☀️47

745 29 6
                                    

☀️Justin's POV☀️

Naipaliwanag ko na kay meow yung totoong nangyare pero ganun pa din yung expression ng mukha nya.

Sobrang lungkot at pain pa din nakikita ko sa mga mata nya.

Gusto ko syang yakapin pero di ako makalapit.

Pakiramdam ko may nilagay syang invisible wall sa pagitan namin.

Nahihiya ako sa kanya, kahit di ko sinasadya nasaktan ko pa din sya.

"Meow I'm sorry, alam kong sobrang nasakatan ka, alam kong kahit anong paliwanag pang gawin ko, hindi ko na mababawi yung mga luhang iniyak mo. I'm really sorry"

Umiyak na sya. Yung totoong iyak nya. Yung iyak na walang halong pagpipigil. Yung iyak nyang halos di na sya makahinga.

Yung iyak na ayaw na ayaw kong nakikita...

Sinubukan kong lumapit para yakapin sya pero di ko tinuloy, parang may pumipigil sakin.

"Justin...ikaw dapat yung sunshine ko, yung nagbibigay liwanag sa buhay ko pero bat ikaw pa yung nagdala sakin sa darkest part ng life ko?" tanong ni meow.

Napaluha na din ako.

Oo nga pala, sunshine yung tingin nya sakin. Ang saya ko nung sinabi nya yun dati, ngayon hiyang hiya ako sa kanya pati sa sarili ko kasi di ko na naman sya naprotektahan.

"Jah, siguro nga hindi mo ginusto yung mga nangyare pero nasasaktan ako ng dahil sayo. Di mo naman kasalanan lahat pero di ko alam kung bat galit ako sayo. Hindi dapat ako galit pero di ko mapigilan. All this time kasi I felt like you abandoned me. I felt like you betrayed me. Para kong tanga. Ang galing lang kasi ng kwento ni Stacey and ng mga proof nya. Mas masakit ata na all this time illusion lang pala na gawa ng babaeng yun yung dumurog sakin. Sige hindi ka nga nagcheat, but still she managed to break me into pieces. Ngayon di ko na alam kung anong mararamdaman ko. Gusto kong maging masaya dahil sa mga sinabi mo pero di ko magawa"

Nasabi lahat ni meow yun ng malinaw.

Usually di na sya nakakapagsalita ng maayos pag umiiyak sya pero ngayon sobrang linaw ng pagsasalita nya.

Madiin yung pagsasalita nya, like she's forcing herself na masabi lahat ng maayos pero punong puno ng pain yung boses nya.

I felt her anger pero sa kabila nun, nararamdaman ko din yung part ni meow that is desperately crying for help.

Niyakap ko na sya.

"I'm sorry, I'm really sorry. Gagawin ko lahat para makabawi sayo. Please give me a chance to take all the pain away, papalitan ko ng pagmamahal at saya. I promise. Hayaan mo kong gawin yun please" pakiusap ko.

Umiiyak pa din sya, di sumasagot.

Hinayaan ko muna sya para marelease din lahat ng kinikimkim nyang sakit.

After a while kumalma na sya and kumawala mula sa yakap ko.

"I can't" sabi nya.

"You can't???" tanong ko.

"I can't give you that chance. Engaged na ko kay Tof. I'm trying to move on. Pag bumalik ako sayo sooner or later may mangyayari na naman and masasaktan na naman ako. Di ako matatahimik pag nalaman ng mga tao na girlfriend mo ko. And ang sakit na kailangan mo kong itago and kailangan kong hayaang isipin ng ibang tao na kung sino mang ka-love team mo yung girlfriend mo. Pati si kuya Josh nasasaktan pag nasasaktan ako, ayoko nang nag aalala sya. Tama sya dapat hindi na lang ikaw." dagdag ni meow.

Di ko mako-control yung reactions ng tao pag nalaman nilang girlfriend ko si meow.

Anong gagawin ko? Totoo yung mga sinabi nya.

Napaiyak na lang ulit ako.

"Meow sorry, di ko kayang mawala ka sakin, please...please" pakiusap ko.

Pumunta na sya sa pinto.

"Kuya please palabasin nyo na ko" pakiusap nya habang umiiyak.

Niyakap ko sya mula sa likod.

"Babe...please" pakiusap ko ulit.

"Kuya please...palabasin nyo na ko" pagmamakaawa ni meow.

Bumukas na yung pinto.

Sobrang lungkot ng mga mukha nila.

Mukhang kanina pa sila nakikinig.

Umiiyak si Stell.

"Akin na muna si katkat Jah, hayaan muna natin syang kumalma" sabi ni Josh.

Hinayaan ko na lang muna si meow kay Josh.

Niyakap ako ni Ken at Sejun, tinatapik tapik lang ni Stell yung likod ko kasi umiiyak din sya.

Nakatayo lang si Tof sa gilid.

"Anong gagawin ko? Gusto kong ipagsigawan sa mundo na mahal ko sya, hindi ba talaga pwede?" tanong ko.

"Magiging okay din lahat Jah, let's give Cat some time to think. Ang mahalaga she knows the truth now sa kung ano talagang nangyare. I can feel na mahal ka pa rin nya. The fact na nasasaktan pa rin sya ng sobra is a proof na sobrang mahal ka pa din nya" sabi ni Sejun.

"Oo pre, kita naman sa mga mata nya na mahal ka pa din nya. Pakaepal lang kasi talaga ni Stacey. May pa-save the turtles pa syang nalalaman eh isa namang syang malaking plastic. Di dapat hinahayaan mag swimming yun sa dagat kawawa yung mga pagong" sabi naman ni Ken.

"Gusto ko kayo pa din sa huli, tutulong ako para maging okay kayo ni Cat. Wag kang susuko Jah, lalo na ngayon na okay na sayo si Josh" sabi ni Stell.

Sana nga maayos kami ni meow.

Di ko alam gagawin ko pag tuluyan syang nawala sakin...

🌜🐕🐈to be continued🐈🐕🌜
Ilang araw na kong nilalagnat. Sorry sakitin si Moonpuppy Kitty 🤧 Pero super saya ko nakakuha ako ng ticket sa concert ng SB19! Salamat talaga dun sa friend ko na nag offer na dun kami ng isa ko pang friend magregister sa kanila. Ang bilis ng internet nila kasi gamer si Jowa sanaol. Ang layo ng bahay nya samin pero super worth it. Nakapag ampon pa kami pareho ng friend ko ng tag isang Co-A'tin. Wala share ko lang 😅

SB19 Justin - Mr SunshineWhere stories live. Discover now