Chapter 35- Phone Call

8K 400 16
                                    

Raiden

Nagkalat ang mga rebelde sa Marawi. Mas marami sila ngayon kumpara sa dati. Mas organisado sabi nga ni Tito Red at mas malupit. Malupit sila ngayon dahil kahit Muslim, basta humarang sa kanila, sinasaktan nila. Nakikita ko lahat iyon muna sa mga drones at camera.

Ilang messages na rin ang pinadala ko kay Joanna, hindi siya nagrereply. Natatakot akong tumawag. Natatakot akong kumurap man lang sa mga screen na nasa harapan ko. At natatakot ako para sa mga naiipit sa gulo. Wala akong matakbuhan gaya nila.

Sa bawat monitor na nakabukas sa loob ng Head Quarters, nakikita ko ang kalupitan ng mga tao. At naitanong na naman ng utak ko, nasaan si God? Bakit wala siya para tulungan sila?

"Jacob, putangina, huwag mo naman pagpira-pirasuhin ang mga napapatay mo." sigaw ni Xykie. Napatingin ako sa kanya. May katabi na siyang trashbin at sumusuka.
"Huwag kang tumingin." Iyon ang sinagot ni Jacob sa earpiece.
Duguan si Jacob, pero hindi sa kanya ang mga dugo na nasa uniform niya. He looks murderous. They all look murderous. Even mommy looks different.

Bakit hindi nauubusan ng kalaban? Halos kakaunti pa lang naiuusad ng buong Knights. Hindi pa sila makapasok ng husto. May mga civilian ng nailalabas ng paunti-unti pero mas marami pa rin ang naiipit sa gitna ng syudad.

Nagring ang phone ko at agad kong sinagot ng makita ko ang pangalan ni Joanna.
"Bonsai,"
"Bisita namin sila." Ang sabi sa background.
"Pakiusap, huwag ninyo silang saktan." Umiiyak na sigaw sa kabilang line.
"Joanna?" Nanginginig ang boses ko habang pinapakinggan ko sila.

"I-speaker mo," Utos ni Ate pero hindi ako makagalaw. Nakatitig ako sa ate ko pero parang hindi ko siya nakikita. Nawala ang phone ko sa kamay at narinig ko muli ang usapan sa background but this time it's on speaker. Naka-connect na ang phone ko sa speaker sa buong HQ. Hindi na nawala ang kaba ko sa dibdib, mas lalo pang nadagdagan sa mga sumunod na narinig ko.

"Ikaw, Muslim ka o Kristyano?"
"Panginoon ko," Bulong ni Ate.
"Diyos ko, Joanna." Nangilid ang luha ko at nadukmo sa upuan ni Ate ko. Nanginginig ang buong katawan ko sa takot.

"Muslim sila. Ibaba ninyo ang inyong sandata sa amin." Sagot ng isa sa mga nasa kabilang linya.

"Magbigkas kayo ng surah sa quran." Utos ng rebelde.
"Hindi po sila makapagsalita dahil sa takot." Narinig kong sagot ng isang babae sa rebelde. Nanginginig ang boses nito.
"At... nag-uumpisa pa lamang silang mag-aral."Pagtatakip niya sa grupo nila Joanna.
"Ikaw, bumigkas ka o papatayin ko kayo." Banta ng rebelde sa grupo nila Joanna.

Diyos ko, Lord. Help them. Please help them. Save them, please. I'm begging you, please.

Unti-unti ng pumapatak ang mga luha ko sa braso ko.

"Ano po..." Nagkakanda utal si Joanna sa pagsasalita.
"Joanna," Sigaw ko. "Huwag kang magsalita."
Pero parang hindi niya ako naririnig.
"English po," Nangingnig ang boses ni Joanna ng sumagot siya.
"Kahit tagalugin mo pa." Sagot ng rebelde. "Bilisan mo at nangangati na akong pumatay ng Kristyano."
"In the same way, I tell you, there is rejoicing in the presence of the angels of God over one sinner who repents." Halos hindi ko marinig ang boses ni Joanna sa hina ng pagsasalita niya at sa lakas ng kabog ng dibdib ko.

Sobrang natahimik sa kabilang line. Hindi gumagalaw si Ate at ang mga shadows habang nakikinig sa kung ano ang susunod na mangyayari.

"Walang lalabas sa inyo, kung ayaw nyong madamay." Wika ng rebelde at narinig naming bumalibag ang pintuan.
Hindi ko alam na nagpipigil ako ng paghinga sa mga oras na kausap nila Joanna ang rebelde. Maging si Ate ay nakahinga ng maluwag ng sumarado ng pintuan sa kabilang line.

"Talk to her,"
Binigay ni Ate ang phone ko sa akin. She already disconnected it from thespeakers.
Nanginginig pa ang kamay ko ng abutin ko ang phone at pakinggan sila Joanna sakabilang line. Naririnig ko silang nag-iiyakan hanggang sa marinig ko ang bosesni Bonsai.
"Raiden,"
Humihikbi si Joanna sa kabilang line.
"Joanna, ano ang nangyari?" nahihirapan na tanong ko.
"May pumasok na mga rebelde sa bahay." Sagot niya.
"Natatakot na kami,"Umiiyak na dagdag niya.
Naghahalo na ang luha at sipon ko. Hindi ko akalain na dadating ako sa point naganito. Ang dali para sa akin ng buhay noon pero ngayon, sa mga oras na ito,para akong isang sanggol na walang kalaban-laban. Ang ang tanging nagagawa ayumiyak na lang.

"Magdasal ka lang. Parating na ang mga Knights." I replied.
Inabutan ako ng tissue ni Ate at muling bumalik sa mga monitors niya.
"Thank you," She murmured.
"Ano ang isinagot mo kanina sa rebelde, Joanna?" Nag-aalalang tanong ko.
"It's a verse from Luke, chapter fifteen verse ten."
"Sana hindi ka na nagsalita. If they found out..."
"They won't." She cut me off.
"If they knew the Quran by heart, they will not do this. This is not theteaching of Islam. They will not know it's from the bible."
"Mag-iingat ka, Bonsai ko."

"Wala ng kuryente dito at malamang ay mawalan na ng signal. Kung hindi ako,"Huminga ng malalim si Joanna.
"Don't you dare say it."
"Kung hindi ako makakabalik, pakatandaan mo na ikaw ang ipinagdasal ko. Havefaith, Raiden."
"Sira ulo ka, huwag kang ganyan."
Tumulo muli ang mga luhang kakapunas ko pa lang.
"Uuwi ka at mag-uusap tayong dalawa. Maliwanag?"
"Tungkol saan?" nakuha niya pang itanong.
"Lagay sa ex mo. Syempre tungkol sa ating dalawa. Bonsai, save your battery andplease, be careful okay? Your angels are on the way."
"Okay," She replied.
Huminga ng malalim si Joanna.
"I trust you. When you say they are on the way, I will patiently wait for them."She said.
"I will see you soon, Bonsai." I whispered. 

Under the RainWhere stories live. Discover now