Chapter 22- Warning

8.6K 388 20
                                    

Joanna



Napahinga ako ng malalim. Napahiya ako ah. Narinig ni Raiden ang mga sinabi ko.

"Kawawa naman kung tatanggalan mo ng trabaho. May anak iyon eh." I commented.

Maya-maya, ang isa sa brothers ko sa SFC naman ang tumawag.
"Hello,"
"Sis Jo, nakaistorbo ba?"
"Hindi naman bro. Bakit?"
"May concert pala ang Hill Song United next week. May ticket ka na ba?" Tanong nito.
Napahinto ako sa paglalakad kaya huminto rin si Raiden.
"Wala pa. For sure mahal ang ticket. Tingnan ko kung magkano." I said pero mukhang hindi naman ako makakapanood dahil kailangan ni Ate ng pera.
"Sige sinabi ko lang. Manonood kasi kami. Sabihan mo kami kung makakabili ka ng ticket para sabay-sabay tayo."
"Okay sige. Salamat bro."

Bigla lang akong nalungkot.
"Don't tell me namatay na ang ex mo kaya malungkot ka." Sarcastic na comment ni Raiden.
"Hindi, ano ka ba. May iniisip lang ako."
Kung paano ibabudget ang pera ko para makapanood ng once in a life time concert ng Hill Song United.
"Gusto mong manood sa plaza? I heard they have a feast in here."
"Tara...sayang ang ipinunta natin dito kung mangangatog lang tayo sa lamig." I replied to him.
Isinauli ko muna sa maliit na resto ang mug namin ni Raiden. Naglakad lang kami papuntang plaza kung saan maraming Igorot na naka native na kasuotan nila.

"Hindi ba sila giniginaw?" Bulong ko kay Raiden.
Natawa siyang umiling.

Tahimik kaming nanonood sa mga rituals nila. They have a colorful tradition and beliefs and it's beautiful.

Para akong bata na napapalakpak ng magsimula silang magsayaw. I heard they called it Kanyaw. They dance to the tune of gong... Precise ang steps nila pati ang galaw ng kamay.

"So bakit ka biglang nalungkot kanina na para kang iiyak?"
"Ah, wala. May concert kasi ang Hill Song United, hidi ako makakapanood." Simpleng sagot ko habang nakatingin sa mga nagsasayaw.

Foods are passed and rice wine as well. Tinanggihan ko ang rice wine but Raiden tried it. Masama raw tumanggi sa pagkain kaya iyon na lang ang tinanggap ko. I murmured my prayer and give my thanks to my God.

"Nadasalan na yan, dinasalan mo ulit." Bulong ni Raiden sa akin.
"Walang masama kung dadasalan ulit ang food." I replied.
Kahit maginaw ang panahon, nag-enjoy ako sa nakita ko sa plaza. Ang ganda ng culture ng mga Igorot.


Kinabukasan, dahil sa kapal at baba ng ulap, nakatambay lang kami ni Raiden sa garden sa labas ng hotel. Tinamad kaming dalawa na gumala at parang gusto na lang naming pagmasdan ang mga ulap na ito. Wala nito sa Maynila.

"May gagawin ka next week?" Tanong ni Raiden. Nakasandal siya sa puno at mukhang tamad na tamad.
Binaba ko ang book na binabasa ko na hiniram ko sa receptionist kanina.
"Wala naman." I replied.
"Block your schedule, may pupuntahan tayo."
"Saan?"
"Secret. Baka hindi ka sumama kapag nalaman mo." Sagot niya.
"Okay." I replied.

Itinaas ko ang libro para magbasa ulit ng tawagin ulit ako ni Raiden.
"Bakit na naman?" Frustrated na tanong ko.
Natatawa siyang umayos ng upo.
"Mahal mo pa yang ex mo?"
Nabigla yata ako sa tanong niya. At napaisip ako at the same time.
"Hindi naman sa mahal. No, hindi ko masasabing mahal ko pa siya." I honestly replied.
"Bakit mo naitanong?"
"Well, pinasisante ko na kasi." Simpleng sagot niya.

Tuluyan ko ng naibaba ang librong binabasa ko.
"What?"
"O bakit parang affected ka?" Ganting tanong niya.
"Bakit mo ginawa iyon?" Manghang tanong ko.
He shrugged his shoulder like he didn't really care.
"Because I can." Sagot niya.
"Just because you can doesn't mean you should. May pamilya yung tao." Giit ko.
"Na dapat ay inaasikaso niya, tama? So bakit ka pa niya kinukulit if he has values?"

"Baka akala nya ako ang nagpasisante sa kanya. Issue pa yan."
Raiden snorted. "Sabihin mo sa akin kapag ginawan nya ng issue yan."
"Ano na naman ang gagawin mo nun?"
"Eh di ipapatanggal ko siya sa company na lilipatan niya para magtino." Simpleng sagot nito. Napanganga ako. "Raiden, you can't just do that."
"Of course I can. Majority ng business owners, nasa circle of friends nila daddy. Kung sa company siya nila Star mapapadpad, mas madali iyon. HR Manager si Star."
Napasapo ako sa ulo ko.

"Galit sa ganyang tao si mommy. Gusto mo ikwento ko para shot to kill?" Natatawang tanong niya.
"Huwag ganyan. Give them chances to change."
Raiden snorted again. "Joanna, you have to draw a line so you have boundaries. Hindi pwedeng sobrang bait mo to the point na nagmumukha ka ng tanga. Niloloko ka ng paulit-ulit."
Kinuha ni Raiden ang phone niya at hinagis sa akin.
"Buksan mo ang last video." Utos niya.
"May password." I murmured.
"Birthday ko."
"Ano ang birthday mo?" Balik na tanong ko.
"Hala bonsai, bakit hindi moa lam ang birthday ko?" Naiinis siyang lumapit at siya na ang nagbukas ng phone niya. Hinanap niya ang video na sinasabi at pinapanood sa akin.


Video ni Jay habang lasing at pinapakalma ng mga kaibigan namin sa SFC.
"Hayaan mo na si Joanna. May asawa ka na eh." Paalala sa kanya ng mga kaibigan namin.
"Bakit sa hapon na iyon may oras siya? Hindi naman ako maghahanap ng iba kung may oras siya sa akin dati." Katwiran ni Jay.

"Saan mo nakuha ang video?" Tanong ko kay Raiden.
"I have my ways. Manood ka lang." Tumango si Raiden sa phone na hawak ko.
Pinagpatuloy ko ang panonood ng video.

"Binigay nya na ba ang sarili nya doon? Bakit sakin hindi niya nagawa?" Tanong ni Jay.
Hindi ko na tinapos ang video. Binalik ko na kay Raiden ang cellphone.
"Tarantado yang ex mo Joanna. Kapag ikaw dinamay niya sa katarantaduhan niya, baka ngayon mo pa lang makita na magalit ang tropa. At sinasabi ko sa iyo, hindi iyon magiging pabor sa ex mo." May babala na paalala ni Raiden.
"Hindi naman ako tanga para patulan pa siya." I told him.

Nawala na yata ang respeto ko kay Jay.

"Draw a line. Matuto kang sumagot ng tama na. It's called self-respect Joanna. Nasa bible naman siguro yan. Baka hindi mo lang nakita." Sabi nito.
Iniwan ako ni Raiden sa garden na mag-isa habang tinatanaw ang papalayong likod niya.

I prayed for someone who will take care of me.
I prayed before.

Soon, you will know him. I have a perfect time.
Ayun na naman. Sumingit na naman siya sa isip ko. 

Under the RainOù les histoires vivent. Découvrez maintenant