☀️4

1.5K 40 3
                                    

☀️Justin's POV☀️

"Guys galingan naten ha, ibuhos nyo na lahat ng energy and emotions nyo sa performance natin tonight" sabi ni Sejun.

"Fighting!" sagot naman ng lahat ng members.

Naimbitahan kaming mag gig ngayong gabi sa isang restobar.

Di pa kami officially naipapakilala as isang grupo pero tinanggap ng company ang imbitasyon since magandang learning experience din to.

"ang next performers natin tonight ay mga nag gagwapuhang boys from Show BT!" pagpapakilala ng host.

Umakyat na kami sa stage at pumwesto. Lima nga pala kami sa grupo.

Acoustic ang performance namin ngayon. May hawak na gitara si Sejun, tambourine kay Josh at beat box naman sakin.

Si Ken and Stell mainly ang kakanta tonight pero lahat naman kami may part.

Puro covers lang ang kakantahin namin ngaung gabi. Tatlong songs ang kakantahin namin.

Though marami ng nacompose na kanta ang leader namin na si Sejun, di pa naman pwedeng gamitin ang mga yun.

Habang nasa kalagitnaan na kami ng last song namin, may nakita akong pamilyar na mukha.

Si meow meow, wala yun na talaga ang tawag ko sa kanya ang cute eh.

Seryoso yung mukha nya and nakatitig sya sa may bandang counter.

Inoobserbahan ko lang sya habang kumakanta.

Then lumapit sya sa counter. Kinausap nya yung may ari, si Sir Julio.

Natapos na yung performance namin at nagpasalamat na kami sa mga manonood.

Tumakbo agad ako kay meow meow para tanungin kung napanood nya ba kami.

Nawala yung ngiti ko nung nakita ko syang umiiyak.

Umalis na si Sir Julio pero ilang saglit lang sumunod si meow meow sa kanya at kinausap ulit.

"Hindi ikaw ang unang anak na nagpakilala sakin, marami kayo okay" sabi nya sabay tawa.

"Swerte lang ng mga nanay nyo at napili ko silang bigyan ng mga anak na kasing ganda mo" dagdag nya pa.

Hindi na umiimik si meow meow, iyak na lang sya ng iyak.

"Ikaw nga kundi lang kita anak baka sinwerte ka rin ngayong gabi" sabi nya at tumawa ulit.

Tinakpan ko yung tenga ni meow bago pa matapos ni Sir Julio yung sinasabi nya.

Tiningnan ko lang sya ng masama.

"Mawalang galang na po, kung di nyo sya kayang tanggapin bilang anak nyo, irespeto nyo na lang sya bilang tao" sabi ko sa kanya.

"Girlfriend mo? Ganda, salamat sakin"  

Ramdam kong namumula na ko sa galit. Gusto ko na syang suntukin pero tatay pa rin sya ni meow at kailangan ko pa ring rumespeto kahit di nya deserve.

"nagbibiro lang naman ako Justin...oy Josh kapatid mo daw, err ano nga pangalan nya?" ni hindi nya natandaan pangalan ni meow.

Ngumisi sya at umalis na.

Ang sama din ng tingin ni Josh sa kanya at halatang nagpipigil na sumabog.

Iniharap ko na si meow sakin at niyakap habang iyak lang sya ng iyak.

Grabe, parang dinudurog yung puso ko habang naririnig kong halos nahihirapan na sya sa paghinga.

Matagal kaming nagstay sa ganong posisyon hanggang sa inaya na kami ni Sejun papunta sa Van.

Parang wala sa sarili si meow. Sinubukan namin syang kausapin pero tulo lang ng tulo luha nya.

Narinig ko lang na binanggit nya pangalan ko kanina tapos wala na.

Nakaupo na kami sa Van.

"Josh, kapatid mo talaga sya?" tanong ni Ken.

"Sabi ni Dad, saka di na kailangan ng DNA kamukhang kamukha ko oh" sagot ni Josh.

"Oo nga, pero maganda sya" sabat ni Stell.

"May gusto ka bang sabihin?" paghahamon ni Josh.

Yakap yakap ko pa din si meow hanggang sa Van. Basang basa na ko ng luha sa totoo lang pero gusto kong maramdaman nyang di sya nag iisa.

"Ano nga palang pangalan nya Jah" tanong ni Josh.

"Catarina...Catarina Santos" sagot ko naman.

"Sya nga si katkat di ako nagkakamali"

"ha? kilala mo na sya dati pa?"

"matagal na yun, baby pa sya, 4 years old sya at 7 naman ako nung huli ko syang nakita, in good terms naman kasi mga mommy namin noon"

"ilan ba kayo?" tanong ni Stell.

"Di ko alam" sabi ni Josh sabay buntong hininga.

Di talaga namin alam gagawin namin kay meow kaya dinala na lang muna namin sya sa studio.

Pinayagan sya magstay buti na lang kapatid sya ni Josh.

Dati ko nang napapansin na magkamukha sila pero pinagkibit balikat ko na lang.

Sabi kase nila may pitong kamukha daw bawat tao sa mundo na di naman nila kaano ano.

Dinala ko muna si meow meow sa rooftop ng building namin. Mahilig kasi ata saya sa rooftop, lagi syang nasa rooftop ng school namin.

"meow meow inom ka muna tubig baka madehydrate ka na nyan"

Nakatulala lang sya, nag aalala na ko kaya hinawakan ko na yung magkabilang pisnge nya saka ko sya kinausap.

"meow, nag aalala na ko sayo, mag salita ka naman please" pakiusap ko habang nakatitig sa mga mata nya.

Umiyak ulit sya.

"J...Justin" halos wala na syang boses.

Nakatingin na sya sa mata ko sa wakas pero nakakadurog ng puso na kitang kita ko lalo na nagsusuffer sya inside.

🌜🐕🐈tobe continued🐈🐕🌜



SB19 Justin - Mr SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon