Chapter 11- Deathtrap

8K 326 3
                                    

Raiden

"Bibigyan kita ng leave para makasama sa mga gala ni Joanna."
Bungad ni Kenshin sa akin pagpasok ko ng office namin sa Makati.
"I mean it. Sumama ka sa kanya ng may matutunan ka."

Natawa akong naupo sa harapan ng table ni Ken.
"Huwag ka ng mag-alala, may usapan na kami ni Joanna. Speaking of bonsai, ano ba ang trabaho nya at laging on the go?"
"Una, huwag mong tawaging bonsai ang maliliit dahil kapag narinig ka na naman ni Tita Lise, malalagot ka. Pangalawa, member ng Singles for Christ si Joanna. Fulltime siya sa SFC, although binibigyan sila ng compensation, hindi malaki iyon dahil parang nonprofit organization ang CFC. Sila ang nagpupunta sa mga remote areas para mag-evangelize. You will be amaze kapag narinig mo siyang magsharing during Prayer Assembly." Sagot ni Kenshin.

Ibang tao na nga yata ang kaharap ko. So mukhang hindi ko na mayayaya si Ken na sumama sa Deathtrap concert.
"May number ka ba ni Dora?" I asked instead.
Sinend ni Kenshin ang number ni Joanna sa akin. Might as well siya na langa ng yayain ko. Tutal may usapan namin kami...
"Ge, Saint Ken. Aalis na ako bago mo pa ako basahan ng bible." Pang-iinis ko bago ako lumabas ng office niya.

Tinatawagan ko si Joanna pero hindi niya sinasagot kaya nag message na lang ako sa kanya.

Raiden: Dora, saan ang gala mo ngayon?

Papasok na ako sa office ko ng makareceive ako ng reply sa kanya.

Joanna: Sino ito? Nasa office lang ako. Bakit?
Raiden: Raiden here. Samahan mo ako sa concert mamaya.
Joanna: Anong concert?
Raiden: Secret. Basta wag kang magdadala ng religious anik-anik mo.
Joanna: Sa concert ba ito ng Deathtrap?

Napangisi ako.

Raiden: Are you scared?
Joanna: No. So simula nap ala ng paghahatak sa akin palayo sa faith ko.
Raiden: Haha funny... Sunduin kita ng 5 pm. Text me the address.
Joanna: Okay sure. Sasama ka sa akin sa Weekend. Kapalit ng pagsama ko sayo today.

Nakangisi akong nagtype. Babawi ka agad ah.

Raiden: Sure.
Joanna: Okay. Ingat sa pagmamaneho.

Napakunot ang noo ko.
Ingat sa pagmamaneho.

Bukod sa mga tropa at pamilya ko, ilang tao ba ang nagpapaalala na mag-ingat ka sa pagmamaneho? Iba din ang trip ni Joanna

Joanna sent me their office address at Cubao. Malapit lang pala... at matraffic. Maaga na akong umalis sa office, late pa rin ako ng 15 minutes na nakarating sa office nila.

"Traffic?" Tanong niya agad pagpark ko pa lang ng kotse sa tapat ng building nila. Naghihintay na siya doon sa labas, katabi ng guard.
"Hay, Cubao. Wala kang pag-asa." I commented. "Tara na baka wala akong maparkingan."
"Sige Manong. Until next time. Ingat po kayo." Paalam ni Joanna sa guard.

Umikot siya sa passenger side at sumakay. Although okay naman ang suot niya. Denim pants at t-shirt, mukha pa rin siyang nautusang bumili sa tindahan. Must be the backpack.
"Ganyan ang suot mo?" Tanong ko sa kanya.
"Bakit? Kailangan ba naka leather jacket ako kagaya mo?" Balik na tanong niya sa akin.
"Bawal under-age sa concert."
Joanna made face. "Under height lang ako hindi under age." Sagot niya na ikinatawa ko.
"Bakit kasi ang bansot mo?"
"Hindi kasi ako naggrowee noon. Happy ka na?" Sagot niya.
"Most likely." I chucked.

Nakahanap ako ng parking sa may isang hotel na malapit sa Araneta. Medyo marami na ang nakapila at dahil VIP ako, nilagpasan namin ni Joanna ang pila ng mga tao. Tinitingnan si Joanna ng mga concert goers. Naiiba talaga ang get up niya kaysa sa mga manonood ng concert ngayon. Bakit nakasneakers kasi at puti pa?

"Para kang aattend ng PE." Ang sabi ko sa kanya habang paakyat kami ng hagdanan. Binigay ko ang ticket ko sa gate. Tiningnan pa ng mabuti si Joanna ng nag-attendant.
"I am the light among the dark." She replied.
"Huwag kang magcocomment kung ayaw mong dumugin tayo." I murmured to her.

Tahimik si Joanna habang naghihintay kami sa loob ng venue. Napuno na ang Araneta at maligalig ang mga audience. Halos nasa harapan kami ng stage at excited na akong makulta ang utak ni Joanna.

Nagsimula ng maghiyawan ang mga audience ng lumabas isa-isa ang band. Grabe ang lakas ng dating. Heavey metal na heavy metal ang purmahan nila. Nakasuot pa ng inverted na cross ang vocalist. The audience roar ng tumugtog na ang drums. The vocalist started to sing a song about fake God. Isa ako sa nakikikanta habang tahimik si Joanna na nakikinig. Gumagalaw lang ang ulo niya na parang yung aso sa mga dashboard ng jeep.

"God is dead..." Sigaw ng vocalist ng banda at naghiyawan kami. Maliban kay Joanna.
Umiiling-iling siya.
"God's not dead." Sigaw niya. Napatingin ang mga nakarinig sa kanya kaya tinakpan ko ang bibig niya ng kamay ko. Mapapahamak kami... tinamaan ng magaling.
Nagpupumiglas si Joanna sa pagkakahawak ko. Pinaghahampas niya ang kamay ko hanggang sa mabitawan ko siya.

Isang malaking inhale ang ginawa niya.
"Papatayin mo ako. Tinakpan mo ang ilong ko." Naiinis na baling niya sa akin.
"Ilong pala yun. Liit kasi ng mukha mo." Natatawang sagot ko.

Kumanta ulit ang banda at gaya kanina tahimik lang si Joanna. Nakatingin siya sa banda, hindi kumukunot ang noo. Basta nakatingin lang siya. Kalagitnaan na ng concert ng patugtugin ang medyo luma na nilang kanta. Slow rock at at hindi masyadong heavy metal.

Napatingin ako ng sumabay si Joanna sa chorus.
"Hey, alam mo yang kanta?" Nagtatakang tanong ko.
Tumango siya. "Iyan ang huling kanta ng Deathtrap na inaral ko." She replied.
Napamaang ako sa kanya. "You were a fan?"
"I was a listener of their songs before." She replied.
"Then what happened?"
Ngumiti si Joanna. "You will know it. Enjoy the song if you can enjoy their suicidal music."

Bumalik sa panonood si Joanna sa banda. Ang weird nya.

Under the RainTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang