Chapter 30- Letter B

8.9K 457 45
                                    

Joanna

"Ang ginaw,"
Nagchichill ako ng huminto ang ulan at umihip ang hangin.
"Giniginaw ka na? Gusto mo ng lumabas?"
"Tapusin natin." Pakiusap ko.

Tahimik lang si Raiden habang maingay ang paligid. Hindi siya nakikisayaw at nakikikanta pero nakikinig siya. And it's enough for me. Ang aminin nya lang na nagdadasal na siya, parang gusto kong tumalon kanina. Pero iba din sa pakiramdam na masabihan ng pinagdadasal kita. At dahil doon, hindi ko na kayang humarap sa vocation na minsan kong pinangarap.

"Ano ang nangyari kay Mitch?" Tanong ko ng malingon kay Michelle.
Pinagtatawanan siya pati ni Brix.
"Pangarap maging panda." Tumatawang sagot ni Raiden.
"Is it bad?" Michelle asked.
"Yup. Para kang sinuntok ni Brix." Sagot ni Blaze sa kanya.
"Why are you keep laughing at me? Isasauli kita sa mga kabanda mo." Banta ni Mitch sa asawa niya.
"Pahinging wet wipes."

Walang maroong wet wipes kaya mas lalo nilang pinagloko si Michelle. Mabuti na lang at patapos na ang concert.

Tawa kami nang tawa ng makita namin ang mukha ni Michelle sa liwanag.
"Itatapon ko ang mga lecheng eye liner na hindi waterproof," Naiinis na nagdadabog si Michelle habang naghahalungkat sa kotse nila.

"May damit ka bang extra?" Tanong ni Raiden ng nasa tapat na kami ng kotse niya.
"Wala."
Iniwan niya akong nakatayo sa tapat ng passenger side at binuksan ang compartment ng dala niyang sasakyan.
"Here, magsuot ka na lang ng jacket."
"Paano ka?"
"Sus, syempre may jacket din ako."
Panginoon ko, hanggang tuhod ko yata ang jacket na ito.
"Wow, nakatrench coat." Biro ni Raiden sa akin. Mukha na naman siyang fallen angel sa suot na itim na jacket.
"Che,"
Tinali ko na lang sa bewang ang jacket na mukhang trench coat sa akin. Bakit ba kasi ang tangkad niya?


Nagring ang phone ko sa bag na basa. Hala, buhay pa ang phone ko. Nadismaya ako ng makita ang number ni Jay.
"Sino yan?" Tanong ni Raiden sa akin.
"Si Jay," Nagkibit ako ng balikat.
"Bakit daw?"
"Malay ko, hindi ko pa nga sinasagot."

"Hello," Sinagot ko na ang nagwawala kong phone bago pa makasagot si Raiden.
"Nasaan ka?" Tanong ni Jay sa akin.
"Bakit mo tinatanong?"
"Ihahatid na kita." Sagot niya.
Napaikot ang mga mata ko ng hindi oras.
"Ihahatid ako ni Raiden." I replied.
Nagthumbs up si Raiden na nakasandal sa kotse niya.
"Bakit ba lagi mo siyang kasama?" Sigaw ni Jay sa kabilang line.
"Bakit ba? Gusto ko eh." Pilosopong sagot ko.

"Joanna,"
"Look Jay, may kilala akong Psychologist, baka kailangan mo ng magpaconsult." Sabat ko sa walang humpay na sasabihin niya.
"Hindi ko kailangan ng..."
Nawala sa kamay ko ang cellphone na hawak ko.
"Ano ang problema mo, dre?" Tanong ni Raiden kay Jay.
Inaagaw ko ang phone ko pero hindi ko maabot lalo na ng hawakan ako sa noo ni Raiden at ilayo sa kanya.

"Akin na yang phone ko," Hinampas ko ang kamay ni Raiden na nakahawak na sa mukha ko.
"Bakit ko lalayuan si Joanna? Tatay ka ba niya?" Tanong ulit ni Raiden.
"Balikan mo ang asawa mo, Jay." Sabi niya na nagpahinto sa akin sa pagkakasag.
"Huwag mong idamay si Joanna sa kalokohan mo. Ipapahunting kita kapag nasaktan ito."

Pinilit ko ulit tanggalin ang kamay ni Raiden and he let me go this time.
"Ay, hindi ako nananakot. Huwag mong sabihin na hindi kita binalaan."
Binalik ni Raiden sa akin ang phone. Pinatay ko na ang tawag kahit alam kong nasa kabilang line pa si Jay.
"Saan kumukuha ng kapal ng mukha yang ex mo?" Naiinis na tanong sa akin ni Raiden.
"Magkahiwalay si Jay at ang asawa niya?"
"Hindi mo alam?" Balik na tanong ni Raiden sa akin.
"Hindi. Bakit mo alam?"
"May nagchismis sa akin. Sumakay ka na." Sagot ni Raiden. Para siyang nawala sa mood na naman.

"Sa Mandaluyong mo na lang ako ihatid kung okay lang." I murmured.
"Bukas na lang kita ihahatid doon. Baka hanapin ka ni Dom. Saan ba kayo matutulog?"
"Hindi namin napag-usapan. Balak ko kasing umuwi sa bahay ngayon." Nahihiyang sagot ko.
"Saka bakit parang galit ka?"
"Hindi ako galit sayo." Nagsimulang magmaneho si Raiden palabas ng parking building.
Magtatanong sana ako ng may tinawagan siya.

"Hello," Bati ni Dom sa kabilang line.
"Saan kayo matutulog ni Joanna?"
"Sa bahay ko." Sagot ni Dominique.
"Pahiramin mo ng damit ha. Basang-basa sa ulan."
"Walang masisilungan, walang malalapitan." Kanta ni Dom na ikinatawa ko at ni Ken.
"Okay waley na naman ang joke ko. See you in a bit. Bye tampogi."

Ewan ko bakit benta sakin ang jokes na corny ni Dominique.
"Baliw 'tong Dominique na ito." Bulong ni Raiden.
"Saan ang lakad natin bukas?" He asked.
"Huh? Ako?"
"Tayong dalawa lang dito sa kotse. Malamang ikaw ang kausap ko."
"Bakit ang sungit? Sa bahay lang ako. Maglalaba ako bukas. May mission kami sa Monday."
"Saan ka na naman magdo-Dora?" Tanong niya.
"Sa Mindanao."
"Kailan ang balik mo?"
"Uhhmm, di ko pa sure. More or less mga 7 days kami doon." I replied.
"Mag-usap tayo pag-uwi mo." Seryosong sabi niya.
"Tungkol saan?"
"Pag-uwi mo na lang." Maikling sagot niya.


Hay, seven days or more pa. Hindi pa kasi sabihin ngayon.
"Raiden,"
"Pag-uwi mo, Joanna. Promise, huwag lang ngayon."
"Okay, fine. Pray for me ha."
"Always." He whispered.
Ano kaya ang sasabihin niya? Tungkol ba kay Jay? Daming alam ni Raiden na ito, may pasuspense pa. 

"Bonsai,"
"Hmm?" Humarap ako kay Raiden saktong nangiti siya.
"Kasama mo si Jay sa Mindanao?"
"Hindi." Maikling sagot ko.
"Good. Suot mo ito ha."
May inabot sa akin na isang kwintas si Raiden.
"Isuot mo iyan. Para alam ko kung nasaan ka. Huwag mong iwawala. Maliwanag?"
"Bukod sa pagiging bossy mo. Naintindihan ko naman ang sinabi mo. Pero para saan ito?" Pangungulit ko.
"Hindi ka nakikinig. Sabi ko di ba para alam ko kung nasaan ka!" Sagot niya.

Tiningnan ko ang pendant. Letter B.
"Kanino necklace ito? Bakit letter B?"
"Bonsai." He replied.
"Bwisit ka talaga eh," Natatawa akong isinuot ang kwintas. 
"Isuot mo iyan para sa ikakatahimik ko." Paalala ni Raiden. 

Under the RainWhere stories live. Discover now