Chapter 29- Power of Your Love

8.5K 381 41
                                    

Raiden

"Nagdadasal ka na?" Tuluyan ng lumingon si Joanna sa akin. She mirrored me. Itinukod niya naman ang siko niya sa upuan ko at saka nangalumbaba.
"Kasasabi ko lang ah."
"Wow," Genuine ang saya sa mukha niya. Wala halong panunuya.
"Alam mo, pinagdadasal rin kita."
"Talaga?" Ang sweet.
Tumango si Joanna. Baka matanggal ang ulo mo, bonsai. Wala kang ka-poise-poise sa katawan mo.
"Pinagdadasal ko na makita mo Siya sa kabila ng mga disappointment mo." She honestly said.
"You are just redirected, Raiden. He didn't abandon you when you needed Him." Ang sabi pa niya.

Nagulat si Joanna ng magring ang phone niya. Napatingin sa kanya ang mga malapit sa amin kaya nagmamadali siyang hinanap ang phone niya sa backpack niyang purple.
"Hello," Bulong ni Joanna.
Eh dahil katabi ko siya, naririnig ko ang boses niya.
"Nandito ako sa concert, bro." Sagot niya.
Ahh, must be the SFC.
"Hindi naman ako umoo kay Jay. Ang sabi ko sa kanya, kasama ko ang mga kaibigan ko." Paliwanag ni Joanna na ikinaikot ng mga mata ko.
"Malapit kami sa stage."
I snorted. Goodluck kung makikita nyo kami.
"Syempre hindi nyo ako makikita," Biro ni Joanna. "Kapag nakita nyo si Raiden, katabi ko lang sya."
"Oo, magkasama kami. Sige na bro, masama na ang tingin ng mga tao sa akin. Enjoy." Paalam ni Joanna sa kausap.

"Ginugulo ka pa ba ng ex mo?" Napatanong tuloy ako dahil hindi ko naitanong kay Ate ang chinismis ni Xykie sa kanya.
"May problema lang siya."
"At dinadamay ka? Masyado kang mabait." I told her.
"Hindi kasi nawawala sa uso ang pagiging mabait. Yun lang kasi ang meron ako."
Tumango ako sa sinabi niya.
"At umoo ka naman."
Natawa ako ng bahagya. "Kapag humindi ako, magtatampo ka. Kapag umoo ako, magtatampo ka pa rin. Saan ako lulugar?"

"Eh di sa puso niya." Sabat ni Lego.
Nagtatawanan sila. Hay... mga chismosong nilalang. Nakikinig pala.
"Magsisimula na ang concert, mamaya na ang mga careless whispers." Sabat ni Mitch.
Nahiya tuloy si Joanna na umayos ng upo.

First time kong makapanood ng concert na nagdasal muna bago magsimula. Para akong nasa prayer meeting lalo na ng magsimula na silang kumanta. Lahat kumakanta maliban siguro sa akin at kay Jacob. Nakataas ang kamay nila. Kahit si Joanna, nakataas ang kamay, nakapikit at sumasabay sa song.

Yung kilabot ko mula batok hanggang talampakan yata.

"Hold me close, let Your love surround me"

Hindi yata napapansin ni Joanna na ang lakas nan yang kumanta.

"Bring me near, draw me to Your side"

Pang-ilan na kanta na ba nila ito? Hindi sila nangangawit sa kakataas ng kamay.
"Gusto mong itry?" Tanong ni Joanna.
Mabilis akong umiling.

Itinaas niya ang dalawang kamay niya.
"Ipapahiram ko ang isang kamay ko para sayo." Sabi niya sa akin.

I found a selfless woman in this world full of selfish people. A gem among the stones. A woman with values. A woman that my mom would probably approve.

Naiiling ako sa tinatakbo ng isip ko pero at the same time nakakaamaze na naiisip ko ang mga bagay na iyan.

Who would have thought that I can see beyond the face? I can see the differences between a beautiful woman and a true beauty. As I look at my friends who worship God at this very moment, I realize that I am fortunate. Way fortunate because I have them.

At si Joanna, damn Lord... ay sorry po. You have a very creative way of making me come back to You. Hindi talaga maganda ang taga sundo mo, kinulang pa sa height. Hanggang kili-kili ko lang eh. Pero kung gaano kalaki ang pagkukulang niya sa height, binawian mo naman sa kagandahang loob.

Maybe, opposite attracks nga talaga.

"Oh shocks, umuulan. Yung make-up ko."
Napatingin ako kay Mitch ng magsimulang pumatak ang ulan. Hindi niya alam kung saan magtatago.

But Joanna keeps worshipping. Eyes still close and hands are on the air asking for more rain. Hindi niya alintana na mababasa siya. Sa bagay walang mabubura sa mukha niya unlike kay Mitch na mukha ng panda.
"Hindi waterproof ang eyeliner ko, urrggg." Reklamo niya.

"Taas mo pa." I told Joanna.
Nagmulat siya ng mata at tumingin sa akin.
"Hindi ka nakikita, itaas mo pa." I hold her right hand at itinaas ko sa abot ng makakaya niya.

Some of the most important realizations in your life happen when you are in the shower. Like now, I realize that I like her under this shower of rain. Under the rain, God knocks on my heart.

Under the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon