☀️51

808 29 6
                                    

☀️Justin's POV☀️

2 years ago na nung huli kong nakita si meow. Hanggang ngayon wala pa din akong balita sa kanya.

Parang araw araw akong pinapatay ng thought na baka di na sya bumalik.

Sinubukan kong magfocus sa career ko pero di talaga sya nawala sa isip ko kahit saglit.

Papunta ko ngayon sa photoshoot para sa isang clothing brand na ini-endorse ko.

Pati si kuya kinuha din nilang model kaya sabay kaming pupunta ngayon.

Nagred yung light kaya tumigil kami.

Nagsimula nang tumawid yung mga tao sa pedestrian lane.

Di ko alam kung namamalik mata lang ako pero parang nakita ko si meow na dumaan.

Naka-crop top hoodie, skirt, white shoes at may suot na headset. Naglalakad sya habang nakahawak sa mga strap ng backpack nya.

"meow..."

"ha?" tanong ni kuya.

Lumabas ako ng kotse para subukan syang habulin.

"meow!" sinubukan ko syang tawagin.

Nagtinginan yung mga tao.

Nagbubulungan sila, naririnig kong binabanggit nila pangalan ko.

"Hoy Jah bumalik ka nga dito!" utos ni kuya.

Di ko sya pinansin, sinubukan kong habulin si meow.

"Hoy Jah! Magmask ka man lang hoy!" sigaw ni kuya.

Medyo nagkakagulo na yung mga tao. May mga fans na nagsisigawan.

Pilit ko pa ring tinatawag at hinahabol si meow.

Nagsimula nang tumulo mga luha ko.

Marami ng nakasunod sakin.

Si kuya naman nakasunod din ang kotse sakin.

"Justin sakay na ano ba!" utos nya ulit.

Tumigil si meow sa isang pedestrian lane kasi nakared yung light ng tawiran.

Binilisan ko lalo takbo ko.

Sa wakas naabutan ko sya.

Hinawakan ko sya sa balikat at inikot paharap sa akin.

"Meow..." tawag ko ulit sa kanya habang umaagos mga luha ko.

Nakatitig lang sya sakin at nagtataka.

Ibang tao pala, kasing katawan lang ni meow and kapareho ng buhok nung una kaming nagkita.

"Sorry po akala ko...kayo yung kakilala ko" paghingi ko ng tawad.

Lalo kong naiyak, asang asa kasi akong si meow yung nakita ko.

Napaupo na ko, nakakapanghina.

SB19 Justin - Mr SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon