Chapter 5- Party

8.6K 379 33
                                    

Raiden

"Nandito na sila..."
Boses ni Michelle ang naririnig ko hindi pa man kami nakakababa ng kotse.

Hindi na ako kinibo ni Joanna buhat ng migrant ako tungkol sa mga taong simbahan. Hayaan ko nga siya, hindi naman kami friends.

"Joanna, ooh na-na... Half of my heart is in Joanna, ooh-na-na,"
Parang si Rose ang kumakanta. Medyo sarcastic kahit sa kumakanta ang tinamaan. Magpavideokepa sa loob ng bahay namin. Natatawang bumaba si Joanna ng kotse.
"Thank you," Sabi niya.
Fine... Hindi ako sumagot. Nakasunod sa akin si Joanna papasok ng bahay namin.Pagbukas ko ng pintuan biglang may mga torotot sumalubong sa amin.

"Happy Bir... ay, nasaan si Joanna?" Tanong ni Dominique.
"Nandito ako sa likod." Sigaw ni Joanna sa likod ko.
Hinipan ulit nila ang torotot at nagpasabog ng confetti poppers. Si Michelle samukha ko tinapat ang lecheng confetti. Hayop talaga ang babae na ito.
"Happy Birthday, Joanna." Sigaw nila.

Hinawi ako ni Joanna para makapasok siya ng bahay. Sa liit niyang yun, nahawi niya ako ah.

"Waaahhhh... Thank you. How did you know?" Tumatalon na tanong ni Joanna. New Year ba? Dapat sa New Year ka tumatalon ng tumangkad ka naman.
Isa-isang naglapitan ang mga girls at niyakap si Joanna.
"Kami pa ba?" Tanong ni Dominique sa kaibigan.

Birthday pala, hindi naman ako nainform.
"Pwede na bang kumain?" Tanong ko sa kanila.
"Grabe naman...Nasurprise ako." Sabi ni Joanna. Walang pumapansin sa akin kayapumunta na ako sa table ng food.
"Bakit ang daming pagkain?" Tanong ko na naman. Pasandok na ako ng pasta ng maytumamang tsinelas sa ulo ko.
"Maghintay ka." Sabi ni mommy.
Asintado talaga si Agent Abby.

"Mom, mauna na daw tayo." Sabi ni Ate na palabas ng kitchen at may dalang cake na may candle.
"Huwag mong hihipan, Raiden." Babala ni mommy.
Natatawa akong nailing. Bakit kilalang-kilala ako ng nanay ko?

Nagkantahan sila ng Happy Birthday Song habang masama naman ang tingin ko samga handa. Pagkatapos nilang kumanta, nagdasal pa sila. At si Joanna ang nanguna...

"Thank you, Lord, for another year. For this wonderful surprise. Thank you for the gift of life that you have given to me..." Sabi niya.
"Amen..." Sagot naman ng mga kaibigan ko.
Napatingin ako sa mga nakapikit kong friends. Totoo ba ito?

"I want to lift up to you Lord my life. May Your Holy Spirit guides me towardsthe path that you have prepared for me. Use me as an instrument to save livesand to guide your children to the road towards You, Oh Lord. I ask this in HisHoly Name, our Lord Jesus, one God forever and ever."
Hay natapos din magdasal.

"Amen." Sagot ng mga kaibigan ko na naman.
"Let us bless the food." Sabi ni Joanna.
Hindi pa tapos?

"Bless us, oh Lord, and these thy gifts which we are about to receive from thybounty through Christ our Lord. Amen." Sabay-sabay nilang pagbigkas. Para silang kulto at si Joanna ang pinuno.

"Shiguro nemen tepush ne...Pwede neng kumaen?" Sabat ko.
Napatingin na naman si mommy sa akin. Kaya napashut-up ako. May pagbabanta nanaman ang kilay niya.

Nauna nilang pinakuha ng pagkain si Joanna. Siguro kulang sa vitamins itong si Dominique at Joanna dati... Kulang sa tangkad eh. Baka hindi nabakunahan noongbaby pa sila.

"Saan ka galing nyan, Joanna?" Tanong ni Star sa kanya.
"Kababalik ko lang galing Bataan. May inayos kami para sa YFC." Sabi nito.
"Oh, so Dorang gala ka talaga!" Sabat ko. Tangina, OP na ako. Might as well makigulo na lang.
Natawa sila sa joke ko. One point sakin...zero pa si cornybells Dominique.

"Ano ang YFC? Sounds like ketchup." I said na ikina-isang linya ng kilay ni Joanna.
"Youth for Christ." Sabi nito.
"Ahh... so nag-aalive-alive kayo?" Ginaya ko pa ang pagtaas-taas ng kamay ng mganapapanood ko.
Binato ako ng tissue ni Dominique. "Salbahe." Sabi niya.
"Well, yes. That's called worshiping." Joanna explained.

"Sama aka nga samin minsan Raiden." Yaya ni Star.
"Saan?"
"Sa prayer assembly." Sagot naman ni Michelle.
"At ano ang gagawin ko doon?"
"Magdadasal." Sagot ni mommy.
I snorted. Tangina, pumasok ang pasta sa ilong ko. Bigla tuloy akong inubo.
"Bilis ng karma, ano?" Tumatawang tanong ni Ate sa akin sabay kalabog sa likodko.
"Tangina, matatanggal ang baga ko sa lakas ng hampas mo." Saway ko sa kanyahabang umuubo.
Liit na tao, lakas ng hampas sa likod ko.

Under the RainWhere stories live. Discover now