sa oras. Nakangiti ba ako? Hindi naman.

Under the RainWhere stories live. Discover now