🌜53

860 31 3
                                    

🌜Cat's POV🌜

While studying nagtrain ako secretly sa company. Matagal na nila kong kinukulit sa totoo lang pero ayoko talaga dati.

Pero after ng lahat ng nangyari, gusto kong subukan to.

Nagulat ako sa mga nadiscover ko sa sarili ko throughout the training.

Kaya ko palang sumayaw.

Kaya pa palang maimprove boses ko.

Kaya ko pala magrap and na-enhance nila ng sobra yung talent kong yun.

Sa extension building ako nagtraining. Si kuya Josh isa sa trainers ko.

Mga staff lang sa extension ang nakakaalam about sakin.

Then ipinakilala lang ako sa apat na members ng PHoenix nung sure na kami na ang kukunin.

Alam kasi ng management na hindi matatahimik si Jah pag nalaman nya kung nasaan ako.

Napanood ko yung video ni Jah na umiiyak in public, yung akala nya ako yung nakita nya.

Awang awa ako sa kanya nun. Gusto ko na syang puntahan pero kailangan kong pigilan sarili ko.

Mahal na mahal ko pa rin si Justin but I have to do this for all of us.

Nung sinimulan ko to wala talagang kasiguraduhan pero thankfully nakapag-debut ako.

Makakabalik na din ako finally sa bahay ko. Di ko na kailangang magtago.

As expected pinuntahan ako ni Jah kanina, may dala pang bulaklak.

I missed this guy so much pero kailangan kong tiisin.

Kinausap ko sya para tigilan nya muna ko but knowing Justin, hindi sya titigil.

I have to admit I'm happy that I'll be seeing him often now.

Pero career muna. Hindi na lang sarili ko ang inaalala ko ngayon. May PHoenix na kong kailangang alagaan.

***After a few weeks***

Naging mainit yung pag tanggap ng mga tao samin.

Inulan kami ng support pati na din offers.

Naging sobrang busy na din yung sched na nararanasan na din namin matulog sa office.

Nakakapagod pero masaya.

Ang dami ko na ring fans, ang daming fan boys, ang kukulit nila nakakatuwa.

May mall show kami bukas sa Iloilo kaya sa studio na kami matutulog. Kumuha lang ako ng gamit sa bahay.

Naalala ko tuloy nung natulog ako sa studio dati nila kuya nung nag iiyak ako dahil kay daddy noon.

Grabe ang dami ng nangyare.

Naghihintay na ko ng elevator sa parking lot.

Nung bumukas nakita ko si Jah.

Bigla syang ngumiti, yung gummy smile nya aaarrghh.

"Hi baby, tulungan na kita jan" sabi nya sabay kuha sa gamit ko.

"Ah...ako na..." wala nakuha nya na eh.

Ngiting ngiti lang sya habang magkatabi kami sa elevator.

Napayuko na lang ako at sekretong ngumiti.

Pinipilit kong ipakita sa kanya na normal lang ako, cold and civil lang ganun.

Ayoko kasi syang bigyan ng parang go signal para i-pursue ulit ako.

Sabi ko nga gusto ko muna magfocus sa career.

Gusto ko munang ma-establish yung sarili ko as an artist and a performer.

I want to gain people's respect muna, sa akin and sa craft ko.

Biglang yumanig, namatay yung ilaw. Napaupo ako.

"Babe!" tawag ni Justin.

Tumunog yung alarm.

Niyakap ako ni Jah.

"It's ok baby" sabi nya.

Tumigil na yung lindol after ilang minutes pero patay pa din yung ilaw.

"Tulong! Tulungan nyo kami!" sigaw ko.

Konti na lang tao sa building kasi gabi na. Konting staff na lang ang nandito. Yung mga kasama lang namin bukas.

Malamang bumaba sila nung lumindol.

Kinuha ko yung phone ko. Kaso naalala ko walang signal dito sa elevator aaargh.

"Jah wala akong signal"

"Wala din sakin eh"

Tumawag na lang ulit kami ng tulong.

Ilang minuto din naming sinubukan pero wala talagang nakarinig samin.

Binuksan namin flashlights ng phones namin then nilapag sa sahig para may ilaw kami.

"Meow...sorry" sabi ni Jah.

"Saan? Di mo naman kasalanan to"

"Sa lahat ng gulo saka sakit na dinala ko sayo, I'm really sorry"

Nakatitig sya sa mga mata ko, kitang kita yung lungkot sa mga mata nya.

"Tapos na yun, wala na tayong magagawa"

"Mahal mo pa ba ko?" nabigla ako sa tanong nya.

Umiwas ako ng tingin.

"Gusto kong magfocus sa career ko, ayoko ng kahit anong distractions Jah"  sagot ko.

Hinawakan nya ko sa pisnge and hinarap sa kanya.

Nakangiti sya.

"Hindi mo sinabing hindi, enough na sakin yun, basta ako...mahal na mahal kita" sabi nya then hinalikan ako sa noo.

Gusto ko syang yakapin, pero hindi, wag kang marupok gHorl.

Tiningnan ko sya ng masama.

Tinaas nya yung mga kamay nya.

"Oops, sorry babe, nadala lang hehe" sabi nya.

Humikab ako.

"Inaantok na ko, pano ba tayo makakalabas dito?"

"Hindi ko alam, magpahinga ka na lang muna, sandal ka muna sakin" alok ni Jah.

"Hindi, ok lang"

Sumandal na lang muna ko sa dingding.

Di ko namalayan nakatulog na pala ko. Pag mulat ko ng mata, yakap na ko ni Jah, nakatulog din sya.

Bumalik ulit ako sa pagtulog. Hinayaan ko lang na yakapin nya ko. Kahit ngayon lang...gusto kong pagbigyan yung sarili ko.

🌜🐕🐈to be continued🐈🐕🌜
Ang tagal ko na namang mag update. Writer's block? Hayys

Hmmm...di ko alam kung nasabi ko na to pero may hinahanda akong SB19 One Shots. Sisimulan kong magpublish after ng Mr. Sunshine 😊

Sana po basahin nyo din and mahalin gaya ng story na to hehe

Alabyu po 💙

SB19 Justin - Mr SunshineWhere stories live. Discover now