🌜35

801 27 9
                                    

🌜Cat's POV🌜

Nakabalik na kami ng manila. May pasok na ulit ako next week kaya di na ko pwedeng magstay sa Cavite.

Sa totoo lang natatakot akong pumasok, baka may nag aabang din sakin dun.

May ilan pa rin daw na pumupunta sa subdivision namin para mag abang sakin kaya di ako pinayagan ni kuya na umuwi.

Dito na ko nagstay sa condo ni kuya Josh. Alam naman na magkapatid kami kaya wala ng issue yun.

"Feel at home, kahit wag ka na umalis. Dito ka na lang, lagi namang walang tao dito. Di ko alam kung bat binili ko pa to, sa studio naman kami madalas matulog hahaha" sabi ni kuya Josh.

"Salamat kuya, ang ganda naman ng bahay mo"

"Syempre naman...charot"

***After a few days***

Nakabalik na ko sa work ko sa ShowBT.

Nagreready kami ngayon para sa interview ni Jah at Stacey.

Sinama ko para mag asikaso kay Jah. Para ipakita din daw na di kami guilty or what.

Maganda din daw na way to para masanay yung mga tao na makita ako with Jah and SB19.

Kasama din namin si Ken. Wala naman syang sched ngayon.

Pinasama sya ni kuya Josh para bantayan ako. Gusto sana ni kuya na sya ang sasama kaso may shoot sya ngayon.

"Ikaw...girl...pahingi naman ng water...thanks" utos ni Stacey sakin.

Medyo uneasy yung itsura ni Jah na nakita nyang inutusan ako ng bruhang to.

"ah...cge po wait" sagot ko.

"Ako na" sabi ni Ken sabay tayo para kumuha ng bottled water.

Tumango si Jah kay Ken na parang nagpapasalamat.

Inabot nya sakin yung tubig para ibigay kay Stacey.

"Ummm...I don't drink na walang straw eh, saka yung lipstick ko kasi..."

Kumuha si Ken ng plastic na straw at inabot kay Stacey. Tinganggap naman nya at inilagay na sa bote.

Iinom na sana sya kaso biglang nagsalita si Ken.

"Asan na yung straw mo na bakal? Di ba sabi mo lagi mong dala yun...save the turtles? Bat gagamit ka nyang plastic na straw? Lipstick o turtles?"

Natigilan si Stacey. Awkward.

"Plastic bottle din yang iinuman mo. Asan na yung sabi mong tumbler at jug na lagi mong dala para di ka gagamit ng disposable at one time use plastics?" dagdag ni Ken sabay smirk.

Ken is referring sa mga past interviews ni Stacey.

Di na sya nakasagot, stand-by na daw mag sa-start na yung interview.

Ang daming tanong, ang corny ng iba halatang pakilig sa fans.

Dapat di ako naiinis kasi trabaho lang naman to ni Jah, kaso alam ko na kasi tunay na kulay ni Stacey kaya nakakabadtrip.

Si Ken, halatang badtrip din sa kanya. Di naman magseset ng trap si Ken kanina gamit yung bottled water at straw kung hindi.

"So JustStay, ano na ba talagang meron sa inyo? Naging mainit ang issue about Justin and Josh's sister the past weeks. Ano ba ang totoo? Is she the girlfriend? Is it you? Please enlighten us, what's the real story?" tanong ni Tita Girl.

Wow, walang preno ha.

Kung may audience dito malamang madami nanamang naghihiyawan.

Nasa resort kami, special episode daw ng Today with Tita Girl kaya dito dinala yung mga guest.

Pero live daw to.

Sumagot si Stacey na patingin tingin sakin.

"Ummm...the truth is...sinabi ko naman po na we have something special ni Justin. Aminado naman po kami jan. Now to make things clear..." tumawa sya and pinutol yung sasabihin nya para siguro suspense.

Nakangiti lang si Jah. Si Ken nakatayo sa tabi ko.

"Yes? Wag mo na kaming bitinin Stays hahaha" sabi ni Tita Girl.

"Yes...we're officially dating, we're a couple...so lahat ng about dun sa girl sa picture, it's not true. Parang sister lang sya ni Justin kasi nga sister sya ni Josh" sabi ni Stacey.

Napatingin si Justin sa kanya. Hinawakan nya yung kamay ni Jah.

Nagulat si Tita Girl at kinilig.

Napatingin sakin si Ken. Chinicheck ata kung okay ako.

"OMG, and tayo dito sa Today with Tita Girl ang unang nakaalam! Thank you JustStay for choosing to reveal that on our show hahaha so you knew Josh's sister dati pa?" dagdag na tanong ni Tita Girl.

"Yes, I know her. Nakikita ko sya pag bumibisita ako kay Justin sa Studio nila. She's close with all the members and she works there too kasi" sagot ni Stacey.

Parang may gustong sabihin si Justin.

"Aah...wait lang po" sabi ni Jah.

"Why Justin? Namumula ka hahaha. Pero gusto ko lang makasigurong totoo to ha, baka naman sinasabi nyo lang na kayo ha pero showbiz lang wag ganun hahaha" pang aasar ni Tita Girl.

"Yes, it's true di ba pumpkin?" sabi ni Stacey tapos kiniss nya si Jah sa lips!

Di pa sila nagkikiss on-screen. Bat nya hinalikan si Jah?!

Nasa agreement din na bawal halikan si Jah on-screen for the sake of A'TINs.

Parang gusto kong manabunot. Parang gusto kong maglampaso bigla.

Tinakpan ni Ken yung mata ko. Habang nakafocus lahat kina Justin pasimple nya kong inilayo.

Nagsimula nang tumulo yung luha ko.

Di naman yun totoo Jah di ba?

Pero kahit di naman siguro yun totoo ang sakit sa tenga nung narinig ko.

Ang sakit sa mata nung nakita ko.

Sobrang sakit sa puso ng nararamdaman ko.

Hinatid na ko ni Ken pauwi.

"Yare kami kay Josh neto, yare din sa mga boss, pahamak naman yung babaeng yun" nag aalalang sabi ni Ken.

Di na ko umiiyak pero namamaga mga mata ko and nakatulala na lang ako. Ayoko mag isip.

Gusto kong matulog ng matagal sana pag gising ko wala na yung sakit na nararamdaman ko...

🌜🐕🐈to be continued🐈🐕🌜

SB19 Justin - Mr SunshineWhere stories live. Discover now