Chapter 28- PANCAKE

9.7K 453 63
                                    

Joanna

Late na kaming nagising nila Star, Dominique at Rose dahil sa walang prenong kwentuhan namin. Pero kahit medyo tanghali na, pang-almusal pa rin ang hinain sa amin.

Nakapantulog pa kami at walang kaayos-ayos ng magsiupo kami sa dining table nila Star. Nakakahiya naman sa kanila, sila ang gaganda kahit kagigising. Super fresh at recharge sila, samantalang ako, parang haggard pa rin ang itsura.

Diyos ko, si Lego... kagwapong nilalang.
"Kung makatitig ka kay Lego parang gusto mong isahog sa kinakain mo ah."
Nagulat ako kay Raiden na nasa tabi ko na pala. Nagtawanan tuloy sila lahat.
"Tinitingnan ko kung may pores pa ba ang mukha niya." Katwiran ko naman.
"Hindi nga makatarungan na makinis pa sa akin si Lego." Sabi ni Rose.
"Maganda pa nga sa akin ito, lagyan lang ng wig." Dagdag nya pa.
Nakangiti lang si Lego the whole time na pinag-uusapa siya.

"Tumigil ka nga sa pacute mo. Ang landi ne'to." Binato ng tissue ni Raiden si Lego bago umupo sa tabi ko.
"Aga mo naman dito." Puna ni Dominique kay Raiden.
"Walang almusal samin." Sagot ni Raiden na ikinataas ng kilay ni Dom.
Kumuha ako ng isang cupcake instead na pandesal. Sarap na sarap ako sa pagnguya ng humirit na naman si Raiden.
"Aba, pandak na mahilig sa cupcake... PANCAKE." Sabi niya sa akin.
Nasamid kami habang tatawa-tawa si Raiden.

"Hindi ganyan ang panliligaw," Nakijoin sa amin si Tito Cloud na kamukha ng Kuya ni Lego pero parang kapatid lang nila.
"Turuan mo nga daddy," Sabi ni Lego.
Ako naman, nagpatuloy na lang sa pagkain ng cupcake at hindi na sila pinakinggan. Iniisip ko ang sinabi ng madre sa akin sa Bicol. Sabi niya, ipagpray ko daw kung tutuloy ako sa vocation ko. Kaya ayun nga ang ginagawa ko. I keep on praying if being a nun is my calling. Pero kasi, I am having second thoughts.

"Di ba, Joanna?" Tanong ni Tito Cloud sa akin.
"Ho?" Napatanga ako. Ano ang tinatanong niya?
"Ang sabi ko, ang sweetest thing na magagawa ng manliligaw ay bumati man lang ng good morning." Sabi ni Tito Cloud. Nakatingin silang lahat sa akin.
"Ahhh, okay lang naman po siguro yun." I replied.
"For you, what is the sweetest thing a manliligaw can do to you ba?" Tanong ni Star.
"To include me on his prayer." I murmured.

"Ahh, walang problema. Expert na sa bible si Raiden." Biro ni Lego sa kaibigan. Hindi kumikibo si Raiden. Panay lang sya subo ng pandesal.
"Nasa Genesis pa lang." Comment ni Rose.
"Ano ang pangalan ng magkapatid sa Genesis?" Tanong ni Dom kay Raiden.
"Cain and Abel," Sagot ni Raiden.
"Whoahhhh..." Sabi nila, pati na si Tito Cloud at nagpalakpakan sila na parang mga baliw. Syempre hindi ako nakijoin. I gave Raiden a thumbs up and he smiled at me.
Hay, kaya ka nagkakaroon ng second thoughts, Joanna eh.

Alas tres ang usapan na magkikita-kita bago kami pumunta sa concert. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa nilang magtigi-tigisa ng sasakyan eh pwede namang imaximize ang mga SUV na dala nila.
"Psssttt, sa akin ka na sumabay." Sabi ni Raiden sa akin.
"Kala Dom na lang ako sasabay."
"Hay, ikaw lang ang walang partner, ano ka ba! Kailangan bang sabihin ang obvious na third wheel ka."
Napaisip ako. Oo nga ano! Lahat sila may partner.
"Sino pa ba ang hinihintay?"Tanong ni Blaze.
"Si Star at si Rose." Sagot naman ni Lego.

Bumaba ng hagdanan sila Star at Rose na nakasuot ng shorts.
"Hoy Rose, ano yang suot mo?" Sita ni Lego sa kanya.
"Shorts. Mainit kaya mamaya." Katwiran ni Rose.
Natahimik kami. Mukhang may gulo na magaganap ah.
"Magpalit ka nga. Magmahaba ka, yung hanggang sakong." Utos ni Lego.
"Ano?" Namewang si Rose sa harapan ng boyfriend niya.

"Parang tanga si Lego." Bulong ni Raiden na nasa tabi ko.

"Magbelo ka pati." Sabi niya. "Tas, susuotan na kita ng singsing."

Nahampas ko bigla si Raiden sa hita. Grabe, ako ang kinilig. Hindi lang pala ako, lahat pala kaming girls. Gusto kong mangisay sa kilig.
"Oh my God, Kuya." Tumatawang comment ni Star.
"Ayyiieee. Kinikilig pati kami." Tukso ni Mitch.
"Kinikilig ka na nyan?" Tanong ni Raiden sa akin.
"Bakit ba? Ang cute kaya nila."
"Bakit ganyan kang kiligin? Para kang bulate sa pain na nangingisay."
In fairness ang pangit ko ngang kiligin kaya natawa na lang ako.
"Pasensya naman. Paano ba dapat?" Balik na tanong ko kay Raiden.
"Dapat gumaganto ka." And he acted that Dalagang Pilipana memes. May pafinger heart pa si Raiden.
"Mukha kang abno." Tumatawang comment ko.
Tumawa din si Raiden kaya ayon na naman ang second thoughts. Nagsumiksik na naman sa utak ko.

Marami ng tao sa venue ng makarating kami. Sa kotse ako ni Raiden sumakay. Tahimik lang siya habang nagmamaneho kanina kaya nakapag-isip-isip ako.

Sa Venue, may special na daanan for VIPs. Medyo hindi na ako nagtaka na nasa VIP ang upuan namin dahil sa mga kasama ko. Nasa harapan kami ng stage and it's surreal. Nandito na nga ako sa pangarap kong concert.
"Pssstt..." Bulong ni Raiden sa akin. Tinabig niya pa ang braso ko to gain my attention.
"Happy?"
I gave him my biggest smile. "Very. Thank you."
And he smiled back. "Welcome."

Tinukod ni Raiden ang siko niya sa likod ng upuan ko at nangalumbaba habang nakatingin sa akin.
"Ang dali mong pasayahin."
"Hindi naman ako complicated na tao." I replied.
Tumango si Raiden and smiled some more. Nawala ang singkit niyang mga mata. Lumitaw ang pantay-pantay at mapuputi na ngipin niya.
"Pansin ko nga. Manood ka na, pancake."
Siniko ko siya sa tiyan... ay abs pala. "Kung ano-ano ang tinatawag mo sa akin."
Tatawa-tawa siya ng mahina sa tabi ko.
"Mas gusto ko pa rin ang bonsai para sayo." Sabi niya.

"Sana maliit makatuluyan mo. Panay mo ako nilalait." Wala sa loob na nasabi ko.
Nagkibit ng balikat si Raiden. "Tall girls are for tall guys. Shorts girls are for tall guys din kaya okay lang sa akin yun."
"Paano ang mga shorts guys?"
"Sila-sila na lang ang magkatuluyan." Sagot niya. Authomatic na siniko ko siya sa abs ulit. Wow, nakakadami na ako. Mukha namang hindi siya nasasaktan. Nagpipigil ako ng tawa. Baka magtatawa na naman ako ng malakas ng wala sa oras.
"Salbahe mo."
"Hindi na nga eh." Sagot niya. "You're starting to change me."
Nawala ang ngiti ko. Oh Lord, nabigla ako eh. But Raiden smiled at me. Yung ngiti niyang genuine.
"Huwag kang kiligin. Pangit kang kiligin eh." Paalala niya.
Naiiling akong tumingin na lang sa stage.

Hay Lord, nasa kamay mo ang buhay ko. Bahala na po Kayo. Hindi ko na po kasi maintindihan ang mga nangyayari.

"Hey, Joanna."
Napatingin ulit ako kay Raiden.
"Just so you know, I included you in my prayer." He said softly that made me smile.

Hay Joanna, huwag kang kiligin. Pangit kang kiligin talaga.

Under the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon