🌜25

933 51 6
                                    

🌜Cat's POV🌜

Ilang buwan na din akong nililigawan ni Jah.

Nararamdaman ko namang sincere talaga sya.

Yun nga lang nagseselos talaga ko tuwing magkasama sila ni Stacey.

Pero artista kasi si Jah, kailangan kong maintindihan yun.

Kung magiging boyfriend ko sya dapat masanay ako dun and suportahan ko sya sa career nya.

Ayoko din namang isantabi nya yung pangarap nya dahil sakin.

Mahal ko si Jah kaya dun ako sa magpapasaya sa kanya.

Though syempre napapasaya ko sya, di lang naman ako and hindi naman dapat na ako lang ang source of happiness nya.

Sa totoo lang gusto ko na syang sagutin kaso ang weird naman na bigla ko lang sabihing oo out of nowhere di ba?

Nandito nga pala ko ngayon sa first ever fan meeting ng grupo ni Tof.

Nagdebut sila a few months ago.

Shining yung pangalan ng grupo nila tapos Brightly naman yung tawag sa fans nila.

Super proud ako sa friend kong to, isang taon mahigit lang syang nagtraining nakapag-debut na.

Lima din sila sa grupo, sya yung visual.

"wooooh! galing mo Tof!"

***after mg fan meeting***

"uy kitty salamat sa pagpunta" sabi ni Tof.

"hello?! Brightly kaya ako tapos ikaw bias ko" sabi ko naman sabay kindat.

"naks, pirmahan ko na ba noo mo? hahaha"

"magiging busy ka na din lalo, ganto na ba talaga kapalaran ko? Maging friend ng busy na mga idol? Road trips no more?" sabi ko sabay pout.

"sorry na basta pag may time ako road trip agad tayo"

"next time na may kakaibiganin ako tatanong ko na agad kung may balak maging idol haha but seriously I'm so proud of you Toffee!"

***after an hour***

Gabi na kami nakabalik sa office.

"Oo ng pala kitty, ano nang ganap sa inyo ni Justin?" tanong ni Tof.

"hmmm...wala naman masyado, nanliligaw pa din sya"

"kailan mo balak sagutin?"

"gusto ko na nga kaso di ko alam kung pano"

"hina naman neto ni Justin, dapat tanong sya ng tanong para di ka mahirapang umo-o, he's missing  lot of chances everyday hahaha"

"ang weird naman kung bigla kong sabihing tayo na noh?"

"oo hahaha, pero kitty just to warn you, di talaga ko okay na isang idol, at isang Justin ang magiging boyfriend mo, sobrang hirap nyan, pwede kang masaktan ng sobra"

"alam ko naman yun, pinigilan ko naman, alam mo yan, kaso, sya talaga eh"

"Alam kong ayaw din ni Josh pero wala naman kaming magagawa, nasayo pa din ang decision, kaya support na lang ako and I'll try to protect you as much as I can"

"Thanks Tof, you're the best"

Niyakap ko sya. Super comfortable kami sa isa't isa kaya wala talagang ilangan, parang kapatid ko na si Tof as in.

After ng hug namin ni Tof, nakita ko si Justin sa likod, medyo malayo, masama ang tingin.

Lumakad sya palayo.

"Jah!...Justin!" hinabol ko sya.

Nagpunta sya sa may hagdanan, umakyat papuntang rooftop.

"Jah!" di nya ko pinapansin.

"Huy Jah!"

Finally humarap na sya.

Mukhang galit.

"Sya ba meow? Sya ba gusto mo?"

"Ha? Si Tof?"

"Oo, lagi mo syang kasama tapos ang saya saya nyo lagi, saka di ka naman touchy, ako nga di mo niyayakap, si Josh lang naman niyayakap mo pero kapatid mo naman sya kaya okay lang, pero si Kristof di mo naman ka-ano ano, saka mas matagal na tayong magkakilala, bat sakin di ka naman ganun?" parang syang batang nagtatampo pero seryoso sya.

"eh...di ko alam...komportable lang talaga ko kay Tof"

"sakin hindi? bakit? ano bang ginawa ko? or hindi ko ginawa? may kulang ba sakin?"

"walang kulang sayo Jah naiilang lang talaga ko saka nahihiya sayo"

"bakit? ano bang meron sa Kristof na yun? may mali ba kong ginawa?"

"wala Jah"

"eh bat sakin naiilang saka nahihiya ka?" parang paiyak na sya.

"eh...kasi..."

Tumalikod sya, parang umiyak na ata ng tuluyan maygad.

"KASI MAHAL KITA!...ma-matagal n-na"

Lumingon sya, nanlaki mata.

Dali daling lumapit sakin.

"Ano ulit yun meow?"

"ano...ah...m-mahal kita...dati pa" nakayuko lang ako.

Hinawakan nya yung magkabilang pisngi ko and pinatingin ako sa mga mata nya.

Abot tenga nanaman yung ngiti nya tapos nangniningning yung mga mata.

"Kailan pa?" tanong nya habang nakangiti pa din.

"Di ako sure kung kailan exactly nagstart pero nung unang kita palang natin sobrang nakyutan na ko sayo"

Namumula na sya, feeling ko ako din.

"ako din ganun"

Unti unti nyang nilapit yung mukha nya sakin.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Pumikit na lang ako.

This time di na ko frozen, sumagot na ko sa mga halik nya.

Parang sasabog na yung dibdib ko sa sobrang kilig ata saya.

Feeling ko tumigil yung oras, sobrang magical lang ng moment na yun.

After ng kiss naman tinitigan na naman ni Jah yung mukha ko habang ngiting ngiti.

"I love you baby" malambing na sabi nya.

"I love you too baby Jah" sagot ko naman.

Umacting sya na hinimatay hahaha ang cute.

🌜🐕🐈to be continued🐈🐕🌜

Gusto ko lang pong magpasalamat sa mga nagbabasa ng story ko and sa mga nagvote 🙏 Di ko napansin na 1k+ reads na pala to update lang ako ng update haha.
Grabe super thank you talaga di ko akalain na may magbabasa neto nahihiya kasi akong magpromote sa fb and mag aya ng friends. Nagpromote pala ko 1 time sa Amino ng SB19 kasi wala namang nakakakilala sakin dun hahaha.
Ayun lang 😁 Salamuch po! 💙

SB19 Justin - Mr SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon