Chapter 44- Discernment

8.6K 399 22
                                    

Joanna

"Joanna, hindi sa akin yun." Sigaw ni Raiden sa likod ko.
Argghh, bakit ako naiinis dahil sa condom?
"Bonsai," Hinihingal si Raiden ng maabutan ako.
Hinawakan niya ako sa balikat at iniharap sa kanya.
"Para sa taong maliit ang hakbang, ang bilis mong maglakad."

"Nang-iinsulto ka ba?"
"Hindi... Ito naman, galit agad. Biruan naman natin yun eh."
"Ikaw lang ang natutuwa," Mabilis akong tumalikod at nagsimulang maglakad ulit.
Hinabol na naman ako ni Raiden at hinarangan na ang dadaanan ko. Pinigilan nya ako sa balikat upang hindi na makagalaw.
"Hindi sa akin iyon. Nilagay lang ni Kenshin."
Hindi ako kumibo. Ahh, bakit ba naiiyak ako?
"I swear it's not mine. I haven't had sex since," Tumingin pa sa langit si Raiden para mag-isip.

Ay naku, ewan ko sa iyon, Raiden.

"...ahh, I can't remember." Frustrated na sagot niya.
"Hey, 'wag ka namang umiyak."
"Hindi ako umiiyak." Mabilis kong tanggi.
"Ah, sinisipon lang ang mga mata mo." Nakuha niya pang magbiro.
Naiinis na hinampas ko sa braso si Raiden.
"Aray ah. Nang-uunder ka na agad."
Mukha kaming timang na nagtatalo sa gitna ng daan.

"Hindi sa akin yun, promise." Naging seryoso ang mukha ni Raiden.
Pinunasan niya ang mga luhang pumatak sa mga mata ko. Bakit ba kasi? Bakit ba umiiyak ako?
"Hindi ko gagawin sa iyo yun."
"Ang alin?" Parang bata na tanong ko.
"Ang lokohin ka." Simpleng sagot niya.


"Uuwi na ako, Raiden."
Hindi siya kumibo.
"Ang daming nangyari sa akin, napapagod na ako." I said in resignation.
"Then let me take care of you."
"Raiden,"
Napatingin ako sa langit. Malapit na akong pumadyak sa sobrang frustrations ko sa kanya at sa sarili ko.
"Ang kailangan mong isipin is yung mommy mo."
"My mom will be fine." He said in confidence.
"Hindi mo nakita ang gulo sa Marawi,"
"I saw it. I saw more than you do. I saw how they struggled to choose between their comrade and the safety of many. And when my mom says she will be fine, she will be fine Bonsai. Pull-out na daw sila mamaya. Military na ang magtatake charge."

Nakahinga ako kahit paano na malaman na okay sila.
"Dito ka na matulog."
Napabuntong hininga ako.
"Pwede ka sa bahay namin."
Nagpigil ng ngiti si Raiden but he failed. "Tabi tayo."
Naiinis akong hinampas siya sa braso.
"Joke lang, Bonsai. Ah, nakakarami ka na ng palo."


His phone started to ring but he didn't pick it up.
"Baka importante yun,"
"Si Lego lang yan." Sagot niya.
"Bakit mo alam?"
"Yung ring tone. They have different ringtones so I know who is calling." Said then smile.
"Hindi mo tatanungin kung ano ang ringtone mo sa akin?"
I am tempted to ask pero hindi ako kumibo.
"Dalagang Pilipina, yeah." Sabi niya sabay tawa.
Naiiling na lang ako sa kalokohan ni Raiden.
"Sagutin mo na."
"Ayaw ko, naiinis pa rin ako sa kanila. Sila ang naglagay ni Kenshin ng condom sa wallet ko na ikinagagalit mo ngayon."

"Hindi ako nagagalit." Tanggi ko.
"Eh di nagseselos."
"Hindi ako nagseselos."
"Masama ang nagsisinungaling, Bonsai." He pointed out.

Hindi tumitigil ang phone ni Raiden sa kakaring at hindi siya nag-aksaya ng oras para sagutin.
"Balik na tayo, doon." Tinuro niya ang kotse niya na nakapark sa harap ng chapel.
"Sayutin mo na yang phone mo."
"Ayaw ko, hayaan mo sila. Istorbo sila, alam na nanliligaw ako eh."
Nahihiya akong nag-iwas ng tingin. Baka kiligin ako, ang pangit ko pa namang kiligin.

Naglalakad na kami ni Raiden pabalik ng kotse niya na mabagal kaysa sa kaninang halos patakbong lakad ko ng biglang...
"Raiden, nasaan ka na?"
Umalingaw-ngaw sa speakers sa mga poste ang boses ni Lego. Maririnig sa background ang tumatawang si Kenshin.
"Kanina ka pa namin hinahanap. Nandito na ang pinabili mo sa Watsons. Tama ba ang size? Sinend namin sayo ang picture. Sabi mo yung kasya sa pinky finger ko." Sabi ni Lego.

Ngayon ko lang nakitang namula si Raiden. Hindi ko alam kung sa hiya o sa galit.
"Tangina ninyong dalawa." Sigaw ni Raiden na parang maririnig siya ni Ken at Lego.
Pati ako natawa sa reaction niya. Mabilis niyang tinawagan si Lego sa cellphone.
"Uy pare, nasaan ka na?" Tanong ni Lego. Kung nasaan man siya, rinig pa rin sa speaker ang boses niya.
"Hayop ka. Nag-announce ka pa sa buong Country Club. Lumayas ka d'yan, Lego. Tatamaan kayo ni Ken sa akin."
Raiden hold my hand and entwined our fingers. Hila-hila niya ako habang pabalik kami sa kotse niya at gigil na gigil kay Lego. Nawala sa speaker si Lego per naririnig ko sa phone ni Raiden ang malakas na tawa nito.
"Papunta na kami. Kayo ang magpaliwanang kay Joanna ng condom na iyon. At hindi ganun ang brand ko." Sunod-sunod na litanya ni Raiden. Alam kaya nya ang sinasabi niya?
Nahinto siya sandali sa paglalakad ng matauhan sa sinabi niya. Tumingin siya sa akin na may alinlangan sa mata.
"Joke lang yun, Bonsai." Sabi niya na ikinatawa na naman ni Lego ng malakas.


Kaya ko na bang magtiwala ulit?

Joanna, huwag mong lokohin ang sarili mo. May tiwala ka sa kanya, aminin mo na natatakot ka lang.

Bukas... mag-uusap kami ni Raiden bukas. Ineed this night to pray.

-----------
A/N
Isa lang ulit. 

Under the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon