☀️12

1K 39 5
                                    

☀️Justin's POV☀️

Imbis na matakot ako kanina habang nanood kami ng horror, tawa lang ako ng tawa.

Nakatago lang si meow sa unan, nasa sofa pareho nyang paa.

Parang naka-fetal position na sya, mukha talaga syang inisquish tapos sobrang pigil yung pagsigaw nya hahaha.

Buti na lang napapayag ko sya na mag overnight ako, wala na kong energy para bumyahe pauwi saka gusto ko pa syang makasama.

After namin magkwentuhan nakatulog na kami.

Pero nagising din ako sa kalagitnaan ng gabi.

Para kasing may humawak sa binti ko,  pinasok ko na lang ulit sa kumot.

Medyo nagsisisi na kong nanood kami ng nakakatakot.

Maya maya parang may kumaluskos sa may kusina tapos biglang umalulong mga aso ng kapitbahay.

Natatakot na talaga koooooo.

Tiningnan ko kung nagising si meow, pero hindi, sobrang himbing ng tulog nya.

Nasisinagan ng liwanag ng buwan yung mukha nya.

Ang sarap titigan...

Ang likot nya pala matulog, natanggal na lahat ng bakod na ginawa nya, nasa sahig na halos lahat, tapos yung isa yakap yakap nya.

Dahan dahan kong inalis yung buhok na nakaharang sa mukha nya.

Bigla syang umupo kaya nagtulug tulugan ako, pero nakabukas isang mata ko.

"shsmsheshemmshsh" may sinasabi sya pero di ko maintindihan tapos may tinuro sya.

Lalo kong natakot 😱

"Uy meow" tinawag ko sya.

Babangon na sana ko para kunin sya pero humarap na sya sakin at gumapang pabalik para matulog ulit.

Nakapikit pa din sya, mukhang di sya aware sa ginawa nya.

Pano ko nasabe?

Kasi di sya nagpunta sa unan nya, andito sya ngayon sa unan ko, nakayakap sakin 🤭

"shemshmeshhsms mommyyy" mommy lang naintindihan ko sa sinabi nya.

Miss nya na siguro mommy nya, bat naman kasi mag isa lang to dito.

Ano kayang feeling ng mag isa lang sa bahay na to.

Di ko ata kaya yun, ngayong dalawa nga kami dito parang hihimatayin na ko sa takot.

Pero dahil yakap nya ko, narelax na ko and unti unting nakatulog.

***Kinabukasan***

Pagkagising ko nasa sahig na kaming dalawa.

Nasa dibdib ko si meow, tulog na tulog pa din.

Grabe ang sakit ng likod.

Ayoko namang gumalaw baka magising sya.

Maya maya pa bigla syang bumaling pakanan. Nauntog sya sa sahig.

Dali dali ako bumangon para i-check kung okay lang sya.

Dumilat sya saglit, tumigin sa mata ko, ngumiti, tapos natulog ulit.

Napangiti na lang din ako.

Binuhat ko na sya pabalik sa higaan para makatulog sya ng komportable.

Restday namin ngayon, finally, sunod sunod kasi sched namin, ngayon na lang ulit kami nakapag restday.

Masaya kami sa lahat ng nangyayare pero syempre kailangan din magrecharge hehe.

Humiga na lang din ulit ako.

Di ko alam kung gano ko katagal nakatulog ulit pero pag mulat ko ng mata ko nahuli kong nakatitig sakin si meow.

Nataranta sya, biglang tumayo at pumunta sa kung saan.

Hahahahaha huli ka pero di ka kulong hahaha.

After naming makaligo at makapag ayos sinimulan ko na syang asarin.

"sabi ko na nga ba eh gagawa gawa pa ng bakod aalisin din naman para makayakap saken 🙄"

"Hoy hindi kita niyakap!"

"Luh kaya pala, sarap ng yakap nya sakin kagabi, lahat ng unan nasa sahig"

"N-na-ssipa ko lang!"

"Tapos pagkagising ko nasa sahig na tayong dalawa nakahiga ka pa nga sa dibdib ko" sabi ko sabay yakap sa sarili ko na kala mo luging luge haha.

"Hoy! W-walang ganong nangyare!"

Namumula na sya ang cute hehe.

"Di ba masakit ulo mo sa pagkakauntog mo kanina? Ngumiti ka pa nga sakin"

Nanlake mata nya haha. Narealize nya na sigurong totoo sinasabi ko.

Di sya nagsalita.

"Tara panoorin natin cctv para makita mo pinag-gagagawa mo hahaha" dagdag ko pa para lalo syang asarin.

Biglang nag iba expression ng mukha nya, paiyak na sya.

Namumuo na luha sa mata nya, mukha na syang baby na iiyak.

Nagpanic ako at lumapit sa kanya.

Nilevel ko yung mukha ko sa mukha nya sabay hawak sa pisnge.

"Uy joke lang wag ka iiyak please, sorry na nagbibiro lang ako"

At tuluyan na nga syang umiyaaaak 😭

Lagot ako 😭

"Uy meow sorryyy"

Di sya umiimik patay talaga ko neto.

"meoooow joke lang yuuun" niyakap ko na sya.

Hinaplos haplos ko na lang likod nya at paulit ulit na nagsorry.

Ikinuha ko sya ng tubig para makainom.

Buti tinggap nya, medyo napanatag ako.

Pinaupo ko sya sa sofa.

After nya uminom, hinampas hampas nya ko ng unan sa mukha.

Di ko alam kung matatawa ba ko o ano ang cute nya kasi magalit 😂

"Wag mo na ko kakausapin! Umuwi ka na!"

"Joke nga lang yun sorry na" nagpacute ako kaso hinampas nya lang ulit ako.

Hinahampas nya ko tuwing magsasalita ako 😑

Hinawakan ko mga kamay nya.

"Pag hinampas mo pa ko hahalikan kita!" hamon ko sa kanya.

Hahampasin nya dapat ako kaso napatigil sya.

Nagkatitigan lang kami. Namumula nanaman sya.

Hinampas nya na lang sarili nya tapos isinubsob nya mukha nya sa unan saka sumigaw.

"JUSTIN DE DIOOOOOS!"

🌜🐕🐈to be continued🐈🐕🌜☀️
💙tagal kong nagawa tong chapter na to, sobrang aligaga ako sa pagsistream ng Tilaluha, badtrip na youtube to binawasan ng 5k kung kailan 300+ views away from the goal na lang 😭💙





SB19 Justin - Mr SunshineWhere stories live. Discover now