Chapter 23- GC

8.3K 364 23
                                    

Raiden

Pagkababa namin ni Joanna galing Sagada, pumasok ako ng ilang araw sa opisina para asikasuhin ng personal ang pagsisante kay Jay. Syempre, nakarating sa matalas na pang-amoy ni Ken ang balak ko kaya pinatawag niya ako sa office niya.

"Wazzup Ken?"
Naupo ako sa favorite kong upuan sa harap ng table niya.
"Ano ang nababalitaan kong may pinatanggal kang empleyado?" Tanong nito.
"Ahh, chismis travels fast talaga."
"Malamang, dahil tumawag ang HR at may case tayo sa DOLE." Sagot ni Kenshin.
"Hayaan mong magkawork load ang mga lawyers na binabayaran mo. Ex ni Joanna yung pinatanggal ko, by the way."

"Really?!" Sarcastic na tanong niya.
"At bakit mo pinatanggal? Dahil sa selos ba iyan?"
Natawa ako. "Tanga, hindi. Tarantado lang yung ex niya. Ginugulo siya." Kinuha ko ang cellphone ko at sinend ang video na sinend sa akin ni Ate. Kung saan nakuha ni Ate iyon, hindi ko na itinanong.
Nawala ang ngiti ni Kenshin habang pinapanood ang video ni Jay na lasing at nagngangawa dahil sa hindi siya pinapagbigyan ni Joanna. Sabi na eh, maiirita ka rin. Tumango si Kenshin sa akin at ibinalik ang cellphone ko.
"Balitaan mo ako." Sabi niya na ikinangisi ko.
"Yes Boss." I replied bago umalis ng office niya na amoy bulaklak.
Hinanap ko ang bulaklak at nakita ko ang maliit na altar sa gilid ng mga libro bookshelve.
"Ayos ah, baka sa susunod may pamisa na dito sa office mo." Biro ko kay Kenshin.
"Namo ka. Umalis ka na nga. HUwag kang malalate sa meeting, Raiden." Sigaw niya sa akin ng pasarado na ang pintuan.

Hay, ako pa daw ba ang late? Maaga lang silang dumadating.

Umuwi ako sa Country Club at wala akong balak pumasok ng buong linggo. Hayaan kong magkagulo sila sa HR para naman may magawa sila. Basta ayaw ko sa gago na iyon. Tapos...

"Mommmyyyy..." Sigaw ko sa bungad ng pintuan.
Napalabas ng kitchen si mommy na may hawak na kutsilyo at pumapatak ang dugo sa floor.
"Hala, sino ang kinatay mo?" Tanong ko sa kanya.
"Putangina, akala ko kung napano ka na. Huwag ka ngang sumisigaw." Bulyaw ni mommy sa akin at dumalik sa kusina.
Sinundan ko siya sa kusina para silipin kung si Ava na ba ang ihahain niya sa amin mamayang gabi. Ah, atay pala ang hinihiwa kaya pala madugo.

"May pagkain ka ba d'yan?"
"Parating kang gutom. Kumain ka muna sa labas at hindi pa ako nakakaluto. Mamayang gabi pa ito. Umalis ka muna, huwag mo akong guluhin."
Niyakap ko si mommy mula sa likod niya at ikiniskis ko ang noo ko sa balikat niya.
"Ano na naman ang ginawang kalokohan at naglalambing ka na naman?" Nahinto sa pagtatadtad ng atay si mommy.
"Grabe, hindi ba kita pwedeng ihug ng walang dahilan?"
Humarap si mommy sa akin, hawak pa rin ang kutsilyo. Napaatras ako ng dalawang hakbang ng itutok niya ang kutsilyo sa akin.

"Kung pupunta ka sa downtown para makipagkita kay Ava, binabalaan na kita."
Natawa ako. "Hindi. Takot ko lang sa iyo." Hinawakan ko sa pulso si mommy at binaba ang kamay niyang may hawak ng kutsilyo.
"Hahanapin ko na nga lang si Lego... Bye mommy." I kissed her on her cheek.
Oo na, mama's boy na. Bunso ako eh, bakit ba?

Nahagilap ko si Lego sa pinakadulo ng Country Club kung nasaan nakagarahe ang mga chopper at small plane ng RS Aviation.
"Lego," Sigaw ko sa bungad ng garahe nila. Ang laki eh, malay ko kung nasaan siya. Hindi naman sinasagot ang tawag ko.
"Kupal, bakit?" Sigaw naman niya.
Nandito nga.
"Tara kain tayo. Nagugutom ako."
"Namo ka, lagi kang gutom. Sandali, hintayin mo ako." Sigaw niya na naman.

Nagpunta kami sa The Lakeside Resto ni Lego.Naabutan pa namin si Michelle at Brix na kumakain doon.
"Hindi ka na naman nagluto?" Tanong ko kay Michelle.
"Join us. And no, I didn't cook. Sawa na daw si Brix sa chicken nuggets." Sagotni Michelle.
Natatawa akong binukla ang menu.
"Panay chicken nuggets ang niluluto." Reklamo nga sawa nya.
"Hey, it's organic chicken nuggets." Katwiran ni Michelle.

Binigay namin ni Lego ang order namin sa waiter at hinayaan ko silang magdaldalhabang nagtitingin ako ng ticket online.
"TAngina, sold out." Bulong ko na narinig ni Michelle.
"Ang alin?"
"Concert." Wala sa loob na sagot ko.
"Which concert. Maybe Brix can help you. You know naman ang music industry..." Suggestionni Mitch.
Pinag-iisipan ko kung hihingi ako ng tulong sa kanila o hindi. Front page akosa buong Country Club nito kapag nagkataon.

"Hill Song United." Mabilis na sagot ko.
Napamaang sa akin si Brix. Napanganga naman si Michelle. At ang kumag na siLego, mabilis nagtype sa cellphone. Maya-maya nagvibrate na ang phone ko.Tanginang Lego ito.
"Ulitin ko, just to make sure. You want to watch Hill Song United?" Pag-uulitni Michelle.
Alanganin akong tumango. "Para kay bonsai iyon. Naipangako ko lang." Katwiranko.
"They have an endearment." Bulong na malakas ni Michelle kay Lego na ikinatawanilang tatlo.

"Madali lang iyan. Ilang ticket ba?" Tanong ni Brix.
"Teka wait, sasama kami.' Sabi ni Michelle at nagtype na sa phone.
Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha. Binasa ko ang phone ko na nakailangvibrate na.

Lego: Naghihimala.
Michelle: Guys, Raiden is dying na. Manonood daw ng concert ng Hillsong.
Star: Hahaha nice joke.
Lego: Totoo.

"Tangina na naman, topic nyo ako sa GC." Naiinis akong sinipa ang upuan niMichelle.

Michelle removed Raiden from the group.

"Hayop ka Mitch. Ibalik mo ako sa group." Pinagsisipa ko ang upuan ni Michellena tawa nang tawa.

Lego added Raiden to the group.
Michelle removed Raiden from the group.
Ken added Raiden to the group.

Star: Kung sino ang magdelete ng member magmumulta ng 100K. CASH!

"Meh... may cash ba akong 100k now?" Tanong ni Michelle sa bag niya.
Kinuha ni Michelle ang bag at nagbilang ng pera.

Dom: Ilan tayong manonood?
Raiden: HINDI KAYO KASAMA!
Ken: Ay date ba? Kala ko tropa lang kayo ni Dora.
Brix: Ilan ang ipapareserve ko?
Blaze: Tanong ko sila Jaxx baka gustong manood.
Dom: I will add Joanna sa group.
Raiden: (typing)

Dom added Joanna in the group.

"Tang-ina." I murmured. Tawa nang tawa ang tatlong kasama ko sa table.

Under the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon