Chapter 49- Two Thumbs Up

9.4K 406 14
                                    

Raiden

Hindi masanay-sanay si Joanna sa mga pasiklab ko. Nakakatawa siyang i-surprise kaya parati ko ng ginagawa. Pinadalan ko siya ng boquet of roses sa office nila every hour. Pagdating ng after lunch, galit na galit na siyang tumawag sa akin dahil malaki pa daw sa kanya ang mga boquet. We end up donating some to the nearest parish.

Another one is the teddy bear. Malay ko bang malaki pa sa kanya ang naorder ko. Again, nainis na naman siya kasi akala niya pinagti-tripan ko siya. When I saw the teddy bear that afternoon, natawa rin ako. It's actually a six footer teddy bear, paano nga naman niyang maiuuwi?

From mobile phones to watches to jewelries, hindi ko mabigyan si Joanna ng hindi kami nagtatalo. Every fucking gift na lang na ibigay ko, parating may debate kung bakit kailangan nyang tanggapin. And that what I love her the most. She don't see me as a money machine. Gaya ng sabi ni mommy, meron syang values. Would you believe na hindi ko pa siya nahahalikan? Ha, ako rin, hindi ako makapaniwala. Tanginang self-control yan, minsan nakakfrustrate na rin but it's her values. Nahalikan ko naman na sa noo, sa ulo, sa kamay... hahaha manang na manang, but that what made her special.

Kasal ni Lego at Rose sa Batanes. Ewan ko ba bakit sa Batanes, parang ayaw nilang mag-imbita sa layo.
"Yung mga flower girls, nasaan na?" Aligaga na ang wedding coordinator ni Tita Yumi.
"Dom, Joanna, hinahanap na kayo. Nasaan si Mia? Kailangan na daw ang mga flower girls." Biro ni Kuya Carlos. Nanlaki ang butas ng ilong ni Mia.
"Wedding singers kami." Umismid pa si Mia bago hatakin si Joanna papunta sa Overdrive na siyang tutugtog.
"Teka, sa receprion pa kakanta si Joanna. Partner ko pa yan sa entourage." Habol ko sa kanya.
"Ay oo nga pala. Yung jowa mo, clingy." Baling nito kay Joanna.
Naiiling lang si Joanna na bumitaw kay Mia. Sinundan namin ng tingin si Mia na nagbobounce-bounce kakaiwas sa mga bata.
"Naglilihi kasi. Huwag mo ng asarin."
"Huwag naman sanang apat ang ipanganak nya ulit." Bulong ko na ikinatawa ni Joanna.
"Cute naman yung quads."
"Sutil." Bulong ko sa kanya.
"Parang kayo?"
"Malala pa sa amin."

Habang hinihntay namin si Rose, hindi naman mapakali si Lego.
"Burado na ang carpet kakabalik-balik mo." Pang-aasar ni Star sa kanya.
Mabuti kamo medyo sanay na si Joanna na inaakbayan ko. Hindi na siya masyadong naiilang. Konting practice pa matatanggap na niya na may boyfriend siya.
"Kinakabahan ako." Sabi ni Lego.
Inabutan ni Ken ng maliit na bote ng double black si Lego.
"Tang-ina, salamat." Sagot ni Lego.
"Language!" Sita ni Tita Bella sa amin.

"Baka maiyak ka, Lego." Biro ni Joanna.
"Malamang." Sagot ni Star.
"He didn't sleep kaya. He was texting Brix last night asking if everything's fine sa song line up. Like, what the heck, may buhay din kami. Nang-iistorbo sa gabi." Sabi ni Mitch.
"I swear, huling kasal ko na ito. After fifty years na ulit ang susunod." Lego said. Binalik kay Ken ang wala ng laman na maliit na bote.
"Silver anniversary pa. 25th year." Sabi ni Dom.
"Lalaktawan ko na iyon."
"Sus, knowing you, baka next year may renewal of vows kayo." Pang-aasar ni Star sa kapatid.
"Ayan na si Rose." I said at biglang nataranta si Lego na ikinatawa namin.
"Practice lang," Tumatawang sagot ko.
"Gago," Bumalik na naman sa paglakad-lakad si Lego."Kapag ikaw kinasal,"
"Iiyak din ako. Bakit?" Mayabang na tanong ko sa kanya.

"Aminado na agad." Tatawa-tawang biro ni Dom.
"Ginayuma ako ni Joanna eh,"
Nakareceive ako ng matalim na siko dahil sa biro na iyon.
"Ayaw akong pakawalan." Dagdag ko pa. Ops, another siko sa tagiliran. Masakit ha.
"Ikaw nga ang clingy." Puna ni Star.
"Eh di ako na. Nagmamahal eh. Ayyiiee,"
Namula si Joanna sa sinabi ko kaya niyakap ko ang pancake ko.
"Huwag mo akong yakapin. Nakakhiya ka." Pilit akong tinutulak ng maliit na ale. No way. Masanay ka sa PDA ko.
"So fluffy." I murmured habang inaamoy ang buhok niya. Nakakaadik.

"Baka si Raiden pa ang sumunod na ikasal, ah." Sabi ni Mitch.
"No way. Kami muna." Sagot ni Ken. Bumitaw ako kay Joanna na kulay kamatis na naman sa hiya at saka tumingin kay Ken.
"Huwag ka ng magtangka, nagpropose na ako." Tinaas ni Ken ang kamay ni Dom na may singsing.
Napawow kami. Mabilis din si Kenshin. Congratualtions are given to the newly engaged. Doon talaga ang tungo ng lahat.
"Ay, next year pa siya." Tukso ni Mitch sa akin.
"Unahan, Ken?" Biro ko sa kapatid ko nap ikon kapag kay Dominique ang usapan.
"Sumubukan mo, Raiden. Ipapatapon kita sa Kyoto branch." Sagot nito.


Habang kinakasal sila Lego at Rose, kay Joanna naman ako nakatingin. Umiiyak sila ni Dom habang tumatawa during the recital of vows. Nang mapatingin ako kay mommy, she was looking at me while looking at Joanna. She smiled at me and gave me a thumbs up. I gave her two thumbs up and a flying kiss. Next year, ako naman. Ihaharap ko sa altar ang babaeng ipinanalangin ko. 

Under the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon