Chapter 41- Joke Zone

8.7K 380 15
                                    

Raiden

Nagtawanan ang mga kaibigan ko. Pati na ang mga kasama ni Joanna sa SFC.
"Galing talaga nitong magjoke. Napatawa mo ako kahit papaano, Raiden." Sabi ni Joanna. Tinapik-tapik ang balikat ko na mas lalong ikinatawa ng tropa.
Napamulala ako sa kanya. Tangina, kung kailan seryoso ang sinasabi ko, doon ako sinabihan ng nagjo-joke.

"Mukha ba akong nagbibiro?"
"Oo," Tumatawang sagot niya.
Tumingin ako sa mga tropa ni Joanna sa SFC. "Mukha ba akong nagbibiro, pre?"
"Medyo hindi na namain alam ang totoo sa mga nangyayari, pre. Nashock pa kami sa nangyari sa amin kanina." Sagot ng napagtanungan ko.
"Ubusin mo na nga yan. Uuwi na kami."
"Magpahinga ka muna." Sabay-sabay na sagot ng tropa ko.
Very good kayo mga friends.

"Magpahinga muna kayo dito. Baka nashock pa nga kayo. At least matulog muna kayo dito at magrefresh." Sagot ni Tita Yumi.
Sige pa Tita, sulsol pa.
"Wala po kaming damit." Tanggi ni Joanna.
"Tatawag tayo ng fairy godmother," Sagot ni Tita Mejie. Tinawagan niya si Tita Kaye at nagpadala ng mga damit. She described Joanna's friends in the most awkward way.

"Oo Kaye, yung isa mataas ng kaunti kay Joanna. Tapos payat, parang anak ni Mang Tonyo. Hindi...hindi yung pilay, yung bingi na anak nya. Oo yung may syota na teacher." Tita Merjie described. Nasa isang tao pa lang siya nyan.
"Tapos yung isa, teka lang." Humarap si Tita Merj sa gawi namin.
"Dong, tayo ka nga." Pinatayo niya ang medyo malusog na kasama nila Joanna na tumayo naman dahil masunurin.
"Mga size 35 ang bewang ng isa. Kasing kulay ni Mang Tonyo. Huwag mong dalan ng pula."
Yung tawa namin, hindi namin napigilan. Pati ang mga nagdadasal nahinto dahil kay Tita Mejie.
"Size 34 lang po." Mukhang naoffend yung friend ni Joanna.
"Busog lang po ako ngayon."
"Ay, size 34 lang daw." Pagtatama naman ni Tita Merjie.
"Sorry, Dong."

Tawa nang tawa si Joanna habang nakikinig kay Tita Mejie at ako naman ay nag-iisip kung bakit masaya na ako na tumatawa siya. Walang ka-poise-poise man lang sa pagtawa si Bonsai pero ang cute tingnan.
"Ehem... ehem... baka matunaw," Umuubong kumuha ng chocolate si Lego sa mesa.
"Bawal sa may ubo yan," Sarcastic na sagot ko sa kanya at inagaw ko ang chocolate na hawak niya.

Hindi papatalo si Lego kaya nag-agawan kaming dalawa sa chocolate.
"Joanna, si Raiden oh, isip bata." Sumbong ni Lego. Napatingin sa amin si Joanna kaya nahinto ako sa pang-aagaw. Naupo tuloy ako ng maayos.
"Pagpahingahin nyo na si Joanna." Star commented.
"Tara Jo, doon ka na sa kwarto ko magpahinga. Pahiramin na rin kita ng damit para makapagwash-up kana." Hinila ni Star si Joanna paakyat ng kwarto habang naghihintay naman ang mg aka-SFC niya na dumating ang mga damit nila.

Pinatulog muna ni Tita Yumi ang mga galing ng Marawi at naiwan kami sa sala kasama ng mga Titas na nagsimula ulit magdasal. Natahimik ako sa tabi. My mind started to wondered at the realization that my mom is still at Marawi.
"Uuwi rin si mommy," Raiden told me.
Tumango ako bago nagsalita.
"Wala na si Santos." I told him.
Napatingin sa amin sila Tita Yumi. Nagulat din sa binalita ko.
I took a deep breathe before I partially told them what happened. I didn't elaborate further the details.

"Mom look divested. She's so angry that she challenged the whole platoon of militaries that was asking her to head back."
"That's what soldiers do," Sabi ni Lego na ngayon lang nalaman kung bakit namatay si Santos.
"I don't have the traits to be a soldier.' Naiiling na pag-amin ko.
"Sweet lover lang ako mga dre." Dagdag ko na ikinatawa nila Dominique.

"Di ka nga makalagpas sa joke zone." Sagot ni Dom.
"Paggising niya, maniniwala na yan. Pinagbigyan ko lang at baka inaantok na eh. Sa ayaw at sa gusto niya, lalagpas ako sa joke zone na iyon." Confident na sagot ko.
"On a scale of one to ten, and ten being the highest," Simula ni Rose na sinagot ko agad.
"Nasa twenty ako. Sure na." I replied.

"Curious ako, paano mo napagtanto na gusto mo si Joanna?" Tanong ni Dom.
"Nagdasal nga ako,"
"Weeehhh." Sabat ni Mitch.
Napakamot ako sa noo ko dahil sa inis.
"Parang siyang wrecking ball na tumama sa akin. Sa gitna ng ulan, habang kumakanta siya, I realized that I have fallen for her. I loved her faith especially in me. She has so much faith in people that she even trusted a Muslim girl in Marawi. I have fallen for her personality, for her unselfishness. I have fallen for her. Period. Kailangan ko bang iexplain sa inyo? Hindi naman kayo si Joanna."

"Plus factor din na gusto siya ni mommy." Nagkibit ako ng balikat na ikinatawani Ken.
"Mama's boy ka talaga" Sabi niya.
"Aanhin ko ang babae na ayaw ni mommy? Saka hindi ililigtas ni mommy si Joanna kung naging si Ava siya. Baka nga si mommy pa ang magsabi sa rebelde na barilin si Ava." I said na ikinatawa ng mga kaibigan ko.

"Speaking of Ava, ngayong lantaran na ang kalandian mo kay Joanna, bantayan mo yang ex mo." Payo ni Lego.
"Di ko ex yun. At subukan niyang kantiin si Joanna, baka ngayon pa lang ako makasuntok ng babae." I replied seriously.
"So, kung ganoon, ano ang plano mo para maalis ka sa joke zone?" Pangungulit ni Dom.
"Huh! Ako na ang bahala." Confident na sagot ko.

Mag-uusap kami ng masinsinan nitong si Joanna pagkagising niya.

Under the RainWhere stories live. Discover now