Chapter 2- Dora

11.6K 425 39
                                    

Joanna

"Kamusta ka na Dom?" Tanong ko kay Dominique nang puntahan ko siya sa bahay niya sa Quezon City. Kasama siya sa bahay ang isang matandang lalaki na katiwala raw ng tatay niya dati.
"Hey, pasok ka." Sabi niya.
Nakabukas ang laptop niya at obvious na si Kenshin ang kausap dahil narinig ko ang boses nito.

"Sino yan?" Tanong niya.
"Chill... Ako lang 'to. Si Joanna." I replied kahit hindi nakatapat sa akin ang laptop.
"Hay, buti nand'yan ka. Can you sleep with Dom?" Tanong nito.

Natawa ako ng bahagya... Kakainggit 'tong dalawa na ito. Masama pa lang mainggit. Hindi naman inggit na nakakasama... Medyo kinikilig nga ako kapag magkasama sila.

"Hindi ka ba magseselos?" Biro ko kay Kenshin na ikinatawa ni Dominique.
Natawa siya sa kabilang line. Tinapat sa akin ni Dominique ang laptop at bumungad sa akin si Kenshin na naka-suit.
"Aba ano, boss na boss ka ah."
Natawa na naman ito.
"Wala ka bang gala ngayon, Dora?" Tanong niya sa akin.

Pinangalanan nila akong Dora. Si Lego ang pasimuno noon eh, lagi raw akong nakaback pack. Buti na lang wala akong bangs at hindi square ang buhok ko.

"Wala... pahinga ako ngayon at ang backpack ko." I replied.
"Samahan mo muna si Dom, please."
Dominique rolled her eyes. "Hindi ako maglalaho. Pagsabihan mo nga iyan."
"Nasaan ka ba? Nakakapagtaka nga at wala ang anino mo sa tabi ni Dominique."
Bumuntong hininga ito. "Nasa Japan."
"Ohhhh... Buti hindi ka sinama, Dominique?"

"Bawal pa siyang gumala-gala. Utos ni Ate Cailee." Sagot ni Kenshin.
Nilahad ni Dominique ang kamay sa likod ng laptop. Parang sinasabi sa akin... ayan, siya na ang tanungin mo.
"Ah, eh di good. Napadaan lang naman ako kasi bibigyan ko siya ng keychain. Aalis din agad ako." Nagco-collect kasi si Dominique ng mga keychain. Meron siyang isang part sa wall ng kwarto niya na nakalagay ang keychain at kung sino ang nagbigay nito.
"D'yan ka na matulog." Pilit ni Kenshin.
"Luh... wala akong dalang damit." Katwiran ko.
"Magkasize naman kayo ni Dominique. Manghiram ka na lang ng damit."

"Mataas ako ng kaunti kay Joanna." Biro ni Dominique sabay tawa.
"Ay grabe kayong dalawa. Parang half inch lang ang itinangkad mo sa akin eh." Sabi ko kay Dom.
Natawa pati si Kenshin.
"Pareho naman kayong maliit, nagpataasan pa kayo."

"Ayan na nga yang syota mo. Baka magkasala pa ako at pag-isipan ko pa yan na abangan sa labas." Inabot ko kay Dominique ang laptop niya habang tumatawa.

She look fine now and I'm glad. Really glad that I was His instrument to save her life. Pakiramdam ko ay may halaga na ako. Kung sana kasing halaga ako sa pamilya ko gaya ng halaga ko kay Dom.

"Ayan, natahimik na si Joanna. Palibhasa matangkad kayo. Ay Ken may tatanong ako."
Napatingin ako kay Dom at inabangan ang mga hirit nyang corny pero funny sa sobrang corny.
"Ano na naman yan?" Natatawa na agad si Kenshin wala pa man ang joke.

"Kapag ba ang tubig nilagay sa maliit na baso, tusmall na ang tawag?" Hirit ni Dom.
"Eh yung pares ba pwedeng kaiinin ng single?"
Dumalawa pa talaga siya.
Natatawa si Kenshin sa kabilang line. "Sige na, kaya namimiss kita eh. Ang corny mo." Sabi ni Ken na ikinaikot ng mata ko.
"Yung running shoes ba hindi pwedeng panglakad? Yung panglakad na damit hindi pwedeng ipangtakbo?"
Aba't humirit pa talaga...

Naiiling ako sa kakengkuyan ni Dom. Malayong malayo sa babaeng nakita ko sa hospital nang minsang mapadpad ako sa Tagaytay.
"Tama na Dom, nahohome sick na ako." Sagot ni Kenshin.
"Ayyyiiieee nagpapatukso. Gusto mo kiligin ako sa sinabi mo?"
"Haha baliw. Sige na. Huwag mong palabasin si Joanna, may van na nangunguha ng bata."

"Ay grabe ka talaga." Angal ko kay Ken.
"Love you Ken. Ingat ka d'yan. Kumain ka sa oras ha."
"Love too, chief." Sagot nito bago ibaba ni Dominique ang screen ng laptop nya.

"So paano ba yan beshpren, dito ka raw matulog?!" Nakangiting tanong ni Dominic sa akin.
Isa pa sa pinagpapasalamat ko, bukod sa naligtas ko ang bubay niya ay ang friendship na nabuo sa aming dalawa. Bonus na ang mga kaibigan ni Kenshin na napapalapit na sa akin. At the same time nailalapit ko sila kay Lord.

Baka nga ito ang purpose ko sa buhay, ang sumagip sa mga taong kailangang sagipin.
"Buti na lang ready lagi ako." I tapped my backpack to emphasise I have extra clothes.
Natawa si Dom. "Kung bakit kasi purple yang backpack mo... Tinawag ka tuloy na Dora."
Nagtawanan kami ni Dominique.
"Loko yung Lego na yun eh. Dinadaan sa pacute ang kapilyuhan. Mabuti at hindi inaatake sa puso si Rose sa kulit ng boyfriend niya." Natatawang comment ko.

"Hindi pa naman sa pakakaalam ko." Dominique chuckled.
"Kwento ko na. Saan ka na naman galing?"
Kaya din siguro magaan ang loob ko lay Dom, she always ask me sa mga napuntahan ko. Nakikinig siya sa mga kwento ko. I feel... important for the first time since my mom died. Naging importante ulit ako.

Under the RainWhere stories live. Discover now