Chapter 24- Pray-over

8.6K 402 40
                                    

Raiden

Putangi talaga ang ito. Pulutan na naman ako. Mga hayop...
Backspace tuloy ang tinatype kong malulutong na mura para sa kanila.

Joanna: Anong meron?

"Ayiieee..." Tukso ni Mitch. "Kinikilig si Raiden."
"Yung asawa mo painumin mo na ng gamot." Baling ko kay Brix.

Dom: Joanna babe, meron kang lakad sa weekend?
Joanna: May lakad daw kami ni Rai.

"Wow nemen... Rai." Isa pa itong si Lego na mapang-asar.

Ken: Saan ka ba nag-DORA ngayon? Sunduin ka namin.
Joanna: (typing)

Tagal sumagot ah.

Joanna: Nasa Bicol kami ngayon eh. Sa Friday pa ang balik ko.

Uhh... hindi ko alam yun ah.

Dom: Kasama mo si ex mo?
Joanna: Hahaha.
Michelle: Joanna! Sagot!
Joanna: Grabe kayo. Sino nagchismis sa inyo? Si Raiden?

Aba, loko-loko ito ah. Nanggagalaiti akong nagtype in all caps.

Raiden: HINDI BA PWEDENG YUNG HR NAMIN ANG NAGKWENTO KAY KEN?

Para kinikili si Lego kung makatawa.

Joanna: Uy, kasama ka pala sa group, Raiden.
Star: Hahaha
Dom: LOLS
Joana: Hindi ko kasama. Sa ibang group na siya.
Lego: (typing)

Sinipa ko si Lego.
"Wag ka ng sumali, kupal. Manlalaglag ka na naman."

Lego: May nananakit na dito. Kita-kita tayo mamaya pwera kay Joanna na nasa Bicol.
Star: Meeting place?
Lego: Sa bahay.
Michelle: Nino?
Star: Sa amin na lang.
Blaze: Ang haba ng backread. Sasama daw sila Jaxx.
Ken: Mamaya na pag-usapan mukhang surprise eh.
Joanna: Uy ano yan?

Napaikot ang mga mata ko.

Raiden: HUWAG KA NG MAKICHISMIS. BAWAL ANG CHISMIS SA BIBLE.
Joanna: Nagbabasa ka na ba ng bible? Bakit mo alam?

Nagtawanan na naman ang tatlong kasama ko.

Michelle: Nice, Joanna Babe.
Dom: Sabi ko na may napupulot kang magandang asal sa akin hahaha.
Star: hahaha
Joanna: Ay Raiden, tanong lang yun.
Raiden: EWAN KO SAYO!!!
Ken: Sige mamaya na lang. Mga 6pm, ang malate may 20K na multa.
Rose: Teka, pati ba ako kasama sa multahan? Ibebenta ko muna ang kidney ko dahil malalate ako ng kaunti.
Lego: Purple yam, bakit ka malalate?
Rose: Sasabay na lang ako kay Doc Trevor papunta ng Country Club.
Lego: Susunduin kita, babyruth.
Dom: See you laters mga gummy bears. Hahaha
Michelle: I'm so umay na.
Ken: Mamaya na lang.
Star: See you... Maaga akong lalabas. Sunduin mo ako Blaze.
Blaze: Yes madam.
Rose: Ay Sir, daanan nyo na lang pala ako. Lego, huwag ka ng lumabas ng Country Club.
Blaze: Haayyy...


Hinintay na namin nila Lego, Michelle at Brix ang iba sa bahay nila Tita Yumi. Sanay na si Tita sa amin na pati kami ay nagbubukas ng ref nila. Unang dumating sila Star, Blaze at Rose. Sila Ken are on the way na rin. Ayaw magpenalty ng 20K kaya maagang nagsilabas ng mga office.

Habang naghihintay kami sa dalawa, naggigitara naman sila Blaze at Brix at kung todo kanta si Rose at Michelle.

"I believe in God our Father... I believe in Christ the son." Kanta ng dalawa.
Nakataas pa ang kanang kamay at nagsu-sway pa. Kumuha ako ng mga pika-pika sa center table at nagsimula ng kumain.
"I believe in the Holy Spirit, our God is three in one." Pagpapatuloy nila.

"I believe in the resurrection, that we will rise again." Wala sa loob na sinabayan ko sila habang ngumunguya ako. Natigil sila sa pagkanta. Pati si Blaze at Brix natigil sa paggigitara. Naramdaman ko ang tingingan nila.

"Bakit?" I asked them.
Nakamaang silang lahat.
"For I believe in the name of Jesus" Mahinang nagpatuloy sa pagkanta si Rose.
Doon ko pa lang naalala na kinanta ko ang kinakanta nila. Nashock din ako.
Tanginang Bonsai iyon... Na-LSS ako sa kinanta niya last week.

"Naghihimala nga ano?" Tanong ni Star sa akin.

Kinikilabutan talaga ako sa kanta na iyon. Hindi ko alam kung bakit tumutugtog sa isip ko.

"I will call Tita Abby baka kailangang ipagpray over si Raiden." Biro ni Mitch.
"Sino ang ipapag-pray over?" Tanong ni Tita Yumi na may dalang tray ng juice. At gaya ng mabuting manliligaw, tumayo agad si Blaze para tulungan si Tita.
"Si Raiden mommy. Kumakanta na ng Gospel Song." Sabat ni Lego.
"Talaga?" Ngumiti naman si Tita sa akin. Lumapit siya sa akin at inilagay ang kanang kamay sa ulo ko.

Ho my fucking cow... Don't tell me pinagpapray-over ako?

"Oh God, our Holy Father, I am asking your holy spirit to come down and guide Raiden through his journey towards your grace," Simula ni Tita.
"Ay pajoin."
Tumayo si Michelle and she encourage my friends to do the same. They all stand-up and put their hand on me. What the hell is going on?

"May you enlighten his path and through your Holy Spirit and angels' guidance, he will take his first step on believing in You. Oh Lord, we lift him up to you, his shortcomings and human selfishness, please forgive him as you have forgiven the Saints before us. We ask this in Jesus name, Amen. Let's pray Our Father." Sabi ni Tita.

Nagkapit-kapit sila ng kamay habang pinagitnaan ako. Hindi ako makahirit dahil nandito si Tita Yumi. At for sure magiging target na naman ako ni mommy ng tsinelas kapag pinagsabihan ko si Tita. Pero tangina, yung ngiti ni Lego na pilit tinatago, gusto kong burahin. Tapos yung goose bumps ko, hindi nawawala. Parang permanent na akong natatae kapag may nagdadasal.

Under the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon