Chapter 38- Saved

8.5K 448 57
                                    

Joanna

Nanginginig kami sa takot habang nakasiksik kami sa ilalim ng mga kama. May mga tao si labas ng bahay at narinig naming pinaputukan ang pintuan. Wala kaming tigil sa pagrorosaryo habang nagdadasal rin sila Amira.

Hindi na naming nagawang matulog pa. Hindi na rin naming nagawang kumain sa takot na matamaan ng ligaw na bala kung tatayo kami.

"Joanna,"
Narinig ko ang pangalan ko ngunit hindi ko alam kung guni-guni ko lamang na nandito si Tita Abby.

"Joanna," Tawag ulit niya.
"Tita Abby?" Tawag ko. Tinakpan ni Amira ang bibig ko sa takot na makita kami ng mga rebelde.

"Nandito kami, Joanna." Sagot ni Tita Abby.
"Kilala ko ang boses na iyon." Sabi ko kay Amira.


Naglakas loob akong lumabas sa ilalim ng kama. Maingat akong lumabas ng kwarto na pinagtataguan namin.

"Tita? Kayo po ba iyan?"
Nanginginig pa rin ako sa takot.
Kanina ay may malakas na pagsabog kaming narinig at ramdam namim na nayanig ang lupa.

Dahil sa kanina pa ako sa dilim, nakapag-adjustna ang mga mata ko kaya nakita ko si Tita Abby na nakatayo sa gitna ng sala.Nasa likod niya si Kiro at isang sundalo na amerikano? Hindi, asawa ito ni Ate Cailee. Sundalo pala si Kuya Gab.

Naiyak ulit ako dahil nandito na ang mga anghel na pinadala para iligtas kami.Niyakap ako ng mahigpit ni Tita Abby at nabuhayan ako ng loob na makakaalis narin kami dito ng ligtas.
"Tahan na. We need to get out of here. Nasaan ang mga kasama mo. Kailangan nating magmadali. Ngayon na." Sabi niya.

Tumango ako at bumitaw sa kanya. Pinuntahan ko ang mga nagtatago kong mga kasama sa loob ng kwarto.
"Nandito na ang mga military." I told them.
Isa-isa silang naglabasan sa lungga namin na hindi ko alam kung paano kami nagkasya.

Kasama ang lima kong kaibigan at ang pamilya ni Amira, sumama kami kina Tita Abby. Binigyan niya kami ng parang clip. Huwag daw naming iwawala, bilin niTita.

"Palabas na kami." Sabi ni Tita Abby sa kausap sa earpiece.
Nakasunod kami sa mga military. Para kabisa nila ang daan kung saan kami dapat pumunta.

Takbo lang ang ginawa namin at bawal ang magpahinga. Papasikat na ang araw at maririnig pa namin ang mga putukan sa kahit saang dako kami lumusot. Takbo kami nang takbo at hindi lumilingon sa likuran. Nakagitna kami sa grupo nila Tita.

Napansin ko si Tito Marcus ng sumikat na ang liwanag.
"Tabi... Tabi." Sigaw ni Kuya Gab.
Itinulak niya kami padapa at nakipagbarilan sila sa isang grupo ng rebelde na bigla na lamang sumulpot galing sa isang bahay.

Nakayuko kami sa lupa habang takip-takip ng kamay ang ulo at tenga. Hindi ko magawang tumingin sa nangyayari sa paligid. Hindi ko kayang tingnan ang kaawa-awang sitwasyon ng Marawi.
"Ilag," Sigaw ni Amira.
Napatingin ako sa kanya ng tumayo siya sa tabi ko.

Putok ng baril galing sa likod ang nagpabagsak kay Amira. Duguan ang kanyang tagiliran.
"Amira," Sigaw ng kanyang mga magulang.
Sinapo ni Tito Marcus si Amira bago pa ito bumagsak sa lupa. She saved Tito Marcus from death.
"Ne, gising lang. Gab, first aid." Sigaw ni Tito Marcus.
"Ne," Tinatapik-tapik niya ang pisngi ni Amira.

Umagos na ang dugo mula sa tagiliran ni Amira. Tinulungan ni Tita Abby si Tito Marcus na lagyan ng gasa ang sugat.
"Amira," Iyak nang iyak ang magulang ni Amira habang galit na galit ang kanyang tiyuhin.
Hindi ako makapagsalita. Natulala ako sa mga nangyayari. Natulala ako at nagsimula na namang manginig ang katawan ko sa takot.


"Ne, lumaban ka, Ne." Tinatapik-tapik pa rin ni Tito Marcus ang mukha ni Amira na walang malay.
"Tumawag ka ng medic, Gab." Utos ni Tita Abby.
Binalutan nila ang sugat ni Amira pero parang gripo ang dugo na ayaw huminto. Binuhat ni Tito Marcus si Amira at nagsimula ulit silang tumakbo.
"Tayo na, Joanna." Utos ni Kiro.
Mas lalong akong nanlambot ng makita ko ang dugo na pumapatak sa katawan ni Amira.
"She must be in shocked." Narinig ko pang sinabi ni Kuya Gab bago niya ako binuhat na parang sako ng patatas. Nilagay niya ako sa balikat niya na parang ang gaang ko at nagsimula na ulit kaming tumakbo.

Mga ilang minuto rin akong binuhat ni Kuya Gab ng magpumiglas ako para makababa.
"Kaya ko na, Kuya. Salamat." Sabi ko.
"Sinurado ka? Maputla ka pa."
Natingin ako kay Tito Marcus na malayo na ang naitakbo mula sa amin. Buhat-buhat niya si Amira.
Tumango ako kay Kuya Gab at nagsimula na ulit tumakbo.


Palabas na kami ng Marawi. Alam ko dahil dito kami dumaan ng magpunta kami dito. Nasa bukana ang marami ng mga tao na nagmamadali na makalabas sa impyernong ginawa ng mga tao. Marami na ritong mga sundalo na tumutulong sa mga biktima.

Hila-hila ako ni Kiro para makaraan kami sa mga naggigitgitang mga tao. Si Tito Marcus at Tita Abby ay nauna ng tumakbo dahil kay Amira.

Nakalagay si Amira sa stretcher at nakasakay sa ibabaw niya si Ate Cailee. She's performing a CPR to her habang nakastand by si Doc. Trevor for defibrillator.
"Trevor, 200 joules." Sabi ni Ate Cailee. Tumalon siya mula sa stretcher.

They tried to resurrect Amira but in the end she lost her life. Nanlalambot akong napaupo sa lupa habang yakap-yakap si Amira ng kanyang mga magulang.

"Emergency," Someone is shouting towards us.
Nagmamadali na naman sila Ate Cailee na sinalubong ang bagong dating na nagdudugo ang balikat.
Si Tito Ace, may tama sa balikat.
"Ano ang nangyari?" Tanong ni Tita Abby ng makitang duguan si Tito Ace.
"Tinamaan ng bala. Mabuti sa balikat lang." Sagot ni Tito Kyle.

"Joanna, may tama ka rin ba?" Nag-aalalang tanong ni Tita Abby sa akin ng makita akong nakaupo sa lupa.
"Wala po Tita. Nanlulumo lang."
Napaiyak ako habang nakatingin sa katawan ni Amira. Tinatakpan na siya ng kumot na puti ni Ate Cailee.

Ilang civilian gaya ni Amira pa kaya ang binawian ng buhay?

"Dad, tulong."
Napalingon kami sa boses ni Jacob. May bitbit siyang isang tao na duguan at mukhang wala ng buhay.
Mabilis na tinulungan ni Tito Kyle at Tito Marcus si Jacob. Doon ko nakitang nanlumo si Tita Abby. Gaya ko ay napaupo siya bigla sa lupa.

Puno ng dugo ang buong katawan ng sundalong nilagay nila sa stretcher. Umilingsi Doc Trevor ng salatin niya ang leeg nito.

"Santos," Bulong ni Tita at yumakap siya sa akin para itago ang mga luha.

Ilang sundalo na gaya ni Santos ang binawian ng buhay habang lumalaban?


Under the RainWhere stories live. Discover now