Special chapter- Tonyo goes to Town

9.3K 328 66
                                    

First time ni Mang Tonyo na makasakay sa eroplano. At hindi birong eroplano pa ang nasakyan niya. Private plane ng mga Royals ng Cordonia ang eroplanong nagdala sa kanya sa unang bansang nagtatak ng kanyang pasaporte. Taas noo si Tonyo na pumila sa immigration ng Cordonia. At ng matatakan ang kanyang passport, kinuhanan niya iyon ng picture at pinadala sa mga kapitbahay sa Hacienda Vicente upang ipagmayabang.

Tatlong araw na lamang at kasal na ni Tanya at Morris. Gaganapin ang kasal sa Estate ng Riverfield, sa harap ng bahay nila Henry at Xykie. Labis na pinagmamalaki ni Mong Tonyo ang sinapit na kapalaran ng anak. Kahit nga ba may mga iilan na nagpapalipad hangin sa kanila sa hacienda ay wala siyang pakialam.

"Isa na namang kababayan natin ang nakaahon sa kahirapan." Tukso ng iilan kay Mang Tonyo at Aling Ana ng mga taga hacienda.


Agad hinainan ni Tanya at Morris ang mga magulang ng pagkain pagkadating sa kanilang bahay sa loob ng Riverfield Estate.
"Wala bang kanen?" Tanong ni Mang Tonyo kay Tanya ng makita ang inihain sa kanilang pagkain.
"Hindi uso dito, Tay." Sagot ni Tonyo.
"Ay sana nagsabe ka. Nagdala sana kami ng begas ng nanay mo." Sabi ni Mang Tonyo sabay taas ng paa sa upuan at dinukwang ang steak. Napatigil si Morris sa paglalagay ng serving fork ng makitang kinamay ni Mang Tonyo ang pagkain. Nanlaki ang mga mata ni Morris at napatingin kay Tanya.
"May dugo pa ang baka." Sabi ni Aling Ana.
"Medium rare kasi nanay." Paliwanang ni Tanya.
"Uh, Tetey Thonyow, use your utensils in front of you. You have your steak knife and fork..." Inisa-isa ni Morris ang mga kubyertos kay Tonyo. Naka fine dining set up ang mesa pero nagkamay si Mang Tonyo.
"I don't... want... gamet.... Tangina, penge ngang inumen." Hinawakan ni Mang Tonyo ang wine glass at itinaas. Nagmamadaling tumayo si Aling Ana at binigyan ng tubig si Mang Tonyo. Napahinto naman si Morris sa pagsasalin ng wine sa wine glass.
"That's for wine. This is for water." Tinuro ni Morris ang iba't-ibang baso sa table set up.
Hindi siya pinansin ni Mang Tonyo dahil hindi naman siya naiintindihan nito.

Pagkaraan ng mahigit isang oras, natapos na rin ang pagkain nila na malaking ipinagpasalamat ni Morris. Full of energy pa si Mang Tonyo na nagyayang mamasyal pagkatapos nilang kumain. Naobligahan naman si Morris na ipasyal ang future father in law niya sa buong estate.
"Sayke..." Sigaw ni Mang Tonyo ng makita si Xykie na palabas ng manor.
Parang aatakihin sa puso si Morris ng marinig niya kung paano tinawag ni Mang Tonyo ang amo.
"Tetey Thonyow, you should call her My Lady Xykie Lightwood."
"Morres..." Simula ni Tonyo.
"Morris." Pagtatama naman ni Morris sa pangalan niya.
"Go... beles." Tinuro ni Tonyo ang daan na pinanggalingan nila ni Morris.
"Hey, what's up?" Pinandilatan ni Xykie ng mata si Morris ng magtangka itong magsalita pa.
"Kamusta ang biyahe mo Mang Tonyo?" Tanong ni Xykie.
"Ay, mainam. Kay sarap matulog sa eroplano, malameg."
"Kasabay ko sila Pareng Bondok na dumating. Akala ko nga sa palasyo kami titira." Sabi ni Tonyo.
"Excuse moi, would you please My Lady grant my request to speak in a proper language as I do not understand your native tongue. Forgive my ignorance on that part."
Umikot ang mga mata ni Mang Tonyo sa sinabi ni Morris.
"Nandyan ba sila Pareng Kil?" Tanong ni Mang Tonyo kay Xykie.
Umiling si Xykie para maintindihan ng dalawa ang sagot niya.
"Thank you, Morris. I will take Mang Tonyo from here." Pigil ni Xykie sa sasabihin ni Morris.

Nagmamadaling nagpaalam si Morris at naiwan si Mang Tonyo kay Xykie.
"Ready ka na ba, Mang Tonyo?"
"Manirahan dito?" Hopeful na tanong ni Mang Tonyo.
"Na magka-apo." Mabilis na sagot ni Xykie. Bigla itong kinabahan sa tanong ni Mang Tonyo.
"Ay susmaryosep, dapat marunong magbesaya iyan."
Natatawa si Xykie habang naglalakad sila sa paligid ng bahay ni Mang Tonyo.
"Pasado na ba si Morris bilang manugang?"
"Kung ako lang ang masusunod, gusto ko si Doc Trevor."
"Patay tayo d'yan." Tumatawang sagot ni Xykie. "Magmove-on ka na, aba."
"Maarte kasi etong si Morres. Akalain mong nilagyan ng malaking tinidor ang ulam kanina. Hindi kasya sa bunganga ko ang tinidor. Hindot na iyan."


Araw ng kasal ni Tanya at Morris. Kumpleto ang mga amigo ni Mang Tonyo. Inutusan niya pa ang isang anak na i-live ang kasal para makita ng mga taga Hacienda.
"Parang kinakabahan ka." Biro ni Ace kay Mang Tonyo.
"Naku, ang buhok nagulo." Sabat ni Marcus at kunwari ay dinilaan nito ang palad at pinahid sa buhok ni Mang Tonyo.
"Yung hawi mo, parang namower." Dagdag pa ni Marcus habang tumatawa.
"Congrats to your daughter." Sabi ni Kian.
Nilabas ni Mang Tonyo ang cellphone na bigay ni Tanya na may plastic pa sa screen at binuksan ang google translate. Pinaulit kay Kian ang sinabi nito bago tumango si Mang Tonyo at saka ngumiti. Kita ang gums.

Bukod tangi si Mang Tonyo ang nakabarong sa lahat. Proud na proud dahil gawa daw iyon ng isa sa pinakamagaling na mananahi sa Negros.
"Tonyo, bakit nakabarong ka?" Tanong ni Dianne sa kanya.
"Gawa ito ni Roland na bakla na taga syudad." Pagmamalaki ni Tonyo.
"Ginoo. At naka rubber shoes ka pa." Parang aatakihin si Diane sa suot ni Tonyo.
Napatingin lahat sa sapatos ni Tonyo.
"Adedas yan, Senyorita." Pagmamalaki niya.
"Baliw, apat ang stripes, Adidas?" Manghang tanong ni Diane.
"Class E," sagot ni Mang Tonyo.
Tawa sila nang tawa hanggang sa magsimula ang wedding march. Nanlaki ang mata ni Morris, hindi dahil kay Tanya na naglalakad sa aisle, kung hindi sa suot ni Mang Tonyo habang hinahatid ang anak papunta sa forever nito. 

--------------

Quota na tayo sa special chapter.


Under the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon