Chapter 39- Bingi

8.3K 380 12
                                    

Raiden

Tahimik sa buong HQ when Trevor pronounce Santos as dead on arrival. Nanlulumong napaupo si Tito Red, nakayuko siya sa table at nakalagay ang dalawang kamay sa batok. Umiiyak ang mga Shadows at hindi na napigilang yumakap ni Ate sa akin. Ninong nya si Santos sa binyag at leader nilang mga Shadows.

Mommy is crying besides Joanna. Tito Kyle and Tito Marcus are silently standing at Santos' side. Nakadukmo si Ate Jack sa balikat ni Tito Ace na walang tama. She's probably crying too. What will happen next?


"Iuwi nyo na sila Joanna. Sumabay ka na paps, may tama ka." Sabi ni Tito Kyle kay Kuya Carlos. Kumuha siya ng mga baril sa dala nilang mga bag. Nag-ayos ng mga bala sa magazine at nagrefill ng mga explosives. Sumunod sa kanya ang ibang mga Knights.

Hindi kumibo si Tito Ace na nilalagyan na ng benda ni Ate Cailee. Ang mga Shadows ay kanya-kanya ng punas ng mga luha at bumalik sa monitors nila.


"Check the civilians on top. We will burn this town until the last rebel is dead." Tito Kyle said to the Shadows. Mabilis na nagsikilos sina Ate.
"I will stay," Sabi ni Tito Ace.
Habang nagtatalo si Ate Jack at si Tito Ace, lumabas muna ako sa HQ para tawagan si Joanna. Her phone probably out of battery so I called Lego ng hindi ko macontact si Joanna.


"Rai," Sagot ni Lego sa kabilang line.
"Pwede ko bang makausap si Bonsai?"
"Kausap siya ni Trevor. Teka sandali, tapos na silang mag-usap pala."
Naririnig ko si Trevor na sinasabihan si Joanna na kailangan nilang gamutin ang mga sugat nito. Nasugatan siya? Kinabahan na naman ako dahil sa pag-aalala.

"Jo, si Raiden, kakausapin ka daw." I heard Lego said.
"Hello,"
Napapikit ako ng marinig ko ang boses niya. Napasandal ako sa pader para kumuha ng lakas.
"Hello, Joanna,"
"Rai," I heard her voice trembled.
"You are safe now. Don't cry. We are waiting for you."
"Pero si Tita Abby... Nagpapaiwan sila."
Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "I know. I am watching them and you the whole time."
Parang may bara ang lalamunan ko na pilit kong tinatanggal pero ang hirap. Nangingilid ang luha ko sa takot para kay mommy.


"She is a soldier. She will avenge her brother." I told her the truth.
"Tito mo ang namatay." She stated.
"Not by blood."
Ang hirap isipin na wala na ang "Apprentice" ni mommy.
"May sugat ka ba?"
"Maliliit na galos lang saka paltos sa paa dahil sa kakatakbo kanina. Pero may kasamahan kaming namatay," Muling umiyak si Joanna habang kausap ko.
Si Amira, kung tama ang pagkakatanda ko sa pangalan niya. I don't know how to make her feel alright so I keep quiet until she stops crying.

"Pinapabalik na nila kami. Maiiwan sila, Raiden."
"They are soldiers, Joanna," I replied. "I will wait for you here."
"Magpahinga ka na muna Rai. Mukhang hindi ka pa natutulog."
I smiled a little despite the hardship of the situation.
"Pagdating mo na lang dito. Masyado mo akong pinakaba, Bonsai. Tumahan ka na. I am not there to dry your tears."
"Marami namang sundalo dito para magpatahan sa akin." She replied. I know she only trying to making the mood okay but darn it, nanlaki yata ang butas ng ilong ko.
"Umuwi ka na nga. At huwag kang nakikipag flirt sa mga sundalo."

"Okay. See you soon, Rai at sila Dom at Ken at Rose at Mitch at Star." Nagsimula na namang umiyak si Joanna. "Gusto ko kayong yakapin na lahat."
Pff..."Huwag na sila. Ako na lang."
"Ano yun?" Tanong ni Joanna habang sumisinghot-singhot sa kabilang line.
"Patingin mo rin yang tenga mo, baka nabingi ka sa mga putukan kanina." Medyo sarcastic na sagot ko.
"Medyo umuugong nga ang tenga ko. Sige nakakahiya kay Lego. Mamaya na lang, Raiden. Tell Dom I'm okay."
"Joanna," Pigil ko sa kanya. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.
"Hmmm?"
"I love you," I said and turned off the call.
Nailing akong bumalik sa loob ng room. I want to see her reaction. Sana may camera na mahagip si Joanna.


The Knights are already prepared to leave once again. Si Tito Kyle ang commanding officer nila ngayon sa field. He is giving instructions to all of Knights. Kuya Gab will replace Tito Ace on his team.
"Ano ang nagyari, Ate?"
"They will go back to the city. Tito Kyle will lead the mercenary mission. Tito Ace will fly back with Santos. Mauuna sila Joanna na umuwi dito sa Country Club. A plane is on the way for Santos and Tito Ace."
"Will mommy be okay?"
"She will be. You don't know how badass mommy when she's on the field." Nakangisi si Ate habang nagtytype sa monitor.
"Magpahinga ka na. Baka gusto mo ring maligo muna para mabango ka naman pagdating ni Joanna." Tukso ni Ate. But I know she's trying to make me leave.
"Things are going to be nasty in Marawi. Leave us, Raiden. Okay na yung nakita mo."
"Can I talk to mom before I leave?"
Tiningnan ako sandali ni Ate bago nagtype sa keyboard niya.
"Bilisan mo, paalis na sila."


"Mom,"
Napahinto si mommy sa paghakbang ng marinig ang boses ko.
"Mag-iingat ka ha."
"Raiden. Bakit ang aga mong nagising?" She asked back.
"I love you, mommy."
Natingin siya sa camera ni Kiro at parang alam niyang nakatingin ako sa kanya.
"Babalik ako, Raiden. Hintayin mo si Joanna sa pag-uwi." She replied.
"Sakura, patulugin mo na yang kapatid mo. Mukhang hindi pa natutulog."
"Okay. Ingat kayo, mommy. Ako ng bahala sa bunso mo." Sagot ni Ate.
"Get out of here. Mom's order." Baling ni Ate sa akin.


Hinanap ko muna si Joanna sa mga monitors na nakabukas bago ako umalis. Nahagilap ko siya sa camera na nakalagay kay Ate Cailee. She's having an ear check-up. Narinig nya kaya ang sinabi ko kanina? Malamang hindi. Nabingi na yata si Bonsai.

Under the RainWhere stories live. Discover now