☀️24

955 31 6
                                    

☀️Justin's POV☀️

"eto Josh masarap to...aaaah" umabot na ko sa puntong sinusubuan ko na din si Josh pag kumakain kami.

"ano ba? kayo na ba talaga? hahaha" tanong ni Ken.

"masama bang asikasuhin ko kuya natin?" sagot ko.

"kailan mo pa kinuya si Josh? may sakit ka ba? hahaha" tanong ni Sejun.

"dat babe tawagan nyo eh hahaha" pang aasar ni Ken.

"Naiingit ka lang ata Ken eh...oh ito aaah" sabi ni Stell.

"di ah!" sagot naman ni Ken pero kinain nya pa din yung binigay ni Stell.

"oy ako din! aaaah" sabi ni Sejun.

"parang masakit yung likod ko" reklamo ni Josh.

"San banda?" dali dali akong tumayo at minasahe sya.

"baba mo onti...yaaaan"

"oy Jah ako din masakit din likod ko, kuya mo din naman ako pamasahe naman" sabi naman ni Ken.

"mga kuya...eto daw po isusuot nyo bukas sa fan meeting nyo" dumating si meow na may daladalang madaming paper bags.

"uy bagong outfits?" tanong ni Stell.

Nagsitayo kaming lahat para tulungan si meow sa mga bitbit nya.

"bat naman ikaw lang pinagbitbit nila ng lahat ng to?" tanong ni Josh.

"busy po kasi lahat sa paghahanda ng fanmeeting nyo, saka magaan lang naman"

"kumain ka na ba meow? kain ka muna" tanong ko sa kanya.

"ah hindi na ok lang madami pa kasing kailangang asikasuhin"

"kailangan mo pa din kumain, halika upo ka na dito" pinaupo ko sya sa tabi ko.

Sumingit si Josh sa gitna namin at dun umupo.

"eto meow oh carbonara favorite mo, saka nag order talaga ko ng maraming garlic bread para sayo"

"ano yan Jah nagpapalakas ka sa bayaw mo? hahaha...Cat sila na ata ni Josh hahaha" pang aasar ni Ken.

Nagkatinginan si Sejun at Stell. Feeling ko nakakahalata na sila na kabaliktaran ng sinabi ni Ken yung nangyayare.

Gusto ko talagang maging bayaw si Josh someday kaya ako nagpapalakas sa kanya hihihi.

"bibigurl kain ka lang, eto mojos" sabi ni Josh

"saka eto softdrinks bibi...ko...este meow" ang sama ng tingin sakin ni Josh.

Namumula naman si meow.

"AAH! gets ko na hahahahahaha" nagulat kaming lahat kay Ken.

"wait...so kayo na?" tanong ni Stell.

Lalong namula si meow and parang may lalabas ng laser sa mata ni Josh any moment.

"nililigawan ko pa lang hehe...Josh?...medyo napapahigpit na yung hawak mo sa tinidor...hehe...baka masugat yung kamay mo...akin na yan hehe" medyo kinakabahang pakiusap ko kay Josh.

Kinuha ni meow yung tinidor sa kamay ng kuya nya ayaw kasing ibigay sakin.

"di na ko nagtataka, umiiyak na lang bigla yan si Jah nung di ka namin mahanap" kwento ni Ken.

"uy nakakahiya" saway ko kay Ken pero sa totoo lang dagdag pogi points yun kay meow hehehe.

"Di pa ko pumapayag Jah ha" sabi ni Josh.

"Di pa? pa? So may pag asang pumayag ka hehehe"

Pumikit at huminga lang ng malalim si Josh.

***Later that night***

Pauwi na kami.

"Justin" tawag ni Josh.

"Yes?"

"Tara sa hagdan"

Napalunok na lang ako. Kaya kaya akong gulpihin ni Josh?

Sumunod na lang ako.

"Kahit di ako pumayag, liligawan mo pa rin si katkat noh?"

"Sobrang halaga sakin ng approval mo Josh pero di ko kayang i-give up si meow...sorry"

Ikinuyom nya yung mga kamao nya.

Napaatras ako.

Gigil na gigil ung itsura nya.

"pag si katkat nasaktan, di ko alam kung anong magagawa ko sayo Justin, pasenyahan na lang tayo"

"hindi ko sya sasaktan Josh"

"siguraduhin mo lang...pero di ibig sabihin neto na pumapayag na ko" sabi nya at saka ko iniwan sa may hagdanan.

Napaupo na lang ako pag alis nya.

Kinabahan talaga ko. Kung sinuntok nya kasi ako di talaga ko lalaban.

Hinatid ko si meow pauwi.

"Sige na Jah, dito ka na lang wag ka na pumasok sa loob kailangan mo na magpahinga, dapat nga di mo na ko hinatid"

"syempre gusto kong siguraduhing safe kang makakauwi"

Ipinagbukas ko sya ng pinto ng kotse.

"Salamat"

"Hintayin lang kitang makapasok, goodnight, I love you"

"Goodnight" sagot nya habang nakangiti.

Naglakad na sya papasok ng gate.

Sumandal ako sa kotse habang pinagmamasdan sya.

Pinasok ko sa magkabilang bulsa yung mga kamay ko, ang lamig eh.

"Baby!" naisipan ko syang tawagin.

Napalingon sya!

"So payag ka nang baby kita?"

Namula sya and napangiti.

"hmmm...malapit na" sabi ni meow sabay karipas ng takbo papasok.

Hahaha ang cute.

Wait...malapit na daw! Yes!

Napasuntok na lang ako sa hangin at nagtatalon.

Mukha akong baliw sana walang nakakakita sakin, pero...lakompake hahaha.

Umuwi akong sobrang saya.

Una, di man totally pumayag si Josh at least alam kong may pag asang pumayag sya someday at tanggapin ako bilang bayaw hihihi.

Then si meow, lalo kong binigyan ng pag asa.

Malapit ko na daw syang maging baby.

Nakahiga na ko sa kama ko pero di pa rin naaalis ngiti sa labi ko.

🌜🐕🐈to be continued🐈🐕🌜

SB19 Justin - Mr SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon