Chapter 43- Sweet Talk

9.5K 445 49
                                    

Raiden

"Nakakaiyak ba ang sinabi ko?"
Nagyuko si Joanna at itinago ang mga luha sa akin.
"Eh bakit umiiyak ka?"
"Wala. Tara na." Tumayo si Joanna ngunit pinigilan ko ang kamay niya.
"Umupo ka nga, nag-uusap pa tayo."
She hesitate for a while but she sit beside me again. May pagitan nga lang na kasya pa kahit si Dambo kaya umusog ako para close ulit kami.

"Tell me what's wrong. Is there something I said that you don't like?"
HIndi pa rin kumibo si Joanna. Okay, so mahirap pa lang manligaw.
"You don't believe me," I murmured.
"I do believe you." Mahinang sagot niya.
"At least my heart wanted to believe." Pinunasan ni Joanna ang mga luha sa mukha niya. Ang ngiti ko, umabot yata hanggang tenga.
"Pero gusto kong magmadre,"
Ah! Pucha. Namutla yata ako. Feeling ko tinakasan ako ng dugo sa buong katawan.
"What?" Halos hindi lumabas ang salita sa bibig ko. Nanuyo ang lalamunan ko at mukhang iinom ako ng barrel ng beer kung sasabihin niyang serious siya.

"Pangarap kong magmadre, Raiden. But..."
"Teka nga, gusto mong magulo ang buong kumbento?" Pigil ko sa kung ano mang kalokohang dahilan ang sasbaihin niya.
"Ang huling nagtry na magmadre dito ay si Ate Margaux at naglupasay si Kuya Jaxx."
"Teka patapusin...".
Tinakpan ko ang bibig ni Joanna ng kamay ko. Ayaw kong marinig ang dahilan.
"Ako Joanna, papasukin ko ang kumbento at kikidnappin kita. Sinasabi ko sayo, ituwid mo yang utak mo. Hindi ka magmamadre."
Nakunot ang noo ni Joanna at pilit tinatanggap ang kamay ko sa bibig niya.
"Walang madre na may asawa." Naiinis na dagdag ko sa listahan ng mga sasabihin ko pa sa kanya.

Binabalot na naman ako ng kaba. Magmamadre siya? Lord naman, akala ko okay na?
Pinilit na namang tanggalin ni Joanna ang kamay ko kung kaya hinigpitan ko na ang pagkakahawak sa kanya. Then she did what I didn't expect her to do. She bit me.
"Aray," Pinagpag ko ang kamay ko na may bakat pa ng ngipin niya.
"Patapusin mo akong magsalita." Naiinis na sabi nito. Wow, marunong pala siyang magalit. Ang cute.
"Ang gusto kong sabihin ay hindi na ako magmamadre."
Natigil ako sa sasabihin kong litanya.
"Hindi ka magmamadre?" Paninigurado ko.
"It was my dream until you came." Nahihiya siyang nagbawi ng tingin sa akin.
Ayyiiee, kinikilig ako. I tried to suppress my smile pero lumalabas ng kusa eh.
"Bakit hindi mo sinabi agad? Aatakin ako sa puso sayo sa mga pasabog mo."
Nakunot na naman ang noo ni Joanna.
"Oo na. Tayo na. Sinasagot na kita."

Nanlalaki ang mata niyang umiling.
"Hindi?"
"Wala akong sinabing ganun." Tanggi nito.
"Ah wala ba? So kailangan ko pang manligaw talaga?"
Namumula na naman siyang nagyuko.
"Masanay ka na sa akin, Joanna. HIndi mo ako mapapaalis."
"Bakit kasi ako?" Bulong niya sa sarili.
"Bakit naman kasi hindi ikaw?"

Huminga ng malalim si Joanna. Sa sobrang lalim ang tagal niyang mag-exhale.
"Nahihiya ako,"
"Kanino?" I asked back.
"Sa magulang mo."
"They love you," I replied urgently. Because she really needs to know that shit. My family loves her.
"Lalo na sa mommy mo," Dagdag niya.
"Cool si mommy. Tinatanong ka nga niya kung okay ka lang daw ng makausap ko siya bago kita puntahan."
"Kamusta sila?" Nag-aalalang tanong niya. There goes her big heart again. Paano mong hindi mamahalin ang babae na ito? Lahat na lang inaalala maliban sa sarili niya. Kaya gusto kong alagaan eh. Careless sa sariling kapakanan.
"They are fine. Huwag kang mag-alala masyado sa kanila." I replied.

"How can you not be so worried about them?"
"They are soldiers, Bonsai. And my mom is a good soldier. Ang hiniling nga nila ay magpa-airdrop kami ng chicken joy." I told her.
"Tatawa-tawa pa si Tito Marcus ng magrequest ng pagkain. Nagsasawa na daw siya sa granola bars."
Natawa ng bahagya si Joanna.
"They are fine?" Paninigurado ni Joanna.
"Yup. They are badass. They are revenging...the fallen." Unti-unting humina ang boses ko ng maisip ko si Santos.

"Tara na. Pahiram muna ako ng pamasahe para makauwi ako. Promise babayaran ko."
Napaikot ang mata ko sa sinabi niya. As if magcocommute ka pa.
Kinuha ko ang wallet ko at namili ng credit card at atm at saka ko inabot kay Joanna. Naguguluhan siyang tiningnan ang hawak ko.
"Sayo na yan." Inilapit ko pa sa kanya ang dalawang card.
"Itago mo yan. Baka akala mukha akong pera." Sabi niya. Inabot ni Joanna ang 500 bill na nakalabas sa wallet ko.
Pagkahila nya ng bill, sumamang lumabas ang condom. Nalaglag iyon sa floor ng simbahan. Parang angslow motion ang lahat. Napatingin si Joanna sa foil ng condom sa lapag at naningkit ang mga mata. Napalunon ako ng laway ng hindi oras. Puta, bakit may condom sa wallet ko? Hayop na Ken, tatamaan sa akin ang gago na iyon mamaya.

Tahimik na tumayo si Joanna at naglakad ng mabilis. HIndi ko alam kung uunahin kong pulitin ang condom o sundan siya. Muntik pa akong matalisod sa pew ng pulitin ko muna ang condom at inilagay sa bulsa.
"Joanna, hindi sa akin yun."
Sa liit niyang iyon, bakit parang ang lalaki ng hakbang niya?
"I swear it's not mine." Habol ko sa kanya na mabilis na naglalakad. Naabutan ko na siya sa labas ng simbahan.
"Hindi sa akin iyon. Promise. Wala akong babae. Tanginang Kenshin."
She side step and continue to walk. Nagmamadali akong sinundan siya at tinawagan si Kenshin. Niloud speaker ko ang gago kong kapatid.

"Hello," Sagot ni Ken sa tawag ko. Masayang-masaya ang boses ng gago.
"Tarantado ka. Bakit mo nilagyan ng condom ang wallet ko?"
Nagtawanan si Kenshin at Lego. Magkasama pala silang dalawa.
"Nahuli ka ba?" Tumatawang tanong ni Ken.
"Hayop ka, LQ agad kami. Teka, Joanna." Sigaw ko kay Joanna na parang kuneho sa bilis umusad.
"Mamimili ng tagapagmana si mommy sa ating dalawa kapag hindi kami nagkabati ni Joanna. Ie-evict kita sa bahay." Naiinis na dagdag ko na ikinatawa nila Lego at Kenshin.

Putangina, paano bang magpaamo ng galit na babae?

"Joanna," Sigaw ko ulit pero hindi niya ako pinansin.

———————
A/N
Isa lang today.
Better luck tomorrow kung hindi na ako busy.

Under the RainWhere stories live. Discover now