Chapter 34- Warzone

9.8K 472 62
                                    

Raiden

"Tara na," Yaya ni Kenshin sa akin.
"Dito lang ako." I replied.
Nakatayo kami sa tabi na parang hindi kami nag-eexist na dalawa. Busy silang lahat. Si Tito Red ay nakatayo sa harap ng mga monitors ng Knights. Pinapanood ang mga kasamahan niya. Si Kuya King naman, nakaupo sa isang desk at may kausap sa phone. Para na siyang call center sa dami ng phone na nagriring sa harapan niya.

Bawat isa sa kanila ay may earpiece at body cam kaya nakikita namin ang ginagawa ng bawat isa. Naririnig rin naman ng mga Shadows ang usapan nila. Even Tito Red has an earpiece.

Nakasakay sa isang plane ang mga Knights. Si Ate Cailee, Trevor at ilang volunteer nurses naman ay nakasakay sa chopper na si Kuya Carlos at Lego ang nagpapalipad.

"Wala tayong maitutulong dito." Sabi ni Ken.
"Balikan mo ang iba. Baka nag-aalala na sila lalo na si daddy. Dito lang ako. Titingnan ko si mommy at si Joanna." I replied.
Marahang tumango si Kenshin at lumabas ng HQ. Kumuha ako ng upuan at tumabi kay Ate.

Maraming monitor na nakabukas sa harapan niya. Nakamonitor siya sa galaw ng mga rebelde thru street cameras, although hindi malinaw ang kuha at sinisira ng mga rebelde ang nakikita nilang camera, she tried to find them. Then she broadcast the location to Marawi map on the other monitor.

"Ate, pahingi ng earpiece."
"Umuwi ka na, Rai." She replied habang nagtytype ng mga codes sa keyboard.
"Please," I begged her.

"Pahinging earpiece." Sigaw ni Ate. Someone hurriedly came to her and hand her one.
She gave it to me and asked me to be silent.

Naririnig ko sila. Sila Tito Marcus na nagkukulitan sa eroplano. Nakikita ko sila sa mga monitor sa harapan ni Ate at sa mga monitor sa harapan ni Tito Red.
"May baon ka bang Skelan, Paps? Baka sumakit ang tuhod mo." Biro ni Tito Marcus kay Tito Ace.
Nagtawanan sila sa loob ng eroplano. Pati ang mga Shadows ay natatawa ng bahagya. Nakita ko pang nailing si Tito Red sa gitna ng room.
"Kaya mo pa bang makakita sa gabi?" Tanong ni Tito Kyle.
"Praktisado kay Mommy Cheska yan. Di ba, Paps." Tukso naman ni mommy.
"Iwww." Sagot ni Ate Jack na lalo nilang ikinatawa.

"Ganyan ba sila lagi?" Mahinang tanong ko kay Ate.
"The calm before the storm. Pang-alis nila ng tension iyan." Sagot ni Ate sa akin.

"Apprentice, kanino ka team sasama?" Tanong ni mommy kay Santos.
"Syempre sayo, Abby. Taga-ligpit mo ng kalat yan eh. Naalala mo noong naglasing ka dahil kay Maria Ozawa?" " Tanong ni Tito Marcus.
"Hindi. Pero naaalala ko yung binato ka ng tape dispenser ni Kath. Tapos naglalakad ka sa Downtown na umaagos ang dugo mo sa ulo." Sarcastic na sagot ni mommy na ikinatawa nila.
"Eto kasing tarantado na ito eh." Inaambaan ng suntok ni Tito Marcus si Tito Kyle na tawa lang nang tawa.

"Nakikita mo ba kung nasaan si Joanna?" Tanong ko kay Ate.
Tinuro niya ang isang monitor na may nagbiblink sa mapa.
"Mabuti at nabigyan mo siya ng transmitter agad." Sabi ni Ate pero hindi nakabawas iyo sa kaba ko.
"Huwag kang mag-alala, maliligtas siya. Nakikita mo ba ang ngiti ni Jacob?"
Tiningnan ko ang monitor sa harapan ni Tito Red at hinanap ang mukha ni Jacob. Mukhang nga siyang nasisiyahan.
"Kating-kati ng mang-hunting yan. Medyo gruesome nga lang sya kapag nasa field. Tingnan mo si Kuya Gab at kung gaano ang concentration niya. Saka pababayaan ba si Joanna ni Kiro at ni mommy? Eh di nag-iiyak ka kung magagalusan yun."

Hindi pa rin ako mapanatag. Hindi na ulit siya tumawag. Ayaw ko namang tawagan at baka mapahamak siya lalo.

"Kinakabahan ako, Ate." I told her honestly.
"Lahat naman, Raiden, kinakabahan. Tingnan mo nga ang Boss namin, hindi makaupo." Sagot ni Ate.
"Tawagan mo siya kung ikakapanatag mo." Bulong ni Ate.
"Baka lalo siyang mapahamak,"
Nangiti ng bahagya si Ate habang nakatingin sa mga monitor.
"Nagbabago ka na. Iniisip mo na ang ibang tao, hindi lang ang sarili mo."

Ilang minuto pa kaming tahimik ng magsalita ulit si Ate. But this time, tungkol sa mission ang sinabi niya.
"Sir, there is another video from Marawi."
"Play it." Sagot ni Tito Red.
Nagplay sa malaking screen ang isang video. Isa na namang tao ang pinatay ng mga rebelde.

"Babalik kami pagkaraan ng isang oras." Paalala nila.
Naikuyom ko ang kamay ko pero wala naman akong magagawa. I don't have the capacity para tumulong. Nagtatagis ang mga bagang ni Ate sa galit.

"Send the video to Knights." Utos ni Tito Red.
Nagtype si Ate ng ilang keys at may lumabas sa isang monitor na bar for sending.

Isa-isang tumingin sa mga relo ang sakay ng eroplano. Pinapanood nila ang video na sinend ni Ate.
"Putang-ina," Tito Ace roared in anger.
"Be ready, malapit na kayo bumaba." Sabi ni Xykie over the earpiece.

"Team, ingatan ninyo ang blue tracker ninyo. Once na naiwala ninyo iyan, you will be a civilian to our radar." Ate instructed.
"Our priorities are the civilians. Take them out of the city before we take it down." Utos ni Tito Red.
  "Walang ititirang buhay sa mga rebelde." Tito Red added.
"Roger," Sagot ng mga Knights.

"Position," Xykie called.
Nanlamig ang mga kamay ko. Mabilis silang nakarating sa Mindanao. Mabilis ang eroplano na gamit nila.
"What are they doing?" Kinakabahang tanong ko kay Ate ng buksan ni Tito Ace ang pintuan ng eroplano.
"They will jump," Sagot ni Ate na hindi tumitingin sa akin.

Oh God, please... please help them to help others.

"Go,"
When Xykie gave the green light, Tito Ace jumped first then Ate Jack and some of the other Knights followed them.
"Team Ace is in position." Ate informed the others.
I saw how organized they are. From the time of jump to who will follow whom, alam nila lahat.
Magkateam si Tito Marcus at Kuya Gab, Tito Kyle at Jacob. Si mommy, Kiro at "Apprentice" ay magkakasama naman. Each team has its own set of new Knights.

Nasa lalamunan ko yata ang puso ko ng maglanding sila mommy sa lupa.

"Position the drones." Utos ni Tito Red.
Each team has drones on their bag.
"Sakura, Xykie, control the drones." Tito Red instructed.
"Yes, Sir," Sagot naman nilang dalawa.

Lumipad ang mga drones sa taas ng Marawi City. And at that moment, I saw a glimpse of Hell. Some part of the city is burning. I can see people running like rats on streets hoping they can run away. Xykie and Ate mapped the city with the drone footage.
"Joanna's location is at the center of the city. One group of rebels are camping near them." Ate informed each team.

"Position," Tito Red said.
"We are ready,"
Each Pillar reported back.
"Go," Tito Red commanded.
"Here we come, mother fuckers." Sabi pa ni Tito Marcus bago sila maingat na pumasok sa warzone.
They will come from each side of the city. They are targeting to clear kahit isang daan na palabas para sa mga civilian.

"Raiden," Tawag sa akin ni Ate. "Start to pray."

Saan ka tatakbo kapag wala ka ng mapuntahan?
Minsan naitanong sa akin iyan ni Joanna.

Saan ako tatakbo, Bonsai? Wala akong mapuntahan ngayon.

"Agent Abby, terrorist ahead. Forty degrees west of your location." Xykie informed my mom.
And the war started when mom pulled the trigger.

Oh God, please do not abandon me. I am praying to You, Your son that was once lost. Please help my family as they are entering the gates of hell.

----------------
A/N
Holiday dito sa Singapore.
Sa Monday na ulit ang update.
Have a blessed and meaningful Holy Week.

Under the RainWhere stories live. Discover now