Epilogue

11K 454 46
                                    

Raiden

Madali lang lumipas ang panahon. Gaya ng sinabi ni Ate Allie, isinilang nga ang isang batang babae sa araw ng leap year. Hindi rin makapaniwala ang mga doctor na magkakaanak pa si Dominique. Although magaling na siya mula sa sakit na leukemia, her capacity to bear a child should be gone pero hindi. Nagbuntis siya at pinanganak si Miracle Faith Fujihara.

Again, Joanna, my now fiancée, stayed beside Dominique. Napaka-open ni Joanna para sa lahat ng nangangailangan ng tulong.
"Is she okay?" Tanong ni Dom kay Joanna.
"She's perfect, Dom." Sagot ni Joanna sa nag-aalalang si Dominique.
Ang magaling kong kapatid, nakabantay sa anak niya at iniwan si Dom sa amin.

I remember ng samahan namin si Rose at Lego sa America for their surrogate procedure. Joanna stayed with Rose all the way. Lalo na noong ipinanganak na ng surrogate mother ang anak ni Rose at Lego. Rose became emotional dahil akala niya walang way para magkaanak sila ni Lego. Thru IVF and surrogacy, they now have a son.

"Dre, ninong ako ha." Biro ko kay Dom.
"Wala naman akong choice eh." Ganting biro niya.

Kinasal na si Star kay Blaze last month. Kami na lang talaga ni Joanna ang hindi pa. Would you believe na sa more than a year namin na magkasama, almost two years na mga dre, hindi ko pa siya nahahalikan? Hindi rin ako makapaniwala.

"Ano iniisip mo?" Tanong ni Joanna na nasa harapan ko na pala.
"Kung ano ang ipapangalan natin sa magiging anak natin sa future."
Natawa ng bahagya si Joanna.
"I want the name Sofia." I said.
"Sofia it is. Parang sure ka na babae ang magiging anak natin?"
She's improving. Hindi na siya nahihiya sa relationship namin. And although talking about sex made her wince and blush, at least hindi na sya tumatakbo palayo.
"Gusto ko lalaki ang bunso para mama's boy."
"Parang ikaw." She playfully said.
I hold her hand and entwined our fingers.
"Parang ako." I agreed to her.

"Bonsai,"
"Hmm?"
"Pwede na ba tayong magpakasal? Just gave me a date and I will take care of everything."
Joanna smiled at me. "In two month?"
"Talaga? Sure na iyan ha? Baka may tulungan ka na naman at mag-Dora kung saan." Hopeful na tanong ko.
"In two months, Raiden."
Bigla ko siyang niyakap. "Tatawagan ko na si Tita Yumi." Sigaw ko na ikinatawa ni Dom.
"Pumayag na ba?" Tanong niya.
"Sa wakas, nagbigay na ng date." I replied.

Life is short sabi nga nila. At sabi ni Dom, bagalan nyo ang takbo ng buhay nyo. Kumuha ka ng mga larawan para kapag lumipas ang panahon, mayroon maiwan sayo.

Bilis lang ang araw. Parang kailan lang kinasal kami ni Joanna, ngayon nasa labas ako ng nursery room at tinitingnan si Sofia.
"How is she?" Tanong ni mommy sa tabi ko.
"She's perfect." I murmured habang nakatingin sa natutulog kong anak sa nursery.


- The End

Under the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon