🌜9

1.1K 35 7
                                    

🌜Cat's POV🌜

🌜🐕🐈

Note from Moonpuppy Kitty: I'll do may best na damihan pa yung tagalog like sa POV ni Justin.

Dapat english din yung kay Justin originally kaso it doesn't sound like Justin at all pag super daming english.

Now that I'm getting the hang of it, ipupush ko na din na madaming tagalog kay Cat 😊💙

Hopefully marami pang mareach yung story ko. Please support me by voting and sharing nameless fandom with official color and logo! 😘

💙 Salamuch 💙
🐈🐕🌜

2 weeks na mula nung nagstart ang classes ko.

Masaya ko ngayon kasi feeling ko bumabalik na ko sa dati.

Di na parang walang patutunguhan.

Di na ko parang stuck or something.

Feeling ko umuusad na ulit life ko.

"Hey kitty! Gusto mo ba magpart time?" tanong ng classmate kong si Ava.

"Hmmm...okay lang, pera din yun and experience, why?"

"Balita ko kasi may program yung school na pwede tayo magsubmit ng resume sa kanila then pag may mga company na naghahanap ng part timers pwede tayong i-recommend depende sa qualifications nila."

"Ah, may ganon pala. Gusto mo i-try?"

"Oo, kaso ayoko mag isa hehe, samahan mo naman akong magpart time"

"Hmmm...sige para naman may iba pa kong environment maliban sa school at bahay"

"Yes!"

At nagpasa nga kami ni Ava ng kanya kanyang resume.

Ilang araw lang ninotify na kami na nagqualify kami para sa needs na isang company.

May nagpuntang representative ng company sa campus para mag interview sa mga nagqualify.

Luckily naghahanap sila ng part timers na marunong sanang magkorean and magaling mag edit ng pictures at videos kaya napili kaming dalawa ni Ava.

Marunong ako magkorean, though di talaga ganun kaganda accent ko pero enough na daw yun.

Parang assistant kasi yung work ko pero hindi sa iisang tao.

And kailangan makipag communicate sa mga Korean nilang staff and magtranslate na din pag di na daw nagkakaintindihan sa office.

Si Ava naman magaling talaga sya mag edit, hobby nya kasi yun, as in super ganda kasi sobrang tyaga nya.

Pero nagulat ako nung nalaman ko kung anong company papasukan namin.

ShowBT, as in yung company nila Jah!

Kinakabahan ako na di ko maintindihan.

What if makita ko sila and hindi na katulad ng dati?

Tagal ko din kasi nawala. Saka sikat na sila, baka wala na silang time sakin. Lalo na si Kuya at si Jah.

SB19 Justin - Mr SunshineWhere stories live. Discover now