🌜46

719 23 8
                                    

🌜Cat's POV🌜

Nagpaalam na ko kina mommy at sa mga bisita. Nagdahilan na lang ako na masama pakiramdam ko.

Eto ako ngayon sa kwarto ko, nag iiiyak.

Di ko mapigilan yung mga luha ko. Gusto ko nang tumigil sa pag iyak kaso ayaw makisama ng mata at puso ko.

Akala ko okay na ko, di na kasi ako umiiyak matagal na. Di ko na rin masyadong naiisip si Jah. Sa dami rin kasi ng ginagawa ko wala na kong oras problemahin sya.

Pero ngayong nakita ko sya, narealize ko...kahit isang porsyento walang nabawas sa sakit na nararamdaman ko.

Parehong-pareho lang yung pakiramdam nung una kong nakita yung picture nila ni Stacey hanggang sa ngayon.

***Kinabukasan***

Inaya ako ni Tof na magdinner sa bahay nya.

Nasa liblib na lugar bahay nya. Nature and silence, ang dalawang paboritong bagay ni Tof.

"Taray may pa-dinner date ang fiancee ko baka mainlove na ko ng tuluyan sayo nyan haha" pang aasar ko sa kanya.

"Nakakadiri ka, wag ako Catarina" sagot nya.

"Eh bat may pa-dinner ka pa kasing nalalaman?"

"Hapunan lang to, di ka ba naghahapunan? Ang arte mo ghorl. May papakita lang ako sayo sa kwarto saglit, tara" aya ni Tof.

Dinala ko ni Tof sa room nya.

"Ano ba yun?" tanong ko.

"Jan sa may closet" sabi ni Tof habang tinuturo yung closet nya.

"Dito?" tanong ko.

Biglang sinara ni Tof yung pinto.

Nilock nya din, di ko mabuksan.

"Hoy Kristof ano tong trip mo!"

"Sorry kitty ayaw mo kasi makinig eh"

"Ha?!"

Biglang bumukas yung closet.

"HI BABE!" masiglang bati ni Justin habang lumalabas sa closet.

Yung gummy smile nya...namiss ko to.

Wait...rupok ka ghorl?

Hindi pwedeng isang ngiti nya lang okay ka na.

Anong ginagawa neto dito...

"KRISTOF!!!" sigaw ko.

"Sorry kitty, para to sa happiness mo at peace of mind ko, go Justin!"

"Go Jah!" parang sina kuya yung nagchi-cheer sa labas.

"Kuya? Ano to?" tanong ko.

"Mag usap kayo ng maayos katkat. Sorry kung kinulong ka namin jan, takas ka kasi ng takas, naninigurado lang kami. Labyu" sagot ni kuya.

"Sige na tara na hayaan muna natin sila" yaya ni Sejun.

"Oy Jah, usap lang ha" bilin ni kuya.

"Kiss pwede?" tanong ni Jah.

"Anong kiss? Paduguin ko yang nguso mo" sagot ni kuya.

"Hug na lang" sabi ni Jah.

"5 seconds lang" sabi ni kuya.

"Wow, nandito ako naririnig ko kayo, ayos ah" saway ko sa kanila.

Ngumiti ng alanganin si Jah. Parang natatakot sya sakin na di mo maintindihan.

"Una sa lahat, sorry kung kinulong ka namin dito, gusto lang talaga kitang makausap ng maayos. Hayaan mo sana kong magpaliwanag" pakiusap ni Justin.

"Di mo naman kailangang magpaliwanag. Gets ko naman na Jah. Ano pang paliwanag dun? May anak na kayo congrats tatay ka na"

"Hindi meow..."

"Okay na wag na, wag ka na din magsorry wala namang magagawa yan tapos na let's move on" ayoko talagang marinig sorry nya.

"Meow..."

"Hindi Jah okay lang..."

"Catarina pag di mo ko pinatapos itatali kita" banta ni Justin.

At may hawak talaga syang panali sakin.

"Ayoko kasing marinig yung sorry mo sa totoo lang, parang mas masakit kasi  pag nagsorry ka pa. Wag ka na lang magsorry please" pakiusap ko.

Napapikit at buntong hininga si Jah.

"Okay sige...ganto na lang, hindi ako magsosorry, pero makinig ka sa sasabihin ko. Deal?" offer nya.

Makikinig ba ko dito?

Kaso parang wala akong choice napagkaisahan na nila ko dito eh.

"Sige, whatever, mukhang wala naman akong choice eh" sagot ko.

"Wala kaming anak ni Stacey. Hindi sakin yung bata. Yun yung una kong gustong i-clear"

Hmmm...okay, masakit pa din. Di ako umimik.

"Yung nasa video, hindi rin ako yun, malalaman mo yun kung pinanood mo yung video" paliwanag nya.

"Bat ko papanoorin? Kadiri ah"

"Oo, wag ka manood ng ganun, pero basta hindi ako yun. Lumabas yung totoong nasa video, magkahawig talaga kami. A'tin din sya, tinulungan nya kaming linisin pangalan ko. Sya din yung daddy ng baby" dadag pa ni Jah.

May nangyari pa rin sa kanila kahit balibaliktarin, ansaket pa rin.

Yung nasa picture na pinakita sakin ni Stacey, sure akong sya yun.

"Pakana lang ni Stacey lahat, sobrang desperate syang mapaghiwalay tayo. Iba yung galit nya sayo, di nya ko mahal, yung galit at inggit nya talaga yung nagdadrive sa kanya na gawin lahat ng yun"

"But why did you sleep with her? Kasi gusto mo sya? Crush na crush mo nga pala yun"

"I didn't, well natulog, literally, pero walang nangyare, I swear. Kayang patunayan nila Josh yan meow, promise"

"Bakit andun sila?" tanong ko.

"Hindi, may CCTV footage kasing pinakita si Kyle, yung daddy ng baby ni Stacey. May pinainom si Stacey sakin kaya nawala ako sa sarili ko wala akong matandaan pero kita sa CCTV na behave pa din ako. Kaya nga nakuha ko na approval ni kuya Josh mo eh kasi good boy ako" paliwanag pa ni Justin habang nakangiti.

It's a relief na, walang nangyare pero bakit ganun? Bakit ang sakit pa din?

Sobrang invested na ba ko heartache ko na di ko na kayang tumanggap ng paliwanag?

Bat parang galit pa din ako kay Jah?

Di maalis sa isip ko yung picture nila ni Stacey.

🌜🐕🐈to be continued🐈🐕🌜

SB19 Justin - Mr SunshineWhere stories live. Discover now