🌜11

1.1K 44 6
                                    

🌜Cat's POV🌜

Walang nagbago, ganun pa din sila.

Pinagkaiba lang sikat na sila.

Pero yung attitude nila and yung warmth nararamdaman ko pag kasama ko sila...ganun pa din.

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan tapos pinanood ko silang mag practice.

Pagod na pagod sila after ng practice pero nagtatawanan at nag aasaran pa din sila.

Nakakatuwa silang pagmasdan.

Ang lalaking tao pero parang mga batang magugulo.

Hiningi ni Jah yung phone number ko bago ko umuwi.

Sa totoo lang, ang tagal kong pinag isipan kung kukunin ko ba number nya kaso nahihiya ako.

Nakuha ko na number ni kuya Josh kanina, inisip ko din na hingin na lang number ni Jah sa kanya kaso baka kung anong isipin.

Nakauwi na ko ng bahay. Malungkot kasi ako lang mag isa. Pero mas magaan pakiramdam ko dito kesa nung nasa Korea ako.

Masaya sana kung uuwi na lang si Mommy dito kaso mukhang masaya talaga sya sa Korea.

Sumandal muna ko sa Sofa at tumingala.

Nakakamiss yung andito pa sila ni Daddy.

Yung sabay sabay kami kumakain.

Nanood ng movies tuwing saturday night.

Magvivideoke pag Sunday habang nagbabarbecue.

Hayy...

Medyo makaluma yung design ng bahay namin, mahilig kasi sa antique si Daddy.

Medyo creepy na mag isa na lang ako ngayon dito, pero ayokong pakialaman yung design.

Punong puno ng memories lahat ng nasa bahay na to eh.

***Text Message from 0956***

Unknown: Hi meow meow! Tapos na shoot namin, nasa restaurant kami ngayon treat daw samin kasi very good kami hehe. Kumain ka na? -Jah

Napangiti naman ako, oo nga pala pwede na kami mag usap anytime.

Me: Hindi pa wala pa kong ganang kumain eh.

Sinave ko na number nya.

Jah: Hala kain ka na anong oras na oh

Me: Nakakatamad kasi kumain mag isa

Jah: Edi sasamahan kita, san ka ba nakatira? 😁

Me: Sira 😂

Jah: Seryoso ako, dali send mo address mo 😊

Me: Talaga lang ha di ako kakain pag di ka dumating hahaha

Sinend ko nga address ko, tingnan natin yabang neto hahaha

Naligo na ko and nagbihis ng pantulog.

Naka onesie ako na pusa na kulay pink. Saka bedroom slippers na pink na pusa din.

SB19 Justin - Mr SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon