Chapter 9- Joke Lang

8K 365 12
                                    

Raiden

Ang sabi ng mga kaibigan ko, magkita na lang dawsa Downtown. Kaya doon ako dumeretso kasama si Joanna na mukha pa ringmalungkot.

Pagpasok namin sa gate ng Country Club, inapakan ko ang gas at binilisan ko angpagmamaneho. Napakapit si Joanna sa dashboard at nagsimula na naman magdasal. Grabeang babae na ito, pwede ng maging santo.

Hinihingal si Joanna na akala mo tumakbo ng marathon ng maipark ko na ang kotsesa parking ng Downtown.
"Papatayin mo ako sa kaba." Sabi niya sa akin.
"At least hindi ka na malungkot."
"Pambihira ka." Reklamo ni Joanna. Inayos ang nagulo niya lalong buhok bagobumaba ng kotse ko.

"Hi Raiden," Bati ng ilang babae sa akin.
"Hello ladies."
"Girlfriend mo?" Nakataas ang isang kilay na tanong ng isa.
"Hindi ah. Napag-utusan lang na samahan. Tropa lang."
"Yeah, I guess. She's beyond your type." Sabi nito bago ako kinindatan.

Nilagpasan namin ni Joanna ang kumpol ng mga ito.
"Gago yun ah." Bulong ko. Bastos din. Naririnig ni Joanna kung makacomment akalamo maganda.
"Hindi ka kumikibo d'yan. Narinig mo na ang sinabi."
"Ano naman ang sasbaihin ko eh hindi mo naman talaga ako girlfriend?"
"Hindi ka man lang naoffend?" Nagtatakang tanong ko.
"Na hindi mo ako type? Bakit naman ako maooffend?"
Well, nakakaoffend yun kapag sinabing hindi kita type... ibig sabihin pangit ka.

"Isang malaking honor na mapagkamalang girlfriend ko. Maraming babae angnangangarap niyan."
Joanna snorted. "In that case, ialis mo ako sa listahan."
Wew... ganda mo teh. Nakakadent ka ng ego.
"Hindi ako ganoon kababaw." Dagdag niya pa.
Wow talaga.

"Kaya ka walang boyfriend..."
"Meron naman. Dati." Sagot niya agad.
Really? "Anyare?"
"Nagbreak." Simpleng sagot niya.
"Bakit?" Usisa ko.
"Hindi nagwork out."
"Bakit?" Tanong ko ulit.
"Hindi siya ang lalaking pinanalangin ko." Sagot ni Joanna.
Uh-huh! So babalik na naman tayo sa Jesus mo at magmumukha na naman akongmasamang tao. Change topic na nga.

"Raiden," Biglang may yumakap sa akin sa gitna ng Downtown at ang sumunod nanamalayan ko ay may humahalik na sa akin.
"Mauna na ako." Narinig kong paalam ni Joanna sa tabi ko.
Tangina kapag nakita ako ni mommy, lagot na naman ako.
"Honey, teka lang." Inilayo ko ng bahagya si Ava. "Nasa daan tayo."
"I don't care. Sino yung kasama mo?"

Luminga ako sa paligid, wala na si Joanna.
"Tropa namin. Sige kita na lang ulit tayo. Hinahanap na ako ni Ken." Katwiranko.
"Walang tao sa bahay mamayang gabi. If you know what I mean." Bulong niya saakin.
Naramdaman kong tumatayo ang balahibo ko sa batok. Abort na Raiden, nakatitigna si mommy.
"I'll see what I can do." I replied.

Nasaan si mommy, bakit nararamdaman ko siya? Luminga na naman ako sa paligidpero hindi ko makita si mommy. Grabe ang espiya na ito, ayaw akong tantanan. WhyI can't have the time of my life, mother?

Natagpuan ko ang tropa ko kasama si Brix at Blaze sa isang coffee shop. Nakauposila doon at nagkakaingay sa tawanan.
"Oh, akala namin hindi ka na susunod." Sabi ni Ken.
"Nararamdaman ko si mommy na nakamasid." I replied na ikinatawa ni Kenshin.
"Tigilan mo kasi si Ava. Ayaw nga ni mommy doon." Ken pointed out.

"Ikaw kasi, bakit mo ako iniwan?" Baling ko kay Joanna na nanahimik.
"Naghahalikan na kayo sa daan, lagay panoorin ko kayo."
"Hindi mo ako hinintay!. Pagkatapos kitang bigyan ng tissue."
Napamaang sa akin si Joanna. "Sinusumbat mo sa akin ang tissue?"
Natatawa sila Lego, kabisa kasi nila ang ugali ko. Itong si Joanna, lahatginagawang serious.
"Hindi ka ba marunong magjoke? Taena na naman. Makiramdam ka ng joke, Dora."
Nagtawanan sila maliban kay Joanna.
"Dora ka ng Dora sa akin. Ano ba ang pangalan ng unggoy na laging kasama niDora?" Tanong ni Joanna na walang ngiti.
"Raiden." Sagot ni Lego.

Doon ko nakitang tumawa si Joanna. Marunong pa lang tumawa.
"Masaya ka nyan? Kapag ako ang niloloko masaya?" Biro ko sa kanya. "Feelingclose ka ah. Close tayo?"
Biglang nawala ang ngiti ni Joanna.
"Tangina, ang hirap mong biruin. Joke lang yun." I told her.
Nagtawanan kami habang namumula si Joanna. Daig pa nito ang damong makahiya.

Under the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon