🌜33

864 36 11
                                    

🌜Cat's POV

Tinawagan ni kuya si Jah kanina. Nagalit daw kasi dinala nya ko dito.

After ilang oras dumating na sya kasama lahat ng members.

"Uy grabe ang ganda dit..." di natapos ni Ken yung sinasabi nya kasi dere-deretso si kuya Josh kay Jah, galit.

"Josh, Josh, kalma" pinipigilan ni Sejun si kuya.

"Safe si meow dito promise wala akong ginawa Josh" paliwanag ni Jah habang nagtatago sa likod ng sofa.

"Yang mukha mo hindi safe sakin makikita mo" banta ni kuya.

"Kuya behave naman si Jah wag ka magalit gusto nya lang ako ilayo saglit sa mga kaguluhan sa manila" paliwanag ko.

"Ikaw katkat ha, di ka dapat sumasama dito na kayo lang, di natin sigurado kung hanggang kailan behave yan eh"

"Mabait naman si Justin hindi sya ganun"

"Mabait? Ang bilis nga makagets ng green jokes nyan tapos tagal maka-move on" nanggigigil na sabi ni kuya at binato si Jah ng unan.

Natamaan sya sa mukha.

"Jokes lang naman yun di ko naman inaapply sa totoong buhay" paliwanag ni Jah.

"Saka ang paalam sakin si Tof ang kasama bat si Jah ang nandito? Katkat ha di na natutuwa si kuya"

"Sorry kuya di ko kasi alam kaya di ako nakapag paalam ng maayos"

"Bakit pag si Tof ok lang? Pag ako hindi?" tanong ni Jah.

"Nakakasiguro akong walang magyayareng masama kay katkat pag si Tof kasama nya" sagot ni kuya.

"Bakit? Mas matagal mo na kong kilala bat kay Kristof ka kumakampi? Unfair naman yun, wala naman akong ginagawang masama" mukhang totoong nasasaktan talaga si Jah base sa itsura nya habang sinasabi yan.

"Basta! Di mo maiintindihan Jah pero sigurado ako na di ako magkakaproblema kay Tof pagdating kay katkat. Eto nga oh nagkaproblema na agad sayo" paliwanag ni Josh.

Iba na talaga yung itsura ni Jah. Sobrang nahu-hurt na siya.

"Tama na kuya di naman si Jah lang may kasalanan dito, ako din, di ako nag ingat" pagtatanggol ko kay Justin.

"Wag mo nang ipagtanggol katkat, alam naman ni Justin kung anong sinasabi ko eh" sagot ni kuya.

"Tama na yan guys, di ba we're here to relax? Let's just forget about all the negativities kahit ngayon lang. Cat needs a break too wag na muna tayong magtalo talo at mamroblema" suggestion ni Sejun.

"Oo nga swimming na diiis!" sabi ni Ken.

Binato ulit ni kuya si Jah ng unan pero nasalo nya.

Lumapit ako kay Jah at pinisil ilong nya. Sobrang lungkot na kasi ng itsura nya.

"Halika na babe, swimming daw?" aya ko sa kanya.

"Anong babe babe? Halika dito katkat di talaga ko natutuwa" saway ni kuya at inilayo ako kay Justin.

"kuuuyaaaa" angal ko.

SB19 Justin - Mr SunshineDove le storie prendono vita. Scoprilo ora