Chapter 47- Text Message

9.8K 435 58
                                    

Raiden

Nang mabalitaan ni Joanna kinabukasan na cremation si Santos, hindi na muna siya umuwi. Hindi rin kami nakapag-usap ng dapat namin pag-usapan. She stayed beside my mom. She and Dom stayed beside her as me, Ken and my Dad don't know how to make her stop crying. Ate and mommy are closer to Santos than any of us.

Nasa chapel kami at hinihintay namin ang service ni Santos na magdadala sa kanya sa crematorium ng lapitan ni Ate Allie si mommy.
"Tita, someone wants to talk to you."
"Sino?" Walang ganang tanong ni mommy.
Huminga ng malalim si Ate Allie bago nagreply.
"Arthur daw ang pangalan niya."
Napaupo ng deretso si mommy at tumingin sa kabaong sa harapan ng chapel. Teka, sino si Arthur?

"Saan?" Tanong ni mommy kay Ate Allie.
"Sa labas, Tita. Kailangan mo ba ng kasama?" Nag-aalalang tanong ni Ate Allie sa kanya.
"Hindi na." Sagot ni mommy.
Sinundan namin siya ng tingin habang nakasunod siya kay Ate Allison palabas ng chapel.
"Sino si Arthur?" Tanong ko kay Ate Sakura na hindi narinig ang usapan nila mommy at Ate Allie.
"Arthur? Arthur Santos?" Balik na tanong ni Ate sa akin.
"Ewan ko. May naghahanap daw kay mommy. Arthur daw ang pangalan." I replied.
Naguguluhang tumingin si Ate sa kabaong.
"Si Santos lang ang alam kong kakilala ni mommy na Arthur." Sagot ni Ate.

WTF... Ngayon ko lang nalaman na Arthur ang pangalan ni Santos.

Tahimik si mommy ng bumalik sa upuan. Nakakunot ang noo nito at nakatitig kay Santos sa harapan. Maririnig mo ang mumunting mura niya kung mapapalapit ka ng husto sa kanya. Ano kaya ang nangyari bakit gigil na gigil si mommy?

Hindi na namin nakitang umiyak pa si mommy. After ng cremation, nilagay ang abo ni Santos sa isang columbarium sa isang simbahan.


Gabi ng maihatid ko si Joanna sa tinitirahan niya. Tahimik akong nagpark sa tapat ng gate ng bahay.
"Joanna,"
Taena, paano bang magsimula ng usapan?
"Tayo na ba?"
Napabaling bigla si Joanna sa akin.
"Ah, hindi pa ba?" Biglang bawi ko.
"Akala ko ba manliligaw ka pa lang." Sabi nito.
"Oo nga. Sabi ko nga eh." I murmured.
"Pero kasi ang ikli ng buhay." Katwiran ko.

"Raiden,"
Huminga muna ng malalim si Joanna bago magsalita.
"Kung..."
Napatalon si Joanna ng biglang may kumalampag sa may passenger window. Tang-ina, sino yun?
"Jo," Sigaw ng nasa labas.
"Si Jay ba yun?" Tanong ni Joanna sa sarili at saka nagtangkang buksan ang pintuan but I lock it.
"Huwag kang bumaba." I told her before I open my door and went out.
Si Jay nga.

"Ano ang kailangan mo, kupal?" Tanong ko kay Jay.
"Joanna, bumaba ka d'yan. Mag-usap tayo." Sigaw ni Jay at kinalampag ang bintana ng kotse ko.
"Hoy," Bulyaw ko. "Putang-ina ka ah. Mahal pa sa ari-arian mo yang kotse ko. Ano ang problema mo?"
Masamng tumingin sa akin si Jay at parang adik ang itsura nito.
"Ikaw," Sabi nito at nagtangkang sumugod.
Tangina, ang bagal ng galaw. Sinuntok ko siya agad sa panga paramatauhan. Narinig kong napasigaw si Joanna sa loob ng kotse.
"Huwag kang lalabas, Bonsai." I shouted.

Tang-ina ka Jay, istorbo ka. Nag-uusap kami eh, hayop ka.

"Ayan ba ang pinagmamalaki mo?" Sigaw ni Jay kay Joanna.
"Siya ba? Sa kanya okay lang na sumasama ka pero noong inaaya kita, kulang na lang humiling ka ng kasal bago ka makipag-sex sa akin."
"Tarantado," I said in anger. No one deserves that kind of shit from you.
Pinagsusuntok ko si Jay hanggang sa mapahiga na ito sa lupa. May dumating naman na mga pulis at tinanong akung ano ang nangyari. Kinuha ko ang copy ng video sa dash cam at pinakita sa pulis. They asked us to proceed on police station to file a case.

Ay, tang-ina, hindi na kami nakapag-usap.

Tinawagan ko si Ken habang papaunta kami ng presinto at tatawagan nya daw si mommy dahil nasa Metro Manila din naman ang karamihan ngayon dahil sa cremation ni Santos kanina.
"Diyos ko, nakakahiya." Bulong ni Joanna.
"Wala yun, Jo. Yung ex mo angd apat mahiya. Eh kaso walang hiya ang animal."
Hindi pa humuhupa ang galit ko. Isang lapit pa nitong si Jay kay Joanna, ipapasundo ko na kay Santos.

Duguan pa ang mukha ni Jay ng magharap ulit kami sa presinto.
"Ipadrug test nyo yan." Giit ko sa pulis.
"Umupo ka. Huwag kang mayabang." Sabi nito sa akin.
Natatakot na si Joanna na nasa tabi ko. Nagsusumuksik sa akin at nakahawak sa braso ko na parang mawawala.
"Hindi ako nagyayabang. Mukhang sabog yan oh."
"Sabog talaga. Binugbog mo eh." Pabalang na sagot ng pulis.

"Nasaan si Chief Sarmiento?" Tanong ni Jay sa pulis.
"Bakit?" Mayabang na tanong ng pulis sa kanya.
"Pamangkin ako," Mayabang din na sagot ni Jay.
"Huh... Ganun? Palakasan?" Nayayamot na tanong ko.

"Raiden, kumalma ka lang." Bulong ni Joanna sa tabi ko.
Hindi ako kakalma.
"Binastos ang girlfriend ko ng gagong yan."
Napatingin ang pulis sa amin at nagtagal ang tingin kay Joanna.
"Sigurado kang girlfriend mo yan?" Tanong ng pulis.
"Ah isa ka pang tarantado. Ano ibig mong sabihin, ha?" Sumabog na ang inis ko.
"Hoy, huwag kang mayabang. Bakit minumura mo ang mga bata ko." Singhal ng Chief of Police sa akin.
Nagmano dito si Jay.
"Ikaw ba ang bumugbog sa pamangkin ko?" Tanong nito sa akin. "Ikulong yan."

"Teka," Lalong humigpit ang kapit ni Joanna sa braso ko.
"Bakit si Raiden ang ikukulong ninyo?"
Pero hindi nila pinapakinggan si Joanna na pinipigilan akong mahila ng pulis.
"Putang-ina, bitawan nyo yang anak ko." Sigaw ni mommy mula sa labas ng presinto.
"Agent Abby Fujihara." Nilabasan sila ng Knights of the Leaders chop ni mommy at nilagpasan ang Chief of Police.
"Binatawan mo yan." Nanlilisik ang mata niyang tinitigan ang mga pulis na may hawak sa akin.
"Sino ang inutil na magpapakulong dahil sa self defence? Gusto mong ipasipa kita sa pwesto mo, ha?" Sigaw ni mommy sa pulis na mayabang. Kasama niya pala si daddy, Tito Kyle at Tita Sam.

Kinasuhan namin si Jay bago natapos ang gabi. Mas lalo akong nayamot ng hindi na kumibo si Joanna pagkatapos noon. Madalinga raw na ng maipark ko ulit sa labas ng bahay nila ang kotse. Sarado na ang ilaw ng bahay.

"Pahinga ka na,"
"Okay. Ikaw din. Ingat ka sa pagmamaneho mo." She replied.
Pipigilan ko ba siya? Arrrggg pero madaling araw na.
"Bonsai, ano yung sasabihin mo dapat kanina?"
Nag-isip si Joanna ng bahagya bago umiling. "Ah, iyon. Oo nga, maikli ang buhay."
"Thank you for everything. Message mo ako pagdating mo sa bahay ninyo. May isa pa naman akong phone sa taas."
"Number mo, pancake?"
Naiiling si Joanna at sinabi ang number niya.
"Okay. Sleep well. I love you."
Napahinto siya sa pagbukas ng pintuan ng kotse at saka ako tinanguan.
"Hindi mo tatanungin ang number ko?"
Natatawa siyang umiling. Hinintay kong mahanap ni Joanna ang extra key niya sa ilalim ng paso at makapasok sa bahay bago ako nagmaneho papunta sa condo ko.

Mga fifteen minutes na akong nagmamaneho ng makareceive ako ng isang text message. Curiousity eats me kaya kahit nagmamaneho, binasa ko ang text. It says:

Love you too. Ingat ka.
-Joanna


Napapreno ako sa gitna ng highway. Nagbusinahan ang mga nasa likod ng kotse koat pinagmumura ako. Binasa ko ulit ang text. Putang-ina, kami na?

"Yessss..." I shouted and drive again with a goofy smile on my face.

--------
A/N
Sino kaya ang kausap ni Abby sa labas at bakit mukhang bad trip siya pagbalik niya? 

Under the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon