☀️22

896 33 3
                                    

☀️Justin's POV☀️

Wala kaming sched today, chance ko na to para makabawi kay meow.

Binilhan ko sya ng malaking teddy bear. Marami na syang stuffed toys, mahilig kasi sya dun, pero wala syang kasing laki ng binili ko.

Iniwan ko muna sa labas yung bear. Pinaupo ko dun sa may bench.

Sobrang excited ako, makakasama ko si meow buong araw he he.

Sinigurado kong walang iistorbo samin ngayon at wala talaga akong sched.

"What's up! What's up!" pumasok na ko sa bahay nya.

Nasa sofa si meow, iyak ng iyak na halos di na makahinga.

Nilapitan ko agad sya para i-check kung okay lang sya.

Last time na nakita ko syang umiyak ng ganto eh yung dahil sa daddy nya.

Yung movie ko lang naman pala iniiyakan nya.

Ganun ba ka-effective yung acting ko?

Parang may mali. Hindi dapat ganto yung iyak ni meow ng dahil lang sa movie.

Di nya ko sinasagot sa tanong ko kung anong nangyayare sa kanya.

Tapos tinuro nya yung tv.

"Roof...*hik*...top...*hik*...ko...*hik*...yun!"

Di ko alam kung maaawa ako o makukyutan sa kanya.

Gusto ko syang yakapin ng mahigpit.

"Ha?...ay...oo"

Binato nya ko ng unan.

Sumang-ayon lang naman ako ah.

Kung hindi ako hinahampas, binabato ako ng unan.

Di na sya makapagsalita kaya nagtype na lang sya sa phone nya.

Base sa mga sinasabi nya...bat parang nagseselos sya?

Eto na naman si meow. Tumatakas pag may problema kami.

This time di na ko papayag.

Tumakbo sya paakyat sa kwarto nya. Syempre hinabol ko.

Buti naabutan ko bago nya masara yung pinto.

Umiiyak pa din sya.

Lalo syang umiyak nung seryoso ko syang tinanong kung nagseselos sya.

Hinawakan ko yung baba nya at inangat para magtama yung tingin namin.

Kitang kitang oo yung sagot nya sa tanong ko.

Napangiti ako kasi parang nagkaroon ako ng pag asa na gusto rin ako ni meow.

Napangiti ako kasi ang cute nya.

Patawarin ako ni Josh pero parang gusto kong i-kiss si meow.

Gusto ko syang i-assure na wala naman dapat syang ipagselos kasi sya yung mahal ko.

"OO NAGSESELOS AKO! NASASAKTAN AKO! NA-BOOST KO BA CONFIDENCE MO JAH? MASARAP BA SA PAKI..."

Naaawa ako na nakokonsensya na naku-cute-an sa kanya.

Di ko na napigilan sarili ko, hinalikan ko na si meow.

Di sya sumasagot sa halik ko pero di din naman sya nagreklamo.

Parang di na sya humihinga kaya tumigil na ko.

Tinitigan ko ng matagal yung mukha nya.

Kumalma na sya pero mukhang na shock.

Ang cute nya laloooo di ko mapigilan yung ngiti ko.

"katkat?!" tumatawag si Josh mula sa baba.

Patay!

Sabay nanlaki mata namin ni meow.

Tinulak nya ko. Napalakas ata natumba ko and nauntog sa may pintuan.

Dali dali naman syang lumapit sakin para magsorry.

Pabulong lang kami pareho magsalita.

"sorry Jah, magtago ka muna"

"katkat? natutulog ka ba?" tawag ulit no Josh, mukhang nasa 2nd floor na sya.

Tinulak na ko ni meow papasok sa closet nya.

Bago nya isara hinila ko muna sya and nagnakaw ng isa pang kiss hehehe.

Medyo natulala sya tapos hinampas yung braso ko.

Kumatok na si Josh sa pinto.

"bibigurl? anjan ka ba?"

"opo, sorry nakaidlip kasi ako" sabi ni meow habang binubuksan yung pinto.

"ah...sorry naistorbo kita...dumaan lang ako para ibigay sayo to"

"ano to kuya?"

"buksan mo...♩♪papasukin ako♪♩ charot"

"music box? hala ang cuuuute" halatang halata yung saya sa boses ni meow.

"mahilig ka jan di ba? nakita ko kahapon sa mall naisip agad kita kaya binili ko na"

"thank you kuya!"

"sige idinaan ko lang talaga yan, kailangan ko na rin umalis sorry, may aasikasuhin pa kasi ako, bawi ako sayo next time promise"

"okay lang kuya salamat ulit, ingat ka"

"sige na tulog ka na ulit wag mo na kong ihatid" sabi ni Josh at hinalikan sa ulo si meow.

"sige po"

"teka, bat parang naaamoy ko si Jah? Pareho ba kayo ng pabango?"

Patay...

"Ah...hiningi ko kasi yung pabango nya dati, nagustuhan ko kasi yung amoy"

"ah...sige kat, alis na ko, ba-bye, wag papagutom ha"

"opo kuya"

Pinalabas na ko ni meow nung siguradong wala na si Josh.

Medyo awkward, tinablan na ko ng hiya hahaha.

Inaya ko na sya pababa para ipakilala dun sa dala kong teddy bear.

Tuwang tuwa naman sya, niyakap nya agad.

Di ko na sya makita nung binuhat nya, natabunan na sya nung bear, ang cute hahaha.

Inaya ko syang magpunta sa rooftop.

Yun naman talaga yung plano ko today.

Gusto ko syang dalhin dun kasi naudlot yung usapan namin dati.

May dala kong sapin para makaupo kami.

Nagdala na din ako ng makakain at maiinom namin.

Paulit ulit na nagrereplay sa isip ko yung kiss namin kanina.

Di na nawala yung ngiti ko dahil dun.

🌜🐕🐈to be continued🐈🐕🌜

SB19 Justin - Mr SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon