Chapter 20- Angel from Above

8.9K 381 32
                                    

Joanna

Grabe ang ganda ng Sagada. Ang hirap nga lang puntahan but the view... parang gusto ko na lang magpaiwan dito at iwan ang maingay na Maynila. Nagpark lang kami sa hotel na tinutuluyan namin at naglakad na lang papunta sa mga kainan. Makikipot lang ang daan sa Sagada at sa laki ng dalang sasakyan ni Raiden, baka masagi pa kami.

"Bakit ka nagyaya dito sa Sagada?"
Nagkibit siya ng balikat. Kumagat ng kinakaing lemon pie bago sumagot.
"Ilan kasi sa mga natitirang Pagan, makikita sa Mountain Province." Sagot niya.
"Totoo." I agreed.
"They are non-believers."

Ahh so ito na naman kami.

"Wrong... They are believers because they believe in their gods."
"They are non-believers of your God." Giit niya.
"Yes they aren't, but they are believers nevertheless."
"Hindi mo igigiit na mali sila?"
Umiling ako. "It's a matter of our personal beliefs. And one should respect the others belief. Walang pilitan ng paniniwala. Mas peaceful siguro ang mundo kung ganoon."
"So, you respect my belief?"

"What happened Raiden, why you stop believing?" I asked her instead.
"Nothing happened." Kaila niya.
"And why are you lying when I was being true to you?"
"Tangina, grabe kang mangonsensya." Naihilamos ni Raiden ang kamay sa mukha niya.

"Swear to your God that you will not tell a soul about what I am going to say to you."
"I promise." I replied. Sabi ko na, may reason siya.
"A few years back, my parents were attacked at our own house in Tokyo." Simula ng pagkukwento ni Raiden.
"Ate Sakura was with us at some mall when the Knights and Shadows called her. Ken and I were kept at a safe house while Ate Sakura went to our house to save them."
Tahimik akong naghintay sa kasunod na sasabihin niya.
"She is a Shadow... a member of an Elite Soldiers under UN so she was trained. But the feeling of not being there, not helping them still trapped with me. My mom is a Pillar of Knights of the Leaders..."

Napasinghap ako. Kaya pala ang astig ni Tita.
"Hindi namin alam ang motibo at that time. Kami lang ni Ken ang naiwan sa safe house. Nilock ni Ate ang pintuan at wala kaming magawa kung hindi ang maghintay. I was praying at that time... praying for my parent's safety. Praying for my sister's safety. Nang dumating ang mga back-up na Knights, doon lang namin nalaman na nabaril si mommy. Kung nalate si Ate Sakura ng dating, wala na si mommy ko."

Ngayon ko lang nakitang nawalan ng gana si Raiden kumain. Inusog na niya ang plate at hindi na inubos ang lemon pie.
"The worst is, my dad was kidnapped." Pagpapatuloy niya.
"Inuwi sa Pilipinas si mommy habang hinahanap ng mga Knights of the Leaders si daddy, at wala akong magawa. Walang nakinig sa dasal ko." Huminga ng malalim si Raiden.

"He answered your prayers... He sent the Knights to save your dad."
Natawa ng mapakla si Raiden. "He should not allowed that bastard to kidnap my dad. If he is a loving God, why there are criminals out here? If he is a loving God, why do we need to kneel when praying? Why? Why there are deaths? Why there are crimes? Why? Sagutin mo...why?"
"Because He gave us free will. God didn't create those that you've said. Mga tao ang may gawa noon. Death is natural as well as life. Death is not the end but a new beginning. The promise of eternal life will start from there."
Raiden snorted. "Ang lame ng explanation mo."
"Hindi ka naman kasi maniniwala kahit ano ang iexplain ko. Hindi ko gustong ipilit sayo ang faith ko. Gusto kong maexperience mo ang love ni Lord. Hindi ko nga pinilit ang sarili ko kay Jay, ipipilit ko pa ba sayo?"

"Ay wow... Bonsai, di hamak na mas matino ako doon kahit na taong simbahan pa siya." Giit ni Raiden.
Natatawa akong nagpatuloy sa pagkain. Kinuha ko ang lemon pie na tira niya. Sayang kasi.
"Hindi ko pa rin ipipilit ang sarili ko." I told him.
Masarap pala ang lemon pie. Napapangalahati ko na ang tira niyang pie ng kinuha ni Raiden ang plate.
"Hindi ito sayo." He murmured. Kinain niya na ulit ang pie. Pinanood ko na lang si Raiden na kumain.

Marami ang tourist ngayon sa Sagada. Siguro dahil sa ganda ng panahon. Hindi maaraw, hindi umuulan pero malamig ang hangin kahit tanghali. Natutulog si Raiden sa kwarto niya. Wala naman akong magawa at hindi ako makakatulog ng tanghali kaya lumabas ako ng hotel. Nagtanong kung saan ako pwedeng maglakad-lakad. Tinuro ako ng staff sa gawi ng Orange Orchard nila.

Tinanong ako minsan ni Raiden kung bakit kami naghiwalay ni Jay at totoong hindi siya ang pinanalangin ko. Hindi siya ang sagot sa mga dasal ko. I prayed for someone who is afraid to leave me. I prayed for someone who is willing to walk in the same path I am walking. I prayed for someone who will love me because I deserve it. I deserve to be treated like a woman of God should be treated. I am a princess and my Father is a King. I should be treated with respect and love... how Jesus on his church.

When Jay and his now wife are seeing each other, at first I didn't believe my SFC sisters. Akala ko malisyosa lang sila. I was so secured in our relationship because I thought the center of it is Jesus. We are both SFC, same community, same teachings... yun lang nagkaiba pala kami ng understanding sa teaching.

Nasaktan ako, oo. Umiyak din ako at nanghinayang. At hindi iisang beses kong narinig sa kanya ang mga salitang, IKAW KASI WALA KANG TIME SA AKIN. Pero sa kabila ng sakit ng damdamin ko noon, hindi pa rin ako bumigay sa tukso na minsan niyang inalok. Hindi ako magiging kabet. I deserve to be the priority. I deserve to be the legal wife because I am a daughter of a King.

I am a daughter of the Most High King.

I remember a framed saying that my mom gave me. It says:
No man can ever claim you unless he claims you from Me.
I reserved a man for you who has My heart and loves Me even more than he will love you.
Soon, you will know him. I have the perfect time.
You're my princess, my daughter.
Let no prince claim you unless he asks your from My hand for I AM your Father, the King of kings.
You, my princess, are worth loving and deserves a prince.

Kaya gaano ko man siya minahal noon, kung hindi siya ang pinanalangin ko, tinanggap ko ng buong-buo.

Natigil ako sa malalim kong pag-iisip ng marinig ko ang angil mula sa mga aso. At hindi lang basta aso, mga pitbull na aso. Napahakbang ako patalikod at umangil sila.

"Oh Lord, send me Your angel. Send me Your help." Usal ko.

Tatlong pitbull ang galit na galit na nasa harapan ko ngayon. Humakbang ang isa sa kanila at napapikit ako.
"Oh God, our loving Father, please help me. Send me your angel as I can't run away from these three creatures. Oh loving Father, give me Your help. Send me your servant to save me from death." Umusal ako ng panalangin ng paulit ulit. Hinihintay kong sakmalin ako ng tatlong aso.

"Hey, shuuu."
Napamulat ako ng may marinig akong boses.
"Hindi yan buto... Tao yan. Doon kayo. Shuuu..."

Si Raiden. Tumatakbo palapit si Raiden. Kumuha siya ng malilit na bato at binato ang tatlong aso.

"Ano ba Joanna, may aso na sa harapan mo, nagdadasal ka pa rin? Dapat, tumakabo ka. Minsan gumawa ka rin hindi yung puro ka dasal." Singhal ni Raiden sa akin.

I prayed for an angel, and He sent you to me.

"Nakikinig ka ba?" Sigaw niya ulit sa akin.
Tumingala ako para salubungin ang nakakunot niyang noo.
"I am listening, Raiden. Thank you."
He rolled his eyes. "Bilisan mo, may pupuntahan tayo."
Nauna siyang naglakad pabalik sa hotel na tinutuluyan namin.

Soon, you will know him. I have the perfect time.

Bakit parang paulit-ulit naman sa utak ko ang line na iyan?

Under the RainWhere stories live. Discover now