Chapter 31- Reunion

8.9K 384 46
                                    

Raiden

Nag-aalangan akong iniwan si Bonsai sa bahay ni Dom. Si Kenshin naman nagpumilit na doon na matulog. Para sa ikakatahimik ng mga magiging tuksuhan, hindi na ako nakitulog pa sa bahay ni Dominique. And when Kenshin said na siya na ang maghahatid kay Joanna kinabukasan, hindi na ako umangal. Nagkulong na lang ako sa bahay namin sa Country Club para hindi makita si Ava na hindi pa rin tumitigil sa kakakulit.

Kinalunesan, hindi ko expected na makikita si Kenshin. Actually, hindi ko expected na makikita ang buong tropa sa Downtown ng Lunes.
"Wala ba kayong mga company na pinapatakbo at nandito kayong lahat?" Bungad ko sa kanila ng matanaw silang nagkukumpol sa Starbucks.
"Inggit kami sayo eh." Sagot ni Mitch.
"Ikaw Rose, bakit nandito ka?"
"Holiday ngayon," Sagot ni Rose bago humigod ng iced tea.
"Ahh holiday pala." Naiiling na bulong ko.

"Kamusta ang panliligaw?" Tanong ni Ken. I look at him and they are looking at me.
"Ako ba ang pinag-uusapan ninyo kanina?"
"Obviously, late ka eh." Sagot ni Lego.
Mabuti at wala ang dalawang Overdrive. Yung buong tropa lang talaga ang nandito.
"Nakita ko ang kwintas na suot ni Joanna." Panunukso ni Kenshin.
"Binigay ko noong Saturday. Ano ang masama?"
"Wala naman. Pinakawalan mo na ang kwintas na bigay ni mommy sayo, bunso."
"So?"

"So nanliligaw ka kay Joanna?" Deretsong tanong ni Kenshin.
"Hindi pa." I replied. "Hindi pa kami nag-uusap about that."
"Pero may balak ka?" Pangungulit ni Dom.
Nakakamigraine silang lahat.
"Alam mo naman na kapag sinaktan mo si Joanna," Banta ni Dom.
"Alam ko. Kapag inaway ko siya, kaaway ko kayong lahat. I get that."
"Good." Tumatangong sagot ni Dom.

"Alam nyo kung ano ang kulang sa inyo? Faith. You don't have faith in me. Do what you preach mga friends." I told them na ikinatahimik nila.
"While all of you are making fun of my small steps toward faith, Joanna is giving me thumbs up and praying for me. She's lifting me up."
Napasibi sila Mitch.
"Hindi naman sa sinusumbatan ko kayo. Huwag kayong sumibi." I told them. Napasandal sila sa upuan at mukhang mga guilty.

"Well, he grew up." Star murmured.
"Mahal mo na?" Tanong ni Rose.
"Nasa stage pa lang ako na gusto kong makilala. Huwag nyo akong madaliin. Ang hirap sabayan ng schedule niya." I replied na ikinatawa nila ng bahagya.
"Where ba si Joanna today?" Tanong ni Mitch.
"Nasa Mindanao."
"Hindi naman sa tinatakot ka namin pero may gulo ngayon doon. Saan ba sa Mindanao?" Tanong ni Lego.
"Ewan ko. Kaya nga binigay ko na yung necklace. May tracker yun para kahit papaano malalaman ko kung nasaan siya kung kinakailangan."

"Maiba tayo, dadating sila Ate Jack at ang buong Royals ngayon. May reunion bukas." Pag-iiba ng topic ni Star.
"Bakit sila nauwi?" Tanong ni Ken.
"Bababa na sa throne ang Hari ng Cordonia. Kuya William will take over." Star replied.
"As in Prince and Princess?" Hindi makapaniwalang tanong ni Dom.
"Yup. Like Duke and Duchess, Earl and Countess, ganern." Sagot ni Rose sa nakangangang si Dom.
"Jusme, mas royal pang umasta ang butler nilang si Morris kaysa sa mga royal blood. Hindi sila nakakaintimidate. Well si Princess Jacqueline has Tita Abby's vibes. Knights din kasi siya sabi sa chismis." Pagkukwento ni Michelle.

Sayang wala si Joanna. Napakilala ko din sana.
"Kailan alis nila?"
"Padating pa lang, pinapaalis mo na agad." Sarcastic na comment ni Rose. Ang savage talaga nitong babae na ito.
"Para mapakilala ko rin si Joanna sa kanila." Naiinis na sagot ko.
"Ayyiieee, talandi na rin si Raiden." Tukso ni Michelle.
"Tangina, makaorder na nga. Daming comment ni Mitch." Iniwanan ko silang nagkakagulo sa table namin.

Alas nueve pa lang kinabukasan, pinapunta na kami nila mommy sa Mansion ng mga Sebastian. Lagi naman dito ang venue kapag friends gathering. Yung buong circle of friends. Pinakilala ni Kenshin si Dominique sa mga Royals kung tawagin namin. Si Rose mukhang tanga na mahinhin kunwari pero ng makausap si Ate Violet, ayun lumabas ang kulit.

Ang daming bata. Hindi ko alam kung kanino anakang mga ito. Ang kilala ko lang ay si Alexis dahil siya ang panganay sa mgaroyals. Baka anak ni Ate Violet itong batang magkaiba ang kulay ng mata. Isanggreen at isang purple.
"Charge," Sigaw ni Alexis na may hawak na broom stick at hinabol ang kambal niKuya Rome.
Natatawa akong pinapanood ang mga batang hinahabol ng mga magulang nila.
"Oh my God, Young Master." Napasigaw si Morris sa batang tumalon sa swimmingpool.
Natatawa akong panoorin sila. Si Morris malapit ng sabunutan ang sarili dahilsa frustrations.

Namimiss ko si Joanna.
"Namimiss mo si Joanna." Sabi ni Uno na nasa tabi ko.
"Sino si Joanna, Tito?" Tanong ng bata. Napatingin ako sa bata.
Nililigawan ko.
"Ahh, nililigawan mo." Tumatangong sagot ni Uno kahit wala naman akongsinasabi.
"Wala akong sinagot sayo. Bakit parang naririnig mo ang iniisip ko?"
Napatakip ng bibig si Uno. Ang creepy mo ha.
"Hindi ako creepy," Malungkot na sagot niya.
Niyakap ko ang bata. Napahiya ako ng kaunti.
"Naririnig mo ang sinasabi ko sa isip ko?" Bulong ko sa kanya.
Malungkot siyang tumango ng bumitaw sa akin.
"Ang cool." I offer him a fist bump.
"You think so?" Hopeful na tanong ng bata. Nakangiti akong tumango.
"Sino pa ang nakakaalam na may super powers ka?" Bulong ko sa kanya.
"Si mommy at daddy." Bulong ni Uno.
"Malalaman mo na agad kung may crush sayo ang mga chicks. Ang lupet." Nakipaghighfive ako sa kanya. Tumatawang inabot ni Uno ang kamay ko.

"Allie?"
Napatingin kami kay Kuya Carlos na nakasquat sa harap ni Ate Allison. Malapitlang sila sa akin kapay naririnig ko sila ng malinaw.
"Pahinging papel at lapis." Sabi ni Ate Allie. Nakatulala siya sa kawalan atparang walang nakikita.
"She's seeing something." Bulong ni Uno.
Kinilabutan ako. Multo ba ang nakikita niya?
"No, hindi multo." Umiiling na sagot ni Uno.

Binigyan si Ate Allie ng ballpen at papel. She started to draw ng hindi nakatinginsa papel. Her hand is making lines after lines. Nakatingin si Uno sa mommy niyaat nakakunot ang noo ni Kuya Carlos sa dinadrawing ni Ate Allie. Her friendsare around her.

"What is that? A war zone?" Tanong ni Kuya Gab ng itaas ni Ate Allie angnatapos niya.
Mas lalo akong kinilabutan ng tumingin sa akin si Ate Allison.
"Nasaan si Joanna?" She asked.
Then nag-alarm ang mga relo ni Kuya Gab.
"Code red, tang-ina." He said at tumakbo palabas ng mansion.
Sumunod ang mga Knights at Shadows kay Kuya Gab. Pati sila mommy nagtayuan narin.
"Sa headquarters, now." Sigaw ni Tito Red.
"Tawagan mo si Joanna, Raiden. Paalisin mo sa Marawi." Sabi ni Ate Allie.
Doon yata ako namutla sa sinabi ni Ate Allie.
"Bilisan mo," Sigaw niya sa akin.

Under the RainWhere stories live. Discover now