☀️16

950 31 3
                                    

☀Justin's POV☀️

Blind date? Nakipagblind date si meow?

Mapapagkatiwalaan ba tong lalakeng to?

Nagdedate pa din kaya sila?

Gusto kaya sya ni meow?

Buong araw ko ng iniisip to. Ewan ko ba, nag aalala lang naman ako kay meow...

Isang araw nanaman ang natapos, makakapagrest na kami, may rest day kami bukas saktong wala kaming scheds pare pareho.

Nung tinanong ko mga members kung anong gagawin nila bukas, sabay sabay silang sumagot na matutulog hahaha.

Sira yung elevator kaya naghagdan ako.

May narinig akong nagtatawanan.

"oy pero di ko talaga alam na marunong kang sumayaw, galing mo ha"

"tss...wag kang maiinlove saken ha"

"ako? maiinlove sayo? excuse me!"

Si meow at Kristof pala.

Binagalan ko lakad ko para di nila ko mapansin.

"bat naman hindi? ang pogi ko na, magaling pang sumayaw at kumanta"

"ang yabang neto" sabi ni meow habang nagtatawanan sila.

Mukhang sobrang close sila.

"kitty, nagkecrave ako ng ice cream ngayon, gusto ko ng double dutch"

Nasa first floor na kami.

"tara! gusto ko din, libre mo ko!" sabi ni meow habang hila hila si Kristof palabas ng building.

Pag labas ko nakahawak si meow sa braso nya habang naghihintay makatawid.

Ano bang meron sa kanila? Never naging ganyan sakin si meow kahit sobrang close din naman namin.

Hindi sya touchy. Kay Josh lang, pero kapatid nya kasi si Josh kaya okay lang.

Pero sa lalakeng yun? Hindi okay.

Hindi talaga.

"Hoy Jah! Bat nakatunganga ka jan? Sakay na" oo nga pala susunduin nga pala ko ni kuya ngayon.

Napalingon sina meow sakin.

Ngumiti lang ako ng tipid at kumaway.

Kumaway din silang dalawa tapos hinila na sya ni Kristof patawid sa convenience store.

Di ko maalis yung tingin ko sa kanila kahit nasa sasakyan na ko.

Parang ang saya saya nila.

***Kinabukasan***

Hindi ako nakatulog ng maayos kakaisip.

Gusto kong tanungin si meow kung anong meron sa kanila ng lalakeng yun, pero di ko naman magawa.

Ano naman kasing karapatan ko. Kaso di talaga ko mapakali.

Tinawagan ko na sya.

"Hello"

"Good morning meow!" bati ko sa kanya.

"kitty...try mo tong fruit shake recipe ko" naririnig ko si Kristof sa kabilang linya.

Anong ginagawa nya sa bahay ni meow? Dun ba sya natulog?

"Bat ka napatawag Jah?" tanong ni meow.

"ah...eh..."di ko alam sasabihin ko.

"ano?"

"ah...rest day ko kasi ngayon"

"ah...okay, so bakit mo ko tinawagan? May kailangan ka ba?"

SB19 Justin - Mr SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon