🌜39

718 29 2
                                    

🌜Cat's POV🌜

Ilang araw nang parang umiiwas sakin si Jah. Di din sya masyadong sumasagot sa tawag at text ko. Ganun ba sya ka-busy?

Naiinis na ko. Namimiss ko sya pero parang di naman nya ko namimiss.

Nasalubong ko sya sa hallway.

"Baby Jah!" masiglang bati ko sa kanya.

"Hi babe sorry nagmamadali lang ako" sabi nya at kiniss ako sa noo then nilampasan na ko.

"Babe? Jah?...Justin de Dios!" di ko ko na napigilan inis ko.

Napatigil sya, pero di lumingon.

"May problema ba tayo?" tanong ko sa kanya.

Humarap na sya at naglakad palapit sakin.

"Sorry baby, marami lang talaga kong inaalala at inaasikaso ngayon, sorry kung di na kita nabibigyan ng time, babawi ako promise" sabi nya at hinalikan ulit ako sa noo at niyakap.

Parang natunaw lahat ng inis ko bigla.

Niyakap ko na lang din sya.

"Sorry kung nagiging demanding na ko, namimiss lang talaga kita nang sobra, sige na" sabi ko at sinenyasan sya na yumuko para mahalikan ko din sya sa noo.

"I'm sorry...I love you sooooo much, alam mo yan di ba? Kahit anong mangyare yan lang tatandaan mo, mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita Catarina Santos" sabi nya habang nakatitig sa mga mata ko at hawak magkabila kong pisngi.

"Oo naman, and mahal na mahal na mahal na mahal na mahal din kita Justin de Dios" sagot ko naman at pinisil yung ilong nya.

Niyakap nya ko nang mahigpit, kiniss ulit sa noo then nagpaalam nang umalis.

Bakit parang kinakabahan ako? Bat feeling ko may mali?

***After a month***

May tumawag saken na number lang.

Si Stacey pala, di ko alam kung san nya nakuha number ko.

Nakikipagkita sya sakin, sabi ko busy ako alam ko naman kasing walang kwenta sasabihin nya.

Ang kulit nya pumunta pa talaga sya sa condo ni kuya.

Wala na kong nagawa alangan namang paalisin ko.

"Ano ba yun Stacey, gano ba kaimportante to at pumunta ka pa dito ng gantong oras?" tanong ko sa kanya nung nakaupo na kami sa sala.

"Break up with Justin, I'm his girl and gusto ko ako lang" sagot nya.

"Excuse me? Sa pagkakaalam ko ako lang ang GIRLFRIEND ni Jah wala ng iba pa"

"I'm sorry pero yun yung too Cat, want some proof? Here" sabi nya then pinakinig sakin recording ng phone call nila.

Hi babe! Magkasama lang tayo kanina pero miss na miss na kita gusto kitang i-kiss at i-hug ngayon pwede ba kong pumunta jan?

Sige punta ka, tulungan mo ko pumpkin.

Stacey bakit? Anong nangyayare sayo? Asan ka?

Bahay.

"See, isang tawag ko lang pinuntahan nya na ko"

"Hindi"

"Anong hindi? More proof? Eto" sabi ni Stacey.

Pinakita nya sakin yung picture nila ni Jah na magkasama.

Nasa bed sila and nakahiga si Stacey sa dibdib ni Jah.

Wala silang suot.

Di ko na napigilan yung luha ko.

Para kong binuhusan ng malamig na tubig.

"Cat, I'm pregnant, we're having a baby, so please let Justin go, kahit para na lang sa baby namin, alam mo naman feeling ng walang dad di ba? Kaya mo bang mawalan din ng dad yung anak ni Justin? Kaya mo ba na may batang maging katulad mo na di nabigyan ng chance makasama daddy nila at magkaroon ng buong pamilya?"

Di ako makapagsalita.

May pumasok sa pinto.

"Hi Cat, Josh asked me to check on you.." sabi ni Sejun.

Iyak pa rin ako ng iyak.

"What's going on? Bat umiiyak nang ganyan si Cat?" sabi ni Sejun at lumapit sakin.

Napasilip si Sejun sa phone na nakalapag sa table. Nakita nya yung picture.

"Oh my God...Cat...Stacey, I don't know what you're up to pero sana di mo na pinakita sa kanya yan, umalis ka na. Cat, I don't know what's going on pero...di magagawa ni Justin to eh"

"Ayan na yung proof, what more do you need? A video?" sabi Stacey.

"What I need is for you to get out. Umalis ka na please, coz one thing is for sure, you want to hurt Cat. Gusto mo bang tumawag pa ko ng security? Nakakahiya yun, isang Stacey Angeles pipiliting palabasin ng security?"

Tumayo na si Stacey.

"Think about it Cat" sabi nya at umalis na.

Iyak lang ako nang iyak. Matagal.din bago ko napakalma ni Sejun.

Sinabi ko sa kanya lahat ng sinabi ni Stacey.

"Cat, pareho nating kilala si Jah, lahat ng sinabi ni Stacey, it doesn't sound like magagawa ni Jah yung mga yun eh"

"What about the picture? Then may sinabi pa syang video" sagot ko.

"I don't know, but still, this is so not Justin, let's give him a chance to explain ok? Magpahinga ka na lang muna. Bukas na bukas kakausapin natin si Jah, di lang talaga natin sya mahahagilap ngayon at nasa shoot yun. Wag mo muna sanang sabihin to kay Josh please. Let's wait for Justin, sigurado akong may explanation sya dito"

Sinigurado muna ni Sejun na tulog na ko bago sya umalis.

Nagtulog tulugan lang ako, di talaga ko makatulog.

Baka di makauwi si Sejun pag di ko ginawa yun.

Pag alis nya. Umiyak lang ulit ako ng umiyak hanggang makatulog...

🌜🐕🐈to be continued🐈🐕🌜

SB19 Justin - Mr SunshineOnde histórias criam vida. Descubra agora