☀️28

806 29 1
                                    

☀️Justin's POV☀️

Pinilit kong habulin yung lalaking nagpicture samin ni meow kaso di ko talaga maabutan.

Paglumabas yung picture na yun siguradong maaapektuhan ng sobra si meow.

Lagot talaga ko kay Josh nito, sabi ko pa naman poprotektahan ko kapatid nya.

Bumalik agad ako sa studio nung nasigurado ko nang safe na si meow sa bahay nya.

Natatakot akong magsabi sa members pero kailangan nilang malaman to, then kailangan din naming ipaalam sa management.

Pag bukas ko ng pinto ng studio nakalatag na mga higaan namin.

Ipinaglatag na din pala nila ko.

"ummm...guys...may problema" sabi ko sa kanila sabay buntong hininga.

"bakit Jah? si katkat safe ba?" tanong ni Josh na punong puno ng pag aalala.

"safe naman si meow, sinigurado kong nasa loob na sya ng bahay bago ko umalis"

"oh eh anong problema?" tanong ni Sejun.

"ano kasi...may nahuli kami na nagpicture samin ni meow kanina sa labas ng bahay nya...magkayakap kami...di ko naabutan yung lalake...pag nilabas yung picture..."

"YAN NA NGA BANG SINASABI KO EH! JAH!" napatayo si Josh na nagngi-ngitngit sa galit.

Pinilit syang kalmahin ni Stell at hinaharangan para di makalapit sakin.

Humarang naman si Ken sakin just in case di kayanin ni Stell si Josh.

Mas maliit man si Josh samin, alam naming lahat na mas malakas sya.

Napatayo na din si Sejun sa gitna namin para mamagitan.

"Guys, kumalma muna tayo, nandito na to, blaming each other won't help us, and we have to protect Cat too, kailangan malaman to ng management, kailangan nating makapagprepare sa kung ano mang mangyayare" sabi ni Sejun.

"Ayos lang naman sana, kaya kong tanggapin yung epekto satin kung magka-dating scandal si Jah or kung sino man satin eh, pero si katkat kasi yung involved! Ilang beses kitang pinakiusapan Jah! Ilang beses kitang sinabihan! Masasaktan si katkat ng sobra! Imagine kung anong gagawin ng fans nyo ni Stacey sa kanya!" sabi ni Josh habang pinipigilan pa din sya ni Stell.

"I'm sorry Josh, gagawin ko lahat para maprotek..."

"pano Jah? pano? itutumba mo lahat ng internet provider sa Pilipinas para walang makagamit ng social media? Or iko-confiscate mo lahat ng cellphone ng mga tao? pano Jah? pano!"

Di ako makasagot, kasi sa totoo lang di  ko alam gagawin ko.

Napaupo na lang ako at napaiyak sa sobrang frustration.

Hinahaplos lang ni Ken yung likod ko.

Lumabas si Josh at padabog na sinara yung pinto. Sinundan sya ni Stell.

Napaupo na din si Sejun at napahawak sa batok.

Maya maya tinawagan na nya yung manager namin para ipaalam yung sitwasyon.

Dis oras ng gabi nagpatawag sila ng emergency meeting.

Sobrang hiyang hiya ako kasi napuyat sila at nastress dahil sakin.

Napag usapan na pag bukas inilabas yung picture i-cacancel muna yung sched namin tomorrow.

Magco-consult na din sila sa lawyers namin kung anong pwedeng gawin to take the pictures down and managot yung kumuha.

There's a possibility din daw na baka maforce silang pagpahingahin muna ko hanggang sa mawala yung issue.

Sa totoo lang wala akong pakialam sa kung anong mangyayare sakin.

Gusto ko lang na maging okay si meow.

***Kinabukasan***

Nangyare na yung kinatatakutan namin.

Inilabas na yung pictures namin ni meow kagabi.

Pinatrace na nila kung sino yung nag upload.

Mas malala pa sa iniisip ko yung nangyayare.

Ang daming posts and tweets na inaatake si meow personally.

Sobrang harsh ng words na ibinabato sa kanya. Karamihan below the belt na.

Sinugod na ko ni Josh ng tuluyan. Hinawakan nya ko sa collar and then pinned me against the wall.

"Nakita mo na!" nanggigigil na sabi sakin ni Josh.

"Josh..." di ko alam sasabihin ko.

Di ko naman gustong mangyare to, gusto ko lang mahalin at alagaan si meow.

Bakit bawal? Wala namang masama dun di ba?

Tao pa din naman ako di ba?

Pilit inalayo nina Sejun si Josh sakin.

Kinuha na nya bag nya at umalis.

Malamang pupuntahan nya si meow.

Tumawag na din manager ni Stacey samin para alamin kung anong nangyayare.

Sabog na din phones namin sa mga humihingi ng interview.

Mismong si Stacey tumawag na din sakin.

"Ano to Justin? I thought we had something special? And maaapektuhan nito yung career at love team natin? Sino ba yung babaeng yun? Totoo ba yun?" sunod sunod na tanong ni Stacey over the phone.

"Hintayin na lang natin yung official statement ng company" sagot ko.

"Oh come on Justin! Tingin mo ipagkakalat ko to? Just be honest with me and ako nang gagawa ng paraan. Just get rid of her already. She's just some worthless nobody anyway"

"She's not worthless, she's everything to me. Di mo sya kilala kaya wag kang magsasalita ng ganyan sa kanya."

"Masisira nya lang career mo. Tingnan mo yung nangyayare. Samantalang tayo gustong gusto ng mga tao."

"Mahal ko si Catarina and hindi ko kayang i-deny or itapon yun"

"You'll eventually forget about her. Ako nang bahala" sabi ni Stacey at inend na yung call.

Ilang araw nang sa video call na lang kami nagkikita ni meow.

Miss na miss ko na sya. Gustong gusto ko syang yakapin para i-comfort kaso di pwede.

Kahit si Josh di sya mapuntahan.

I just want this storm to pass as soon as possible and makasama at mayakap na ulit ang baby ko.

🌜🐕🐈to be continued🐈🐕🌜

SB19 Justin - Mr SunshineWhere stories live. Discover now