Chapter 3- Family

9.5K 407 33
                                    

Raiden

Hindi ako nagpaiwan sa Japan. Ano ang gagawin ko doon? Maburo sa apat sa sulok ng opisina? Pero tangina, dapat iniwasan ko na lang ang mga family gathering... nagdadasal na sila ngayon bago kumain.

Nakatatlong subo na ako bago ko napansin na nakapikit si Kenshin at Dominique habang nagdadasal. Although nakadilat si Kiro, hindi naman ito gumagalaw. Hindi ko sila pinansin at kumuha ako ng juice.

Sa kakapigil kong malaglag ang hawak kong plato, ang demonyong kutsara naman ang nahulog sa sahig. Napatingin sa akin ang lahat ng tao... meaning ang pamilya ko.

"Nagdadasal pa." Mommy warned me.
"Nabubulunan na ako." Katwiran ko naman.
Bumalik sila sa pagdadasal at ako naman ay humigop ng sabaw na parang nasa Japan. Yung may tunog. Yung naghahalo ang sabaw at laway sa lakas ng paghigop.

Hihigop sana ulit ako ng may tumamang tsinelas sa ulo ko. Napatingin ako kay mommy. Magkadikit na ang kilay niya at masama na ang tingin. It's a warning na ang ibig sabihin ay... ang susunod na tatama sayo ay ang silya kapag hindi ka tumigil. Kaya umupo ako ng deretso at hindi huminga... joke lang. Nabahing pa nga ako dahil sa paminta na nilagay ko sa sabaw.

"Haaaaccchhhiiiinnnnggggg!"

Naku, patay na. Nagmamadali akong tumakbo palayo sa dining area. Kung hindi ako maabutan ni mommy, malamang lilipad nga ang silya.

Nagtago muna ako sa kusina... pwedeng panangga ang ref kung sakaling sumugod si Agent Abby. Nang masiguro kong clear na ang lahatat naririnig ko na ang mga plato, pumunta ulit ako sa dining area paramakigulo.

"May gagawin ka ba?" Tanong ni Kenshin sa akin.
"Bukod sa ipagpapatuloy ko ang pagkain ko?" Sarcastic na tanong ko.
"Kailan pa kayo natutong magdasal?"
Natawa ng bahagya si Dominique na nasa tabi ni Ken.
"Feeling ko si Kiro matutunaw anytime." Dagdag ko pa na ikinatawa ni Kiro.
"Hindi ako nagdasal. Nakinig lang ako." Sagot niya.

"Nagdadasal naman mommy nyo sa gabi. Hindi lang halata." Biro ni daddy.
"Nakaka-OP sa bahay na ito. Feeling ko itinakwil nyo ako ng hindi ako aware."
Tawa nang tawa si Dominique at hindi manguya ang nasa bibig.

"Ano? May gagawin ka ba Raiden?" Tanong ulit ni Ken.
"Depende. Bakit ba panay ka tanong? Kumakain ako eh. Nagutom ako sa haba ngdasal nyo."
Naiinis akong nagsandok ng kanin.
"Wala yan gagawin." Sagot ni Ate.
"Ikaw na ang sumundo kay Joanna." Utos ni Kenshin.

"Sino yun?"
"Kaibigan ko." Sagot ni Dominique.
"Saan ko susunduin, sa labas ng gate?"
"Sa Pasay." Sagot ni Ken.
"Tangina, sa Pasay! Ang layo." I exclaimed.
"Yang bunganga mo. Papasuin ko yan." Mommy warned. "Kanina ka pa Raiden ha.Kahit malaki ka na kaya kitang balian ng buto."

Natatawa si Ate na nagtago sa likod ni Kiro. Hindi kasi nagbibiro si mommy. Parakaming may bully sa bahay kapag alert si mommy. Beast mode na naman si mother.Nagmemenopause na yata.

"Dad, mukhang may nakalimutan ka na naman." Biro ko kay daddy na nananahimik nakumakain. Bigla siyang natigil sa pagsubo at natingin sa akin.
"Ano ang nakalimuta ko?" Tanong ni dad.
Natatawang nailing si Ate. "Monthsary nyo yata." Ate replied. "Nakalimutan mo."
"Hala ka." Tukso ni Kenshin.

"Mommy," Tawag ni daddy kay mommy na walang kibo. Tumingin si mommy kay daddy na kung ibang tao ay naihi na sa pants.
"Bakit?" Tanong ni mommy.
"Hindi ko nakalimutan ang perfume na pinapabili mo. Ngumiti ka na. Baka umiyakna naman si Joanna sayo kapag nakita ka."

I made a gag sound. Kung paano napasagot ni daddy si mommy ay isang himala.Pero siya lang ang bukod tangi na nakakapagpangiti kay mommy kapag nasa beastmode na ito.

"Naiintriga ako kay Joanna. Bakit kilala nyong lahat?"
"Siya ang donor ni Dom." Mommy replied. Medyo malamig na ang ulo.
"At siya din ang nagturo kay Kenshin magrosary." Sabat ni Ate.

Ahhh kaya opposite ko. Tarantado ka Kenshin.
"Tamang-tama, ikaw ang sumundo sa kanya mamaya total wala kang gagawin." Utosni mommy sa akin.
"Meron akong gagawin." Katwiran ko.
"Ano? Mangingitlog ka na naman? Sinasabi ko sayo Raiden kapag ikaw napikot ngdamonyong babae na anak ng Congressman na iyon, ililibing ko yun ng buhay." Sabini mommy. Napalaki tuloy ang mata ni Dominique na ikinatawa ni Ate at Kiro.
"Yun bang Joanna, may dala laging holy water? Pabless nyo nga si mother." Hiritko at inabot ako ng sipa ni mommy sa ilalim ng mesa.

Under the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon