☀️6

1.2K 40 12
                                    

☀Justin's POV☀️

Sa wakas tumigil na sa pag iyak si meow.

Kahit nakadami ako ng yakap ngayong gabi ayoko namang nakikita syang malungkot at nahihirapan.

May gusto ba ko sa kanya? Sa totoo lang di ako sure.

Masaya ko pag kasama ko sya, tapos malungkot ako pag malungkot sya.

Kaso ganto din ako sa members ko eh pero wala naman akong crush sa kanila.

Parang kapatid ko na din kasi si meow.

Bumaba na kami sa studio para makapagpahinga na kami pareho.

Pinakilala ko sya sa mga kagrupo ko.
Huli kong pinakilala si Josh.

"Hi katkat" malambing na bati ni Josh.

Nakatingin lang si meow sa kanya.

"Grabe ang laki mo na pero nakikita ko pa rin yung 4 years old na katkat sayo." dagdag ni Josh.

"sana all lumake" sabi ni Stell.

Binato sya ng unan ni Josh. Natawa naman kaming lahat. Mas nakakangiti na din ngayon si meow.

"Ummm...nagkita na tayo dati?" tanong ni meow kay Josh habang inaayos ko ang hihigaan naming dalawa.

"Oo pero mga bata pa tayo nun kaya di mo natatandaan, 4 ka lang kasi nung huli tayong nagkita." sagot ni Josh.

"Bat di na tayo nagkita ulit? Di ko alam na may kapatid ako."

"Nag abroad na kasi si mama nun tapos ako dinala sa Cavite, saka ang alam ko gusto na makalimutan ni tita Katherine lahat kaya lumayo kayo."

"Di man lang nabanggit ni mommy na may kapatid ako tapos kilala nya, naiintindihan ko na ngayon kung bakit wala syang binabanggit about kay Dad pero sana sinabi nya yung about sayo."

"Intindihin na lang natin si tita, masyadong masakit sa kanya yung nakaraan, huli na kasi nung malaman nya na madami pala tayo, saka pinakasalan sya ni Dad pero fake yung contract."

Nalungkot nanaman si meow. Pinapwesto ko na sya sa inayos kong hihigaan nya sa tabi ko.

Tumayo si Josh tapos sinipa yung ginawa kong higaan para sa sarili ko sabay inilagay yung higaan nya.

"Hoy!" sita ko kay Josh.

"Anong hoy? Walang pag galang?" tanong ni Josh.

"Hoy po...bat mo sinira higaan ko?

"Di ko sinira inusog ko lang"

"Wasak wasak na oh"

"Ganyan din naman magiging itsura nyan bukas pag gising mo wag kang magpanggap"

"Tabi nga kami ni meow eh"

"Tingin mo papayag akong tumabi ka sa kapatid ko? Wala ka ngang pag galang saken"

"Kuuyaa Joosh" nagpacute ako baka sakaling tumalab.

"kUuYAa jOoSh" pang aasar nya.

Wala di umepek, naglupasay na lang ako sa higaan kong lalong nagulo.

"Sige na katkat magpahinga ka na maaga tayong gigising bukas, magpapractice pa kasi kami" malambing na sabi ni Josh.

Ang bait nya palang kuya, pero kay meow meow lang, di naman sya ganyan samin eh.

Bumangon ako para makita si meow.

"Goodnight meow meow"

Bumangon din si Josh.

"Goodnight Jah"

At naglupasay ulit ako.

"Goodnight po sa inyong lahat, salamat sa pagpapatuloy sakin dito" sabi ni meow.

"Goodnight Cat" sagot nilang lahat.

Di pumayag si Josh na patayin yung ilaw kasi may kasama kaming babae.

Tapos nakayakap sya sakin habang natutulog para daw siguradong di ako lilipat sa tabi ni meow.

Pinipilit kong iangat ulo ko para makita si meow, ang hirap, ano ba naman kasi to si Josh.

Nakaharap si meow samin, ang cute nya matulog hehe.

Gumaan na pakiramdam ko nung nakita kong mahimbing naman tulog nya.

Pinakain namin sya ng cup noodles kanina bago matulog. Yun lang meron kami eh buti na lang kinain nya.

***Kinabukasan***

"Guys gising na" ginising kami isa isa ni Sejun.

"hmmmmmm" angal ni Ken.

"Kayo na gumising kay Cat" utos ni Sejun samin ni Josh.

Medyo wala pa sa mundo si Josh. Nakaupo lang sya pero nakapikit, di maintindihan yung mukha haha.

Nilapitan ko si meow para gisingin.

"Meow meow gising na" sabi ko habang inuuga sya.

Dahan dahan syang umupo, nakapikit din, di maintindihan yung mukha pero mas cute na version. Magkapatid nga hahaha.

Binuka ko yung isa nyang mata. Ang cute nya pa din haha.

"Hello? Earth to meow...gising na"

Hinawakan nya lang yung kamay ko tapos binaba pero di sya bumitaw.

Binuksan ko din yung kabila nyang mata gamit yung isa ko pang kamay.

Binaba nya lang din.

Hawak na nya dalawang kamay ko.

Napatitig na lang ako sa kanya, di ko napansin nakangiti na pala ko.

Biglang sumulpot si Josh, pinaghiwalay yung kabilang kamay namin at hinawakan, nakabilog na kami.

"Jah...wag mong chinachansingan kapatid ko" sabi nya pero nakapikit pa din, medyo paos.

"Hoy ano bang ginagawa nyo nagtatawag ba kayo ng multo? Ang aga aga ha, kumilos na kayo magpapraktis pa tayo" saway ni Sejun.

Binato ni Sejun ng unan si Ken na di pa rin bumabangon bago pumunta ng CR.

Si Stell nakapaghilamos na.

"Guys fried chicken daw almusal" sabi ni Stell.

Biglang bumangon si Ken.

"Hoy magsikilos na nga kayo!" sabi ni Ken habang kinukusot mata nya.

"Mukha kang manok Ken" sabi ko kay Ken.

🌜🐕🐈to be continued🐈🐕🌜


SB19 Justin - Mr SunshineOù les histoires vivent. Découvrez maintenant