Chapter 42- The Conversation

9.9K 478 40
                                    

Joanna

Nakatulog ako ng matagal. As in madilim na ng magising ako. Ang sabi ni Star, umuwi na daw ang mga kasama ko. Pinahatid nadaw nila at nag-aalala na ang mga magulang. Yung tatay ko kaya, nag-aalala?

"Star, uuwi na rin ako." Paalam ko sa kanya.
"Ay, teka lang. Hintayin mo si Rai, tinawagan ko na." Sagot nito.
Napaisip ako. Wala nga pala akong kadala-dala, paano ako uuwi? Kaya wala akong naihirit at hinintay ko na lang si Raiden. Hindi naman nagtagal ang paghihintay ko, dumating na si Rai na may dalang kotse. Iba na naman sa kotse na mga nakita ko ng dala niya.

"Kamusta ang pakiramdam mo?"
"Medyo okay naman na." I replied. Nakagat ko ang labi ko dahil nahihiya akong humingi ng favor pero kailangan ko talaga ng tulong.
"Rai, pwedeng makigamit ng phone?"
Inabot niya ang phone niya sa akin na may password. He rolled his eyes andsaid.
"Birthday ko."
"Kailan ang birthday mo?"
"Ay ano ba? Bakit hindi mo alam." Naiinis siyang nagtype ng password at ibinigay ang phone sa akin.

I dialed my father's number and called.
"Hello," Sagot ni tatay.
"Tay, si Joanna po ito."
"Oh, napatawag ka?" Tanong ni Tatay.
Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.
"Gusto ko pong sabihin sa inyo na okay lang po ako. Galing po ako ng Ma..."
"Eh okay ka naman pala eh. Sige na." Sagot niya bago ako pinatayan ng phone.
Mabigat ang loob ko na binalik ang phone kay Raiden.

"Thank you,"
Parang hindi naman ako sanay.
"Bakit nakasimangot ka?"
"Wala lang," Maikling sagot ko.
"Tara, may pupuntahan tayo." Yaya niya.
Nakalahad ang kamay ni raiden at seryoso ang mukha. Tumayo ako at hindi kinuha ang kamay na nakalahad ni Raiden.

"Hay, nahiya ka pa." Sabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa kotse niya.
"Alis na kami, Star." Sigaw niya pa at hindi nagpaalam ng maayos.

Tahimik ako sa loob ng kotse.
Joanna, masanay ka na sa tatay mo. Para kang bago nang bago naman.

Nagdrive si Raiden sa loob ng Country Club. Huminto siya sa isa sa pinakamagandang chapel na nakita ko sa buong buhay ko.
"Ano ang gagawin natin sa simbahan?"
"Mag-uusap." Sagot niya.
Seryoso pa rin ang mukha ni Raiden ng bumaba ng kotse kata sumunod na rin ako. Hinintay niya akong makababa ng maayos bago ako sinabayang pumasok sa simbahan.

Tahimik sa loob at kami lang ang tao ngayon.
"Gusto mo munang magdasal?" Tanong niya.
Mabagal akong tumango at lumuhod sa pew.

I prayed for Santos and Amira's soul. May they rest in peace with the hand of our Lord. I prayed for the Knights and militaries' safety. I prayed for the people of Marawi. I prayed for my own battle inside my heart. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin nito. I prayed for my vocation. Kung sa akin nga ba talaga ang vocation na iyon.

After kong magdasal, naupo ako sa tabi ni Raiden.
"Tara na?" Yaya ko sa kanya.
"Narinig mo ba ang sinabi ko sayo kanina sa phone?"
Bigla akong kinabahan.
"Alin?"

Huminga ng malalim si Raiden at tumingin sa altar.
"We are in front of the altar, Joanna. Para alam mong hindi kita niloloko, saksi ko si Lord sa mga sasabihin ko sa iyo. Uulitin ko ang sinabi ko sa iyo kanina. Nakikinig ka na ba?"
Palakas nang palakas ang kaba ko. Bakit kasi ang seryoso?
"Kinakabahan ako," I murmured.
Napangiti ng bahagya si Raiden, lumingon sa akin bago nagsalita.
"Sabi ko kanina, I love you." He said while looking at me.
At nakalimutan ko yatang huminga.

"Breathe, Joanna." Paalala ni Raiden.
Dahan-dahan akong nag-exhale at umiwas ng tingin sa kanya.
"Huwag mo akong biruin."
"Kaya nga dinala na kita dito para maniwala ka. Mahirap bang paniwalaan na mahal kita?"
"Look at me Raiden," I said. "Hindi ako maganda."
"That is subjective, Bonsai."
"Hindi ako matangkad." I told him at tumango siya.
"Hindi ako bagay sayo."
"Sino ang nagsabi?" he asked in a serious face.

Napayuko ako sa intensity ng seriousness ng usapan na ito.
"I'm sorry if I made you think that you are not beautiful before. I was an asshole before you drag me to His presence." Raiden pointed the cross.
"But when you raised your hand for me during your worship prayer, you gave me more than a shallow pretty face can give. You brought back my faith, you taught me how to see the real beauty of people. You taught me how to think about others. You taught me how to live a life with directions. You taught me how to pray. So I prayed for you."

Oh Lord, paano ako sasagot sa kanya?

"That's why I told you na mag-uusap tayo pagbalik mo, hindi ba? I want to convince you that I am trying to be good for you. I am trying to be the person you prayed to God. I want to be that person, Joanna. And when you said you were at Marawi yesterday, I surrender everything to God. Sabi ko sa kanya, ibalik ka Nya ng ligtas sa akin I will be the person you can be proud of at hindi na kita pakakawalan. Mahal kita, Joanna. Kahit paulit-ulit mong tanungin kung bakit ikaw, paulit-ulit ko namang isasagot na dahil ikaw ang ipinanalangin ko."

Kusang umagos ang mga luha ko sa mga mata ko. Okay Lord, suko na po ako. I will serve you in a different way. Maybe with Raiden if you permitted me.

Under the RainWhere stories live. Discover now