Chapter 45- Rosary Prayer

9.3K 453 21
                                    

Raiden

Nahagilap namin ang barkada namin sa mansion ng mga Sebastian. Halos lahat ay nandoon. Naghihintay ng balita. Ang iba ay balisa. Ang iba ay nagdadasal. Pinakilala ko si Joanna sa mga taga Cordonia. The rest of the family knows her naman na.

"Doon lang ako," Paalam niya at mabilis na tumayo sa upuan hindi pa man ako nakakaupo sa tabi niya.
"Saan ka pupunta?" Nakapamewang na tanong ko. Napatingin sa akin si daddy habang nagtatawanan naman ang mga kaibigan namin.
"Sasama sa nagrorosary." She replied at saka tumalikod ulit. Nagpunta siya sa umpukan ng mga Titas na nagrorosary sa harap ng altar.

"Sundan mo," Buyo ni Lego sa akin.
"Tumigil ka. Pipilayin kita eh." Naiinis na inambaan ko siya ng tadyak. Umilig naman agad ang gago. Alam na alam na may kasalanan siya.
"Magrosaryo ka dun," Isa pang tukso itong si Kenshin.
"Hindi ako marunong." Frustrated na sagot ko.
"Madali lang yun. Ganito lang." Lumapit sa akin si Star at pinakita ang isang picture ng rosary sa phone. Sunod niyang pinakita ang mga dasal ng rosary.

What? Ang haba? Paano nila nakakabisa iyon?

Napatingin ako kay Joanna na nakaupo na sa harapan ng altar at nakikisabay sa nagrorosary.
"Hali ka, sama tayo. Bilis." Hinila ako ni Rose at Dominique para tumayo.
"Dagdag pogi points, Raiden. Remember, dapat malakas ka kay Lord." Paalala ni Mitch na ikinalaki ng butas ng ilong ko.

Hila-hila ako ni Rose at Dom habang si Star at Mitch naman ay tinutulak ako mula sa likod. Syempre tumabi ako kay Joanna. Inabutan niya agad ako ng rosary at nakisabay muli sa pagdadasal. Nahihiya akong nanahimik sa tabi. Hindi ko alam ang gagawin o sasabihin man lang. Napansin siguro ni Joanna na hindi ako gumagawa kaya lumingon siya sa akin.
"I don't know how." I whispered to her.
May inabot siyang maliit na booklet mula sa katabing upuan niya at ibinigay sa akin.

"These big beads are for Our Father. Small beads are for Hail Mary. Eto ang mga corresponding prayes." Isa-isa niyang tinuro kung paano dasalin ang rosary. She patiently taught me how to pray this mysterios rosary to me. She slowly encourage me to join. Noong una, nasa utak lang ako nagdadasal. Sinasabayan ko ng pagbasa ang pagdadasal nila. Mga ilang beses din akong namali. Sumosobra ako sa Hail Mary.

After ng ilang rounds, Joanna asked to be the "Leader" of the prayer. She started with Apostle's Creed at doon ko lang namalayan na iyon ang song na kinakanta nya dati.  Sinabayan ko sa mahinang boses ang mga Titas na sumagot sa rosary. Kapag pala marami, sagutan ang pagdadasal. We prayed the rosary over and over hanggang na hindi ko namalayan na kabisado ko na ito. And I am confident enough to pray it out loud.

Some Titas will go to take a break then few will return. It's a continuous rosary prayer. Hindi sila napapagod na magdasal. Hinaya kong kumain si Joanna bandang alas nueve na ng gabi. Iniwan namin pansamantala ang mga Titas.

"Hindi naman mahirap, di ba?" Tanong ni Joanna habang kumakain ng sandwich.
Umiling ako. "Magaling ka lang na teacher."
"Kahit magaling ang teacher kung hidni nakikinig ang student, wala ring mangyayari." She replied.
"May balita ba kay mommy mo at sa iba?"
Napangiti ako. "Nag-aalala ka kay mommy kahit pinaiyak ka?"
Natawa ng bahagya si Joanna. "Mabait naman si Tita. Nalito lang ako dati akaya naiyak ako."
Sumeryoso ang mukha ni Joanna after a while.
"Your mom will needs you when Santos buried."
Marahan akong tumango.
"Para siyang tinakasan ng lakas ng makita ang katawan ni Santos." Dagdag pa ni Joanna.

"You don't mind?"
"Ang alin?" Naguguluhang tanong ni Joanna.
"Na tinatawag nila akong mama's boy." Nagkibit ako ng balikat na parang wala lang sa akin.
"Natural lang na mahal mo ang mommy mo. Nakakawalang gana ang mga lalaking hindi mahal ang magulang nila lalo na ang nanay nila. Di ba, kung hindi nila kayang mahalin ang nanay nila, ano ang karapatan nilang magmahal ng ibang tao? Ano ang karapatan nilang manligaw ng babae kung bastos sila sa nanay nila?"
Lalo yatang lumawak ang ngiti ko. "Kaya mahal kita eh, ang lawak ng pang-unawa mo."

Nabulunan yata si Joanna sa sinabi ko. Bigla-bigla niyang kinuha ang juice at muntik ng malunod ng tunggain ang baso.
"Hindi ka pa rin naniniwala sa akin?" Pangungulit ko sa kanya.
"Pag-usapan natin bukas, ha. Huwag ngayon, vivid pa sa memory ko ang condom na naglaglag kanina at ang sinabi mong hindi mo brand iyon."
Natawa ako sa sinabi niya. Ang cute, taena.
"Alam dati, ang goal ko is mapayamot ka lang. Kung alam ko lang condom ang makakapagpagalit sayo, dinala kita sa Watson." I said while laughing. Hindi maipinta ang mukha ni Joanna.

"Uy, dito pala kayo." Tumabi ang istorbong si Michelle sa amin at nakikuha ng chips na kinakain ko.
At dahil nandito na si Mitch, parang kabuteng nagsulputan na ang lahat. Para kaming may last supper sa haba ng mesa nila Tita Marie.
"Oo nga pala Joanna, bakit hidni ka namin macontact?" Tanong ni Dom.
"Nawala ko ang phone ko." She replied.
"I still have a spare phone." Rose said na ikinalaki ng mata ni Mitch.
"Don't tell me alive pa ang Frankenstein phone mo?"
Tumatawang tumango si Rose. "Iwas wala yun. Kapag nahulog sa bulsa mo, ibabalik pa ng nakapulot."
Tang-inang phone yan. Yung de goma.
"Ibibili ko na lang. Bakit mo bibigyan ng lumang phone? Mate-tetanus pa yun sa telepono mo."
"Ayun, gusto mo lang magpakitang gilas, nilait mo pa phone ko." Sagot ni Rose.
"Aminin na natin, sugar plum, medyo jurasic na ang phone na inaalok mo." Saang ayon ni Lego.
"But it's so sweet of you to offer, pochi."

Tangina, papatalo ba ako sa ksweetan? Syempre hindi.
"Anong phone ang gusto mo, pancake?" I asked Joanna. Nag-isang linya ang kilay niya kaya natawa kami.
"Endearment yun, Bonsai."
"Pandak na mahilig sa cupcake," nakangusong sagot niya.

Bukas... Mag-uusap daw kami bukas. Huwag nya lang igiit na magmamadre sya. Looking forward na ako para sa bukas.

Under the RainWhere stories live. Discover now